CHAPTER 8 - Komedor

1241 Words

UNANG natapos makapagpalit ng damit ang tatlong lalaki. Nakatayo ang mga ito sa tapat ng pintuan ng dalawang babae na nasa loob pa. "Maugong sa gawing likuran ng bahay na ito. Siguro ay nandun ang generator na pinagkukunan nila ng kuryente.", sabi ni Butsoy. Sandaling tumahimik si Aldo at Josh at pinakinggan ang ugong na sinasabi ni Butsoy. Pagkaraan ay parehong nagtanguan ang dalawa. "Alam niyo mga pare, kanina nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay nakakakita ako ng isang parang hugis babae.", sabi ni Butsoy. Napangisi si Aldo at Josh sa narinig. "Putsa naman, Butsoy! Pati ba naman ikaw?", natatawang kantyaw ni Josh. Naisip ang matatakuting si Reynalyn. Si Aldo man ay nakaumang na ang paghagalpak ng tawa. "Hindi! Hindi gan'on. Sinilip ko pa ngang mabuti, eh.", nagmamadali at na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD