HALOS hindi makakain si Reynalyn. Hindi nito magawang nguyain at lunukin ang kakapirasong pagkain na inilagay sa porselanang pinggang kaharap. Napansin ni Josh ang kakatwang paninigas ng leeg ng dalaga. "Hey! May stiff neck ka ba?", tanong ng binata. Nagtinginan na rin sa gawi ni Reynalyn ang iba pa. "H-ha..! O-oo, naipitan yata ako ng ugat. Medyo masakit kapag iginagalaw ko. Pero konti lang. Mawawala din ito maya-maya.", pagsisinungaling ng dalaga. Hindi nito magawang sabihin sa mga kaibigan ang tunay na dahilan. Nag-aalalang baka hindi magustuhan ni Milen kung sasabihin ang nararamdaman. Ayaw nitong matulog mag-isa sa silid sa taas. Pinilit ni Reynalyn kumilos ng normal at nakisabay sa pagkain ng apat. Patango-tango rin ito sa pinag uusapan ng mga kaibigang kahit isang topic ay wa

