“NAPAKARAMI nito, Geralde. Hindi ko naman ito maisusuot nang sabay-sabay. Hindi ka na sana nag abala pa.", nahihiyang sabi ni Irenea nang makita ang magaganda at makukulay na daster na iniabot sa kanya ng lalaki. Hindi naman nagsalita si Geralde at patuloy lamang sa paglalagay ng mga prutas sa ibabaw ng mesang nasa loob ng kanyang silid. Nang matapos sa ginagawa ay saka pa lamang ito bumaling kay Irenea. "Naririyan pa sa isang bayong ang pinadala ng iyong ama para sa iyo.", pagkasabi ay lumabas na ito. Nasaktan ang babae sa hindi pagpansin sa kanya ng kinakausap. Mula nang gamutin niya ang kamay nito ay madalang na lamang niya itong makita at palagi namang umiiwas kung magkakaroon ng pagkakataon na magkalapit sila. Gaya ngayon. Matamlay na inilabas ni Irenea ang laman ng maliit na bayo

