DAHIL sa sinabi ng mga kasama ay lumakas nga ang loob ni Reynalyn. Nakahawak sa kamay niya ang kaibigang si Milen na bahagyang tumatapik, tila nagsasabing "nandito lang ako". Inihawak din niya ang isang kamay sa kamay ng kaibigan. Nakangiting tumango sa kanya si Milen. Si Milen, ang dalagang hindi man umaamin ay nakakadama na rin ng kaba sa mga kilos ng matandang babae. Ayaw lamang nitong pagtuunan ng pansin ang kabang nararamdaman sapagkat ayaw niyang makantyawan. Matapos niyang pagtawanan ang mga multo at aswang na kinatatakutan ni Reynalyn ay isa pa rin pala siya sa natatakot. Kaya niya sinasaway sa pagsasalita tungkol sa mga gan'ong bagay ang kaibigan ay sa dahilang natatakot na rin siya. Nagtatapang-tapangan lang siya upang maitago ang tunay na nararamdaman. Ayaw niyang masabihang du

