MATAPOS kabisaduhin ang lokasyon ng mga gamit na madadala sa pag-alis ay muling nag-usyoso sa paligid si Butsoy. Lumapit pa ito kay Josh na nakatayo pa rin sa tapat ng bintana. Nakitanaw rin ito sa namumuting paligid dahil sa magkahalong fog at ulan. "Tamang tama ang lakas ng ulan sa labas. Natitiyak kong hindi makakauwi ngayong gabi ang may-ari ng bahay na ito. Bukas, maagang maaga pa lang ay aayain ko na silang umalis agad dito. Upang hindi na kami datnan ng amo ni tanda. Ang lahat ng magkakasya sa isang bag ko ay isasama ko sa pag alis namin. Alam kong gawin ang sira sa sasakyan ni Aldo dahil ako lang din ang may gawa n'on. Magpapanggap lang akong hirap na hirap sa pagkukumpuni at.., boom! Aakalain pa nilang ako ang bayaning magsasalba sa amin para makaalis sa lugar na ito. At dahil wa

