CHAPTER 13 - Ang buhay ang mauutas

883 Words

NAPANSIN ni Josh ang kaseryosohan sa mukha ng kaibigan. Marahil gaya niya ay may nararamdaman din ito. Ngunit hindi niya sigurado kung magkapareho ba ang tinatakbo ng kanilang isip. Hindi si Aldo ang tipong maniniwala sa kababalaghan. Kunsabagay ay gan'on din naman siya. Kaya lang ay iba na ang kutob niya. Iba na ang nararamdaman niya. At gusto niyang makasigurong makakaalis sila sa loob ng bahay na kinaroronan nila nang ligtas. "Tayo lang bang dalawa pare, eh ang tropa?", tanong niya sa kaibigang nakaupo sa kama at seryoso sa ginagawa. "Tanungin mo kung gusto nila, pare.", sagot ni Aldo. Nang maiwang mag-isa ay muling nag-isip ang binata. Paano niya masasabi kay Butsoy at Josh ang hinala kung kasama nila ang dalawang babae? Wala iyong idudulot na maganda. Lalo lang matakot si Reynalyn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD