CHAPTER 4 - Bahay sa gubat

1202 Words
“ANO’NG nangyari? Bakit ayaw na mag-start?", tanong ni Milen. Nasa tono nito ang takot sa sinabi ni Aldo na baka magtawag nga ang matanda at katayin sila ng mga magda-datingang tagaroon. Nagtatanong din ang mga mata ni Aldo nang tignan ni Butsoy. "Ewan ko pare, kanina ay maayos naman ang takbo natin bago pa natin muntik mabundol 'yong matanda. Nakita niyo naman, 'di ba?", paliwanag ni Butsoy. "Teka lang at titignan ko.", pagkasabi ni Butsoy ay lumabas na ito sa sasakyan. Inangat ang hood at inalam ang dahilan kung bakit ayaw mag-start ng makina. Sumunod naman agad si Aldo upang alamin din kung ano ang nangyari. "Putsa pare! Baterya ang problema natin, drain na!'', sigaw ni Josh nang makita ang battery gauge ng sasakyan. "Putang ina! Paano nangyari 'yan?!", napipikong tanong ni Aldo pagkatapos ay sagsag na tinignan ang sinasabi ni Josh. "Lumuwag pala ang terminal ng baterya natin! Teka lang at hihigpitan ko.", sabi ni Butsoy na nagpalingon kay Aldo. Bumaba na rin si Milen at Reynalyn sa sasakyan. Matapos ayusin ni Butsoy ang problema ay muli itong sumakay. "Kakadyutin lang natin ito at okey na.", nakangiting sabi ni Butsoy sa mga kasamang naiiling na lang. Magkakatulong na itinulak ng apat ang sasakyan. Sandaling nagngalit ang makina ngunit huminto uli. "Isa pa!", sigaw ni Butsoy. Kumamot ang gulong ng sasakyan... Wroom...! Wroom...! Nagdiwang ang magkakaibigan nang gumana na ang baterya. Nagtakbuhan na ang mga ito palapit sa sasakyang patuloy na nire-rebolusyon ni Butsoy. Nagsakayan na ang apat. Ngunit hindi pa nakakalayo ay muling pumugak-pugak ang kanilang sinasakyan hanggang sa tuluyang huminto at muling mamatay ang makina. "Putang ina! Ano na naman ang problema?! Akala ko ba hinigpitan mo na yung terminal ng baterya, pare?!", pikon na pikong tanong ni Aldo kay Butsoy. "Oo, pare. Hinigpitan ko na tignan mo, kumarga na.", sagot ni Butsoy sabay turo sa gauge. "May gasolina naman tayo! Ano'ng problema?! Di ba chi-neck mo na ang makina nito kanina?! Putang ina! Bagung-bago lang ito para magkaaberya ng ganito!", singhal na naman ni Aldo. Padabog itong lumabas mula sa loob at galit na galit na pinagtatadyakan ang katawan ng sasakyan. Naglabasan na rin ang iba pang nakasakay na kasama ng binata. "Pare, relax lang. Maaayos din natin ito.", saway ni Josh sa nagwawalang kaibigan. "Bad trip...! Bad trip, pare!", umiiling na sabi ni Aldo. "Minumulto yata tayo o kaya ay minamaligno.", biglang nasabi ni Reynalyn habang panay ang linga sa paligid. Mag-aalis sais pa lang ayon sa suot niyang orasang pambisig ngunit pakalat na ang dilim. "Ayan ka na naman, Reynalyn! Ang multo at malignong sinasabi mo ay sa mga pelikula lang at mga komiks nag-e-exist. Mananakot ka na naman, eh!", naiinis na sabi ni Milen. "Tama na yan! Itulak na lang natin itong sasakyan sa gilid ng kalsada at maghanap na muna tayo ng matutuluyan.", maotoridad na saway ni Aldo na agad namang sinunod ng mga kaibigan. Bitbit ang mga gamit ay nagsilakad na ang lima matapos siguraduhing naka lock mabuti ang mga pintuan ng kanilang sasakyan. Hindi pa masyadong nakakalayo ang magkakaibigan nang may makitang ilang kabahayan bagama't magkakalayo. "Buti na lang may mga bahay na dito. Siguro naman ay pwede tayong makituloy sa kanila ngayong gabi.", sabi ni Josh. "Tiyak yun! Ang pagkakaalam ko hospitable ang mga taga probinsya lalo na sa mga kagaya nating turista o dumayo sa lugar nila. Di ba Butsoy?.", sabi naman ni Milen na kay Butsoy nagtanong dahil taga probinsya ito. "Oo. Sa amin sa probinsya ay isang malaking karangalan ang tumanggap ng mga dayo lalo na kung taga Maynila.", sagot naman ni Butsoy. Wala namang kakibu-kibo si Reynalyn. Nakamasid lang ito at nakikiramdam sa paligid. Nginangatngat na naman ng matinding nerbiyos ang kanyang dibdib. Marami na silang napuntahan ngunit hindi naman siya nakaramdam ng kakaiba..., ngayon lang. Napanood na kasi niya sa ilang pelikula ang nangyayari sa kanila ngayon. Bahagyang kuminig ang katawan niya at nanlambot ang mga tuhod. Napahawak siya sa braso ni Aldo, tila sa pamamagitan ng pagkapit na 'yon ay lalakas na ang kanyang loob. Ang inaakalang pagtanggap sa kanila ng mga tagaroon ay hindi naganap. Hindi pa man sila nakakalapit ay iwas na iwas na ang may-ari ng mga bahay. Nagsisi-iwas ang mga ito kanila. Ang iba ay agad na pumapasok sa loob at nagsasarado ng pintuan. Ang ilan namang nakadungaw at nakatingin sa kanila ay nagsarado ng mga bintana. "Anak ng--, ano'ng problema ng mga tao rito? Masama ba ang mga itsura natin para katakutan nila tayo?", napipikong sabi ni Josh. "Akala ko ba, hospitable ang mga taga probinsya?", tanong ni Aldo na patungkol kay Milen at Butsoy. "Sa amin kasi gan'on, malay ko ba namang dito pala eh, hindi.", dismayadong sagot ni Butsoy. "Baka akala mga magnanakaw tayo o kaya naman ay rapist kayong tatlo at mga mamamatay tao.", biro ni Milen. "Putang ina! Ano naman ang nanakawin sa kanila, gasera?! At ito ba namang gagandang lalaki namin na ito, kailangan pa'ng mamwersa?! Pipila pa nga muna sila bago matikman ang katawan namin, eh!", pagpapatawa na rin ni Josh. Pigil ang malakas na tawanan ng tatlong nasa unahan. Natawa na rin si Aldo at Reynalyn na naglalakad kasunod ng mga ito. Nang matiyak na walang magpapatuloy sa kanila ay naisip na lang nilang magtayo ng tent. Naghanap sila ng magandang pwesto. Nakarating ang lima sa b****a ng gubat. Sa paglinga-linga sa paligid ay may natanaw si Butsoy. "Yung matanda!", sabi nito sa mga kasamahang agad na napatingin sa gawi ng tinitignan niya. "Oo nga! Ano'ng ginagawa niya dito sa loob ng gubat?", nagtatakang tanong ni Josh. "Don't tell me dito siya nakatira.", maarteng sabi ni Milen. Napaigtad sila nang maramdaman ang malalaking patak ng ulan. "Tang ina! Aabutan pa yata tayo ng bagyo dito!", pagmumura na naman ni Aldo. "Mahal na araw may bagyo?! Ano meron? Tag-ulan sa summer? Matindi na talaga ang nagagawa ng climate change na 'yan!", reklamo ni Milen. "Halika sundan natin si tanda, baka may bahay siya dito. Tiyak na basa na tayo ay hindi pa tayo nakakapagtayo ng tent! Tara na!", aya ni Butsoy. Nagtinginan muna kay Aldo ang tatlo, tila hinihintay ang pagsang-ayon nito. Napatingala sila nang gumuhit sa maitim na ulap ang matalim na kidlat! Pagkatapos ay dumalas na ang naging pagpatak ng ulan. Nagdesisyon na si Aldo. "Tayo na!", anito. Nagmamadali nilang tinalunton ang gawing dinaanan ng matandang babaeng muntik na nilang mabundol. Nasundan nila ito. Namangha ang magkakaibigan nang makitang pumasok ang matandang babae sa napakagarang bahay kastila na nakatayo sa gitna ng gubat. "Hanep! Palasyo sa gitna ng gubat!", humahangang sabi ni Josh. Napasipol pa ito sa ganda ng tanawing namamasdan. "Wow! Parang bahay sa fairy tale! Ang ganda!", puri ni Milen. "Pare, iba ang trip ng may-ari niyan! Hayup!", manghang sabi rin ni Aldo. "Patutuluyin kaya tayo nung matanda, muntik na natin siyang mabundol kanina.", nag-aalangang tanong ni Reynalyn. "Halika na subukan natin! Basa na tayo at tiyak na giginawin na tayo maya-maya. Pakiusapan na lang nating mabuti!", aya ni Butsoy. "Tama si pareng Butsoy. Tayo na, lakasan lang ng loob 'yan at pakapalan ng apog!", pagsang-ayon ni Josh. "Come on, guys. Let's go!", ayuda rin ni Milen. Nagmamadaling naglakad palapit sa bahay kastila ang magkakaibigan at nagpa-tao po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD