CHAPTER 3 - Nalilgaw

1259 Words
MABILIS na mabilis pa rin ang pagkabog ng dibdib ni Milen at Reynalyn nang makapasok sa loob ng sasakyan. Kung hindi lamang sa make-up na ipinahid at sa liptick na kulay pula ay tiyak na mapapansin ng tatlong lalaki ang pamumutla ng dalawa. Otomatik silang naglingunan sa gawi ng madawag na damuhan nang buhayin na ang makina ng kanilang sinasakyan. "O, bakit? May nakalimutan ba kayo?", tanong ni Aldo na nakatingin sa rear-view mirror nang mapansing nakatanaw ang dalawang babae sa likod at tila may tinitignan. "H-ha?! W-wala!", sagot ni Reynalyn. Sabay ayos sa pagkakaupo. "Anong wala! Kanina habang umiihi kami parang may nakatingin sa amin. Tapos may tumunog na kahoy na parang may nakatapak!", nahihintakutang sumbong ni Milen. "Anak ng...!", pagkasabi ay agad na lumabas ng sasakyan si Aldo. Sumunod naman agad sa kanya si Josh at Butsoy. "Diyan lang kayo!", utos ni Butsoy sa dalawang babae na akma rin sanang lalabas. Binunot ni Aldo ang dalang baril na nakasuksok sa tagaliran at agad na ikinasa. Gan'on din ang ginawa ni Josh. Si Butsoy naman ay mahigpit na hinawakan ang isang baseball bat. Maingat na naglakad ang tatlo palapit sa pinanggalingan ng dalawang kasamang babae. Hindi pa sila nakakalapit nang biglang tumakbo ang isang kambing na nanginginain ng damo sa di kalayuan. Nagkatawanan ang tatlong lalaki sa nakita. "Ang lupeeeet ng s*x appeal niyo! Putang ina..! Pati kambing binobosohan kayo!", natatawang sabi ni Aldo sabay pag-lock ng baril at muling isinuksok sa tagiliran. "Iba talaga ang alindog ng mga bebe natin.., pati kambing tinitigasan!", kantyaw din ni Josh. Gaya ni Aldo ay isinuksok na din nito ang hawak na baril. Natatawang naglakad na rin si Butsoy pabalik sa sasakyan. "Kambing lang pala! Akala ko ay kung ano na. Ito kasing si Reynalyn, kung anu-ano ang nararamdaman! Pati tuloy ako nahahawa na!", reklamo ni Milen. Pagkatapos ay nanalamin at muling nagpahid ng pulbos at lipstick. "P-para kasing may nakatingin sa amin kanina. Malay ko ba namang kambing lang pala!", natatawang sabi na rin ni Reynalyn. "Huwag ka na muna magkakape, bebeng Reynalyn. Masyado kang nerbiyosa. Mag gatas ka na lang! Gayahin mo itong si Josh.., gatas ang paborito.", kantyaw ni Aldo habang umaandar na ang sasakyan. "Anong gatas?!", naka-ismid na tanong ni Reynalyn. "Gatas ng dalaga!", sagot ni Milen na sinabayan ng maharot na pagtawa. Napuno nang malakas na tawanan ang loob ng sasakyan. Nagkantyawan na ang mga lulan nito. Nawala na ang pangamba na kanina lang ay pare-pareho nilang naramdaman. At muling lumipas ang apat na oras ng biyahe.... Si Butsoy na ang nakahawak sa manibela. May ilang oras na silang bumibiyahe nang ...... "Ano na bang lugar ito? Kanina pa tayo tumatakbo pero parang nandito pa rin tayo!", reklamo ni Aldo. Nakasilip na ito sa bintana ng sasakyan. "Pare-pareho ang mga puno sa gilid ng kalsada.", sagot ni Butsoy na nakatingin na rin sa gilid ng bintana. Mabagal na ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. "Tignan mo sa mapa, pare. Baka nagpapaikot-ikot na lang tayo.", sabad ni Josh. Nakatingin na rin ito sa dinadaanan nila at palinga-linga. "Kung bakit naman kasi nawalan pa ng signal ang mga gadget natin. Wala na palang silbi sa ganitong lugar ang technology!", reklamo naman ni Milen. "Baka may madaanan tayong bahay o kahit sino na pwede nating mapagtanungan sa gawi pa roon.", sabi naman ni Reynalyn kay Butsoy na muling nagpaandar nang matulin. Nang makalampas sa itinuturo ni Reynalyn ay muling nadismaya ang magkakaibigan. "Tang ina..! Wala yatang nakatirang tao dito, eh! Ni isang bahay wala tayong makita! Ihinto mo nga muna pare.", utos ni Aldo kay Butsoy. Lumabas ng sasakyan ang binata bitbit ang mapa na dala nila. Pikon na pikon na ito. Sa unang pagkakataon ng pag-a-out of town ay ngayon lang nangyari sa kanila ang nararanasan. Marami na rin silang napuntahang mga lugar subalit ngayon lang nangyari na sa daan pa lang ay wala nang signal ang mga cellphone nila. At ngayon lang din nangyari na...., naliligaw sila?! Nagbabaan na rin sila Josh at Butsoy. Gan'on din sila Milen at Reynalyn. Nilapitan nila si Aldo na naglatag ng mapa sa ibabaw ng hood. "Dito tayo galing sa San Isidro.., kaya malamang na narito tayo ngayon sa San Roquillo. Dalawawpung kilometro mula rito ay mararating na natin ang San Vicente. Ang problema lang natin ay wala tayong makitang road sign para malaman natin kung saan tayo liliko o didiretso.", sabi ni Josh habang nakaturo ang daliri sa mapa. Nakatingin naman ang mga kasama sa itinuturo nito. At pagkaraan ay sa paligid naman ng kinaroroonan nila. "Ano ang gagawin natin ngayon, maya maya lang madilim na? Sa ganitong lugar pa naman mabilis gumabi. Hindi gaya sa maynila walang gabi, puro umaga!", pag-aalala ni Milen na dinaan sa biro. "Puro bampirang naninipsip ng nakalawit na laman at mga nang-aaswang ang gumagala sa maynila!", ganting biro naman ni Reynalyn. Bahagyang lumamig ang ulo ni Aldo sa pagbibiro ng mga kaibigang babae. "Marami naman tayong reserbang gasolina kaya tiyak na mararating natin ang San Vicente. Pabalik naman ay may gasolinahan sa San Guevarra kaya makakabalik din tayo sa Manila nang hindi naglalakad.", masigla na rin nitong sabi. "Yes! You're the man, pare! Mag enjoy lang tayo.., adventure ang hanap natin at kasama ang pagkaligaw sa experience.", natatawang kantyaw na rin ni Josh. Tinapik tapik pa nito ang balikat ng kaibigan. Muling nagsilulan sa sasakyan ang limang magkakaibigan. Masaya at nagbibiruan na ang mga ito habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada. Napangiti ang lima nang makakita ng karatula sa may gilid ng kalsada. SAN VICENTE straight ahead "Wooh...! Yes!", masaya at nagtatawanang sigawan ng magkakaibigan. Nag-apiran pa ang mga ito. Maging si Butsoy ay nakisali rin sa pakikipag apir sa tatlong nasa likod. Kung kaya hindi napansin ang isang matandang babaeng patawid ng kalsada. Napanganga si Reynalyn nang makita ang matanda! Ganun din si Milen at Josh. Masasalpok nila ito! "May matanda!", halos sabay-sabay na sigawan ng tatlong nasa likod sabay turo sa harapan. Mabilis na napatingin si Aldo at Butsoy sa harapan ng sasakyan. At gan'on din kabilis na inapakan ni Butsoy ang preno......, kasabay nang paghinto ng makina! Pare-parehong nasubsob ang lima bagama't nagawang makakapit. Pagkatapos ay dahan-dahang nag-angat ng mukha upang tignan kung ano ang nangyari sa matanda. Ang matandang babae.., nakatayo pa rin sa gitna ng kalsada! Naroon sa harapan ng kanilang sasakyan! At nakatingin sa kanila! Kay Butsoy na nasa harapan ng manibela! Kay Aldo na nasa tabi nito! At pagkaraa'y sa gawing likuran naman ng dalawa. Pagkatapos ng tingin na iyon ay muling ipinagpatuloy ng matandang babae ang pagtawid. Wala ni katiting na takot sa mukha. Napasunod na lamang ang mga mata ng magkakaibigan sa naglalakad na matanda. Nakita nilang pumasok ito sa tila eskinita nang makatawid. Nang mawala na ito sa paningin ay saka pa lang sila nakahinga nang maluwag. "Grabe si grandma, 'di man lang kumurap! Habang ang puso natin ay muntik nang lumabas sa ating bibig, siya naman parang nasa mall lang at nagwi window shopping!", sabi ni Reynalyn. "Woooh! Muntik na tayo dun! Saan ba nanggaling ang matandang 'yon at bigla na lang sumulpot! Buti na lang at kumagat agad ang preno, kung 'di...", nanghihinang sabi ni Butsoy. "Tinignan nga lang tayo. Baka may something sa utak!", natatawang sabi ni Milen. "Halika na, umalis na tayo. Baka magtawag pa 'yung matanda ng responde at resbakan tayo. Makarne tayo ng mga tagarito 'pag nagkataon!", sabi ni Aldo. "Oo nga, baka rumesbak 'yun.", ayuda rin ni Josh. Muli na ngang ini-start ni Butsoy ang makina. Pumalya... Ini-start uli..., palya pa rin. Ini-start uli..., uli..., palya pa rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD