CHAPTER 2 - Trayanggulo

1289 Words
ABRIL 1869 "Hindi ka maaring tumanggi sa aking kagustuhan, Irenea! Ikaw ang kabayaran sa napakalaking pagkakautang sa akin ng iyong ama! Akin ka, naiintindihan mo?!", nanlalaki ang mga matang sigaw ni Geralde. Tila asong ulol na naglalaway sa kagandahang abot kamay na lamang. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa dalagang nakasiksik sa sulok ng magarbong silid. Lalo namang inakap ni Irenea ang sarili. Pilit na itinatakip ang punit na damit sa hubad na katawan. "Hahaha..., 'yan ang lubusan kong nagustuhan sa'yo, Irenea. Isang dalagang pilipina na magdadala ng aking pangalan!", pagkasabi ay mabilis na dinaluhong ni Geralde ang nagitlang dalaga! "Bitiwan mo ako, hayup!", pagkasabi ay kinalmot ni Irenea ang mukha ng lalaking nakahawak sa kanya. Nabitawan ni Geralde ang dalaga at mapaklang ngumiti. Sinapo nito ang nanghahapding balat sa mukha at pagkatapos ay nagngangalit ang mga bagang na inundayan ang dalaga ng isang malakas na sampal! Bumalandra sa sahig si Irene! Bahagyang nagdilim ang paningin nang tumama ang ulo sa hamba ng bintana. Sinamantala ni Geralde ang pagkakataon. Marahas na sinaklit ang katawan ng dalaga at padarag na inilagay sa ibabaw ng kama. Agad nitong kinubabawan ang babaeng nagpupumiglas man ay wala na ang lakas na makapanlaban. Mahigpit na hawak ng hayuk na lalaki ang magkabila niyang pulso. Muling umahon ang galit ni Geralde nang hindi niya magawang hagkan sa labi ang umiiwas na mukha ng dalaga. Isang nakatutulig na sampal ang muling dumapo sa mukha ni Irenea! Putok ang labi nito at inagasan ng dugo ang isang butas ng ilong. Saglit na natigilan si Geralde! Napalitan ng maamong anyo ang mabangis na mukha. "H-hindi ko sinasadya, Irenea. H-hindi kita nais saktan. Mahal na mahal kita. Ang nais ko lamang ay maging akin ka.", matapat na sabi ni Geralde. "Tama na, Geralde. Nakikiusap ako. Pauwiin mo na ako. Naghihintay na sa akin si Roberto.", pautal-utal na pakiusap ni Irenea. Sa narinig na sinabi ng babaeng labis na iniibig ay muling bumalasik ang anyo ni Geralde! Tila gutum na gutom at ayaw maagawan ng lalaking binanggit ng dalaga. "Akin ka, Irenea. Akin!", paulit-ulit na sabi ni Geralde habang sapilitang pinaghiwalay ang magkabilang hita ng dalaga. "Huwag, Geralde! Maawa ka sa akin! Huwag..., huwag..., huwaaaag!", sigaw ng dalaga. Ngunit tila walang naririnig ang lalaking biningi ng labis na panibugho. Hindi ito papayag na maunahan ng karibal. Walang kaingat-ingat na pinasok ni Geralde ang naghuhumindig na pagkalalake sa lagusan ng p********e ni Irenea. Sabik na sabik na mamarkahan ang babaeng sinasamba. Upang madismaya lamang! Mabilis na umahon si Geralde mula sa pagkaka-kubabaw sa dalaga. Nanlilisik ang mga mata nito. "Nilinlang mo ako, Irenea! Hindi ka na birhen! At kanino mo ibinigay ang iyong sarili, sa traydor kong kaibigan?!", sigaw ni Geralde. Nag-uslian ang galit na galit na mga litid nito sa leeg at namumula ang mukha sa tindi ng poot. Hindi nito matanggap na muli siyang tinalo ng kaibigan. "Hindi ako papayag na pagtawanang muli ni Roberto! Magsasama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kapag nagtangka kang tumakas ay ipapatay ko ang iyong ama at mga kapatid!", poot na poot na sigaw ni Geralde sa dalagang patuloy lamang sa pag-iyak. Mabilis na kumalat ang balita hinggil sa pagsama ni Irenea sa mayamang si Geralde, nakarating ito sa kaalaman ni Roberto. Halos mawasak ang sawaling dingding ng kubo nito sa tindi ng poot na umaapaw sa dibdib. "Ang buto kapag tinangay na ng aso ay tiyak na malalawayan!", wika ng isa sa nag-uumpukan kasunod nang malakas na tawanan ng mga kausap nito. Nagngalit ang bagang ni Roberto nang maalala ang narinig. Malalawayan! Malalawayan! Ipinilig niya ang ulo at tinakpan ang tenga. Ngunit lalo lamang lumakas ang narinig niyang tawanan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ngunit tila tukso namang malinaw na naglaro ang kanyang balintataw. Napapanood niya kung paano angkinin ni Geralde ang kanyang kasintahan. "Aaahh...!", parang baliw niyang sigaw. Matiyagang nag-abang ng magandang pagkakataon si Roberto pagkaraan ng ilang araw. "Kukunin ko sa iyo si Irenea, Geralde. Ako ang iniibig niya at hindi ikaw! Natitiyak kong ako ang pipiliin niya. Paliguan mo man siya ng kayamanan ay ako pa rin ang nanaisin niyang makapiling habambuhay. Babawiin ko siya!", nagngangalit ang mga bagang na bulong ni Roberto sa sarili habang nakatanaw sa bahay kastila ng dating matalik na kaibigan. Nais niyang makita ang dalaga at makausap. Napangiti si Roberto nang matanaw si Irenea sa terasa ng bahay. Sisigawan niya sana ito ngunit nakita niyang lumapit si Geralde. Napaurong siya at mabilis na nagkubli. Naningkit ang mga mata ng binata nang makitang inakbayan ng karibal ang kasintahang hindi man lang pumalag. Nagtagis ang mga ngipin nito sa tindi ng panibughong nararamdaman. "Irenea, bakit mo ito nagawa sa akin?! Gaya ka rin ng ibang babaeng nakukuha sa salapi! Hindi ako makapapayag na muling talunin ng hambog na Geraldeng yan!", pagkasabi ay nanlilisik ang mga matang dumura sa lupang kinatatayuan. Tila sinelyuhan ang pangakong binitawan. ******* KASALUKUYAN... "Ano? Na double check niyo na ba'ng lahat ang kailangan natin?", tanong ni Aldo. Nakasandal ito katawan ng sasakyan. "Hindi lang double! Quadruple check pa! Alam nyo naman itong si Reynalyn, parang drugstore yan, ''kay Reynalyn nakasisiguro, ang dadalhin natin laging areglado''...", biro ni Milen habang panay ang pahid ng lipstick sa labing puro lipstick na. Natawa ang tatlong lalaki sa kantyaw ni Milen. "Okey ba ang makina nitong wheels natin?", tanong ni Aldo kay Butsoy. "Swak! Kundisyong kundisyon!", sagot ni Butsoy habang pinupunasan ang kamay na nabahiran ng grasa. "Hey! Yung buntot page ni Reynalyn nandiyan na ba?", natatawang tanong ni Josh. "Nandito na!", sagot ng natatawa ring si Milen. Nasa loob na ito ng sasakyan. Natawa na rin si Reynalyn sa panunukso ng mga kaibigan. "Okay! Let' move! San Vicente..., nandiyan na kami! Woooh!", sigaw ni Aldo na sinundan na rin ng sigawan ng buong grupo. Masaya at magulo ang naging pagbyahe ng magkakaibigan. Si Josh ang nakahawak sa manibela. Dose oras ang kailangan nilang tatakbuhin bago makarating sa kanilang destinasyon ayon sa na- research nila. Napagkasunduan nilang tag a apat na oras na mag-da-drive ang mga lalaki at si Josh na nga ang nauna. Nang makalabas na ng Maynila ang kanilang sasakyan ay muling nagsigawan ang mga lulan nito. "We are free...!", sigaw ni Aldo. Binuksan nito ang bintana ng sasakyan at inilawit ang kalahating katawan. Ibinuka ang magkabilang braso at saka muling sumigaw ng malakas. Nakisigaw rin ng malakas at nagtawanan ang apat pa nitong kasama. Nang mangalay ay muling umayos ng upo si Aldo at nagsindi uli ng sigarilyong walang filter. Pagkatapos ay pinagpasa-pasahan na nila ang paghitit-buga n'yon. Umiikot sa ere ang usok na nakapag papatawa sa kanilang lima. Mahigit apat na oras ang matuling lumipas. Huminto muna sila sa isang gilid ng kalsada na malilim. Pagkatapos ay kumain at nagpahinga. Nag-unat ng katawan upang maalis ang pangangalay sa mahigit apat na oras na pagkakaupo. Ilang sandali pa ay muling bumaybay sa kalsada ang sasakyan ng grupo. Si Aldo na ang nasa harapan ng manibela... SAN GUEVARRA...... SAN ISIDRO.............. Nakaramdam muli ng panunubig ang dalawang babae kaya muli silang huminto. "Nakakatakot naman sa lugar na ito. Pakiramdam ko may nakatingin sa atin.", bulong ni Reynalyn sa kasamang si Milen. "Ano ka ba naman, kung anu-ano ang napapansin mo. Umihi ka na lang diyan. Magkaka u.t.i. pa tayo sa ginagawa mo eh..", nagtatapang-tapangang saway ni Milen. Palinga linga na rin ito at halos itodo na ang pag iri upang mailabas na ang lahat ng tubig sa loob ng pantog. Kreeek...! Nagkatinginan ang dalawang umihi! Nagmamadaling tumayo at hindi pa man naisasara ang zipper ng suot na short ay nagmamadali nang naglakad palabas sa madawag na damuhan. "Okey na?", tanong ni Butsoy sa dalawang babaeng humahangos. Agad namang tumango ang mga ito at nagmamadaling sumakay sa loob ng van. "Let's go!", nakangiting sigaw ni Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD