Chapter 19. Ynah's POV "Ynah, buti talaga at bumalik ka na sa dati. 'Di mo alam kung gaano kami ka-thankful dahil ganyan ka na ulit. Grabe, matagal na panahon ang hinintay namin para bumalik ka sa dating ikaw. Thank you talaga, Ynah." Nakangiting sabi ni Cassandra habang hawak niya ang dalawang kamay ko. "Oo nga. Sobrang nami-miss ka na rin kasi talaga namin. Simula talaga kasi nung pangyayaring 'yun, parang unti-unti na ring nasira ang barkada. Pero buti nalang at magiging okay na ulit." Nakangiting sabi naman sa akin ni Daniel "Si Faye kasi talaga... Siya ang tumulong sa 'king ipa-realize lahat ng mga bagay bagay Napagtiyagaan pa rin niya akong kausapin kahit ilang beses ko siyang tinaboy." "Best friend mo talaga siya. Pasasalamatan talaga namin siya nang over over! Thank you pa rin

