Chapter 20. Ynah's POV "Uy! Tuloy kayo..." "Nandito ka pala, Bhez. Pa-hug!" Hindi pa nga ako pumapayag na magpayakap, yumakap naman kaagad siya. "Aray ko naman, Bhez! Para namang hindi tayo nagkita kanina lang." "Hehe. 'Di ka kasi nagpaalam kanina sa 'kin. Sabi ni kuya, lumabas ka nalang nang biglaan. Dito ka pala dumeretso..." Napatingin kaagad ako sa ibang direksyon, "Ah hindi, dumeretso muna agad ako kila ate Shaina." "Oh? Ano? Nakausap mo naman ba siya?" "Teka nga, pumasok nalang muna tayo. Mamaya ko sa 'yo ikukuwento lahat. Itong si James, halatang naiinip na." "Hayaan mo 'yan!" Tinawanan lang naming dalawa si James. "Tss." As usual, ito lang ang nai-react ni James. Ganyan pa rin ba talaga siya? Wala na ba talagang ibang bago sa kanya? Wala nga talagang nagbago sa kanila,

