Chapter 21. Renz's POV "Kamusta naman 'yung pag-uusap ninyo?" Tanong ko kay Clarisse habang naglalakad na kami palabas ng village nila Cassandra. Pauwi na rin kasi kami ngayon. At syempre, sabay na naman lagi kami nitong ni Clarisse. Simula naman 'yung nangyari sa amin nila Faye at James dun sa parking lot, sinusubukan ko nang idistansya ang sarili ko sa kanila. Alam ko na kung ano talaga ang mali ko. Dun ko na na-realize ang lahat. Kahit may mga pag-aalinlangan pa tungkol sa mga nangyayari sa 'min ni Faye, kailangan ko nang tanggapin 'yun. Face the consequences and risks nalang, ika nga nila. Nakangiti siyang naglalakad habang hawak ang kamay ko. "Okay na kami, Baboy. Okay na okay na kami." Bading man pakinggan, pero parang kinilig talaga ako sa sinabi niya. Dagdag na ang pagsabi

