Imprint on my Heart [9]

4276 Words
Chapter 8. Shaina's POV "Ma'am Shaina, kung may kukunin pa raw po kayo sa kwarto ni sir Zayn." Tanong ng isa sa mga maid dito sa bahay. "Bakit?" "Ipapaayos na raw po kasi ni sir Realubit 'yun eh." "Para saan daw ba?" "'Di ko po alam ma'am eh." "Sige, papasok pa ako dun. Tawagin nalang kita." "Okay po ma'am." Pumasok na ako sa kwarto uli ni Zayn. Napaka-plain pa rin talaga dito sa loob. Black 'n white nga lang ang color theme ng kwarto niya rito eh. Tapos, mga konting designs lang naman ang nandito. Mahahalata mong lalaki talagang gumagamit ng kwartong ito. Binuksan ko ang aparador niya... Ang dami niya pa rin talagang mga damit dito. At puro amoy alkampur na, at medyo may sapot na ang iba. "Aling Rosing! Pakilinisan naman dito." Sigaw ko. Maya maya lang, dumating na rin si Aling Rosing, "Alin ihja?" "Dito po sa aparador. Lahat po ng damit niya dito ay pakilabahan at pakiplantsahan." "Bakit naman? Nako, ang alikabok na pala dito oh." Tanong niya habang iniisa-isa ang mga damit na naka-hanger. "Uuwi ako sa Korea next week, dadalhin ko ang mga yan." Napatingin sa akin si Aling Rosing, "Ano't naisipan mong umuwi dun? Paano na pala si Patrick? Naku, ang batang 'yon, baka umiyak 'yun sa pag-alis mo." Paano nga pala si Patrick? Isama ko kaya? Ayy! 'Di pwede. May bibisitahin lang naman ako dun, at saglit lang naman 'yun eh. "Saglit lang naman po ako dun, Yaya. Bibisitahin ko lang siya at dadalhin ko na rin tong mga damit..." Ngumiti sa akin si Yaya, "Ikamusta mo rin ako sa kanya ah?" "Oo naman po." Inayos na ni Yaya ang mga damit sa loob ng aparador na 'to. Kaya ayan, medyo malinis na rin. Ngayon na nga lang uli ako nakapasok dito sa kwarto. Kasi dati, hindi ako pumapasok dito dahil iniiwasan kong maalala na naman ang mga bagay bagay na nangyari last eight months ago. Time flies so fast. Para sa akin, sariwa pa ang lahat nang 'yon. Kahit na kaunting araw lang kami nagkasama, mahalaga siya sa akin dahil kadugo ko siya. He took someone's risk. Tapos parang sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Kung sana, 'di ako naging walang kwentang Ate edi sana mangyayari 'to. Kung sana naging matino akong kapatid sa kanila... Hindi talaga mangyayari 'to eh. And there again, umiiyak na naman ako. Nami-miss ka na namin, Bro. Bakit kasi ikaw pa? Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagtingin sa mga litrato niya. Heto na naman eh, nasasaktan na naman ako. Kung akala siguro ni Ynah, siya lang ang nasasaktan sa mga nangyayari mas lalo naman kaya ako. Naiinis din ako sa kanya. Inagaw niya ang role ko. E kasi, bakit siya nagbago? Bakit siya naging b***h? b***h pa yata 'yun kaysa sa akin eh. Good girl na kaya ako. Sabihin ko na kaya sa kanya? Kay Ynah? 'Di pa kaya siya handa? Nagfa-flashback na naman sa mga alaala ko ang mga panahong nagkasama kami. Lalo na nung nasa Korea pa kami? Dun lang talaga kami nagkaroon ng mga magagandang alaala eh. Si Papa... Dahil kay Papa kaya nangyari ang lahat nang 'to. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makausap nang matino. And that's because, I'm still blaming him. Sa kanya ko pa rin ibinabato ang sisi kung bakit nangyari sa amin 'to, sa kanya, ito. Kundi sana hindi niya pinakielaman ang buhay namin, hindi naman mangyayari 'to eh. Actually, siya lang yata ang nakakinabang sa pangyayaring 'yun. Nagkasundo sila nila Mr. and Mrs. Sanvictores. Pero paano naman ang kapatid namin? Paano naman siya? 'Di ko rin talaga alam kung sino ba talaga ang dapat magbayad dito eh. Ako na kapatid niya, dahil wala man lang akong nagawa? Ang pamilyang Arabit na 'yan, dahil sa pilit na pagpapakasal na 'yan? Ang mga bitches na 'yun na nagsumbong sa amin ni Zayn nung nag-outing kami sa Vigan? Si papa na nagpapilit sa kasal-kasalan na 'yan? Ang truck na sumagasa sa kanya? O si Yrie na pinamadaling pumunta sa lugar nila? Sa katunayan, ligtas ang driver ng truck na nakasagasa sa motor ni Bro. Ligtas sa kaso. Dahil ang may sala naman daw talaga ay 'yung dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motor ni Bro. Kita rin daw sa CCTV, hindi naman daw tinakasan ng driver. Nag insist pa nga raw na siya na ang babayad sa gastusin, pero kami na ang bahala. Medyo may katandaan na si manong, pero naawa naman kami nung humingi siya ng tawad sa amin dahil talagang lumuhod pa siya sa amin. May balak pa nga rin atang halikan ang mga paa namin eh. Naintindihan naman namin siya, at base nga sa CCTV, sa labasan ng intersection, ay bigla bigla naman talagang sumalubong si Bro which is red light pa nga lang. Hindi na nga lang namin sinabi 'to kay Yrie at baka mapatay pa niya si manong. Nakakaawa din naman, pero talagang hinahanap niya talaga si manong dahil mapapatay niya raw talaga 'yun. Pinalabas nalang naming namatay na rin kasama si Manong para matahimik siya. Ang mga Arabit naman, nakapagbayad na sila lahat sa mga kasalanan nila sa amin. Ang mga nakaw na kumpanya nila ay nabalik na sa kani-kaniyang may ari kasama na rin ang ibang maliliit na kumpanya naming inangkin nila. Nakulong din ang mag-amang 'yun pero 'di naman talaga sa kulunganm 'Yung para bang, tulad nila Arroyo? Napoles? Sosyal nga eh. Siguro may special treatment din ang mga 'yun kung sakaling magkasakit man sila. Pero every time na may pupuntahan sila, bantay sarado talaga sila ng mga guards kaya wala talaga silang kawala. Balita ko nga, binabalik-balikan 'yun ni Yrie eh. Lalo na si Irish, lagi niya nga raw inaaway 'yun. Lalo na raw pag nangangati siya sa away, pinupuntahan niya raw 'yun para pagkalibangan niya. Talagang masisisi ko rin ang Arabit na isa sa mga dahilan kung bakit. Kundi rin naman dahil sa kasal na 'yan, hindi siya sana mapipilitan umuwi at 'di pa sana nadamay dito. Pero matagal na naman 'yun... Kaya 'di na naman ako galit sa kanila. Pero si Yrie talaga, every time na babanggitin lang yata ang pangalan nila ay bigla bigla nalang magdadabog, magwa-walk out, magsusungit, malulungkot, iiyak, magiging sarcastic at kung anu-ano pa. Minsan naiinis na rin ako sa kanya dahil medyo O.A na siya. Ang mga bitches? Sa tingin ko, sila talaga ang dapat managot. Sila ang may sala, kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Bakit nga ba sila kasi nagsumbong na nasa Vigan kami ng barkada? Talagang kinontak pa nila si Papa about dun sa bakasyon namin. 'Di nga sila gumawa ng mga kwento, nanlaglag naman sila. Ang nakakainis lang, close ba sila nila Papa? Kung makapagsumbong sila, akala mo kung sino eh. Paano ko nalaman? **FLASHBACK** "'Ina, halika dito." Tawag sa akin ni Papa na ang boses ay galing sa office room niya. Kaagad naman akong umayos ng higa, inayos ang sarili at pumasok sa office room ni Papa. Bakit kaya niya ako tinawag? May kailangan ba siyang idiscuss? "Have a seat." "Pa naman, 'wag mo naman akong gawing client." "I'm sorry. Upo ka, anak." Ningitian ko siya at kaagad namang umupo, "Gusto ko lang maayos na 'to, nak. Alam kong galit ka pa sa akin, but, gusto ko nang ayusin ang mga bagay bagay na 'to. Kung paano nagsimula..." "Bakit nga ba Papa? Paano niyo nga po pala nalamang nasa... Vigan kami?" Napabuntong-hininga nalang si Papa, "Dun sa mga babae." Muntik nang mamali ang paglunok ng laway ko, "'Pa naman eh. Maraming babae! Be specific naman kung sino bang babae? Tiga-saan bang babae? Saan ba nag-aaral 'yung babae?---" "Oo na. Sa school natin nag aaral. I guess, apat yata sila? Or five? I don't know, I'm not sure. Uhm, medyo hindi ko maintindihan ang page-English nila. Magaganda naman sila, sayang nga lang at medyo... mahina." WHAT THE. PARANG KILALA KO NA AGAD ANG MGA ITO. LIMANG BABAE? BALUKTOT MAG ENGLISH? "Sila... Cheska?" "Ewan ko? Malay ko ba sa mga pangalan nila?" "Papa naman eh! Hindi nga? Sila talaga ang nagsabi sa 'yo? Ikuwento mo nga kung paano nila sinabi sa 'yo? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" "Ngayon ko lang din naman kasi naalala eh." Napailing na lang ako, "Ayun, kasi kinontak nila ako. Ewan ko kung saan nila nakuha ang phone number ko. May nagtext na, 'yung mga anak ko raw ay nasa Vigan, nagpapasarap buhay. Nakalimutan ko na 'yung iba pang mga sinabi, hindi kasi 'yun 'yung eksaktong tinext sa akin. Matagal na rin kasi 'yun, kaya nalimutan ko na rin. Alam mo naman ako, medyo may edad na. Kaya sana maintindihan---" "Nako, nagdrama pa. Ituloy niyo na po..." "At first, hindi pa talaga ako naniniwala. Pero nung sinabi nila na maiiwang nakabitin ang mga kumpanya kong pinapaasikaso sa inyo, at kilala pa nila kung sinu-sino raw ang mag-aasikaso muna nun, medyo kinabahan na ako nun. So, kinontak ko sila Grace at pinakamusta ko nga ang mga kumpanya ko diyan. At tama nga sila, tama nga ang nagbalita sakin na iniwan niyo nga 'yun..." Kapatid ni Papa si Tita Grace. Habang nagkukwento siya, nakatingin lang ako sa kanya. At unti-unting namumuo na naman ang pagka-bad trip ko sa nalaman ko ngayon. Bakit kasi ngayon lang niya ito sinabi sa akin? "Umuwi agad ako. At ayun, nalaman kong totoo nga ang mga sinabi nila." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Papa. Medyo naiinis pa rin talaga ako... Bakit kasi napaka-O.A. niya? Eh ano kung nagbakasyon kami? May nawala ba? May nag asikaso naman ah, 'di naman napabayaan ah. Mag react siya kung may nawala sa mga kumpanya niya. Ah, dati pa nga pala 'yun... "Shaina, I'm so sorry." Nagulat naman ako sa sinabi ni Papa. Ngayon ko nalang uli narinig ang mga katagang 'yan na nanggaling sa kanya. Ngayon nalang uli siya nakapag-sorry sa lahat ng mga nagawa niya. Pero nag sorry siya kung kailan may nangyari na, nangyaring masama. "I'm really really sorry. Paano ba ako makakabawi sa inyo? Hay. 'Wag ka nang umiyak, baby." But still, umiiyak pa rin ako. Masakit pa rin pala talaga para sa akin ang mawalan ng isang kapatid. Mas mahihirapan talaga ako nito mag move on eh. "Please baby, stop crying." "Papa. Wala na siya eh... Kung 'di sana dahil sa kasal na 'yun, hindi 'to mangyayari. Ikaw? *sobs* Para sa 'yo ba, minahal mo rin siya? Kahit na lagi siyang substitute sa lahat ng bagay? Kahit na sa kaunting panahon mo lang siya nakakasama? Alam mo bang pumunta siya dito dahil nabalitaan niya ang mga nangyari? Papa, concern siya sa atin lalo na sa kanya. *huk* Kaya siya ang nag take ng risk na 'yun kahit 'di naman talaga para sa kanya." "'Yun nga eh. Walang kwenta talaga akong ama sa inyo. Pinagsisihan ko naman talaga ng sobra sobra 'yun, 'Ina." "Oo nga. Sabi nga nila, nasa huli lagi ang pagsisisi." "'Ina naman..." "Papa ang sakit kasi. Bakit kasi kung kailan may nawala saka pa lang nagkapatawaran? Kung kailan may nasaktan na? May nakaganti? Saka naman may mangyayaring masama. Ang hirap. *huk* Ang hirap pa rin po talagang tanggapin ang mga nangyayari na ngayon. Na wala na siya... Wala na ang kapatid ko. Papa, tatanungin ko kayo? Bakit niyo nga pala ginawa sa amin 'yun? Kami ba talaga ang dapat mag suffer?" Napayuko si Papa, "Parang hindi namin kasi kayo tatay." "I know. But I'm doing my very best to be your father, for real." "Kung kailan huli na? Pambihira naman." "Please baby, patawarin mo ako. Ang tanga at ang gago ko talaga." "Pinapatawad na naman kita, Papa. Gusto ko lang linawin kung bakit ginawa mo sa amin 'yun dati. May kasalanan ba kami sa 'yo? *huk*" Napabuntong hininga siya. "Hindi ko rin alam. Please forgive me, baby. Stop crying." Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. Ewan ko kung matutuwa ba ako o maiiyak lalo sa ginagawa sa akin ngayon ni Papa. Niyayakap na niya ako ngayon at sobrang higpit pa. Eto 'yung dating dati ko pang gustong gawin sa amin ni Papa, pero mukhang ako nalang yata at magaganito niya ngayon. Niyakap ko rin siya pabalik nang sobrang higpit. 'Di ko makakalimutan ang araw na 'to. Ang araw na humingi siya ng tawad sa akin at niyakap niya ako nang sobrang higpit... **END OF FLASHBACK** Hanggang ngayon, ay naiiyak pa rin pala ako at the same time, ay nakangiti dahil dun sa naalala ko. Okay na kami ng Dad, masaya na ako para dun. Habang nag-iikot ikot ako dito sa kwarto ni Zayn, may narinig akong boses na tumatawag sa akin mula sa labas. "'Ina!" Boses ni Dad. "Bakit po!" "Halika dito!" Bago ako lumabas, nag CR muna ako dito sa loob ng kwarto ni Zayn. Naghilamos muna ako kasi sobrang pula ba naman ng ilong at mata ko, halata talagang bagong iyak ako. Ano nalang sasabihin ko nito kay Dad? Lumabas na ako at pumunta kung nasaan si Dad. Infairness ah, andito pala siya ngayon sa kwarto niya. Akala ko sa office room pa niya kami mag uusap. "Oh, andito ka ngayon Dad? Bakit po pala?" Binaba niya ang binabasa niyang dyaryo, "Dito ka sa tabi ko, nak." Lumapit naman ako sa kanya at tinignan ang binabasa niya, "Tungkol saan 'yang binabasa mo, Dad?" "Ah, wala lang. Tinitignan ko lang dito sa likod ng Philippine Star kung maganda ang Ads na inilagay dun sa kumpanya natin." Nakitingin din naman ako sa binabasa niya. Ngumiti ako kahit wala naman akong naintindihan dun sa nakasulat. Ang cute nga ng suot ni Dad ngayon, naka-pajama ba naman. 'Yung lampshade lang ang bukas. Tanghaling tanghali, nagkukulong siya dito. "Dad, tanghali pa lang nakabukas na agad 'yung lampshade niyo. Buksan natin kaya 'tong kurtina?" "'Wag. Okay na 'to." "Anong okay ka diyan? 'Di kaya okay. Mas maganda pa rin kung ang liwanag ay manggagaling sa labas. Saka mas nakakasira ng mata 'yan oh. Nagkukulong-kulong ka dito, tapos bubuksan mo lampshade mo? Eh samantalang ang liwanag naman sa labas." "Oo na. Ganyan na naman ang mukha mo eh. Talagang nahawaan ka na ni Louis." Ngumiti ako sa kanya at tumayo para buksan ang kurtina. Yun naman pala oh! Ang liwanag naman pala dito, ayaw man lang kasing buksan ni Dad. "Oh my God! Barney ba ang design ng pajama mo?" "Tsk. 'Wag kang maingay." "Tayo ka nga. Dali!" "Aba, akala mo kung sino 'to kung magpautos ah." "Eeh, Dad naman. Tumayo ka na kasi, dali na!" Napakamot nalang ng ulo si Dad, sabay tayo. "Pft! Dad, ang cute talaga!" Nakakatuwa ang suot ni Papa. "Kaya nga nagkukulong lang ako dito para 'di mahalata 'tong suot ko. Tawa ka naman diyan." "Sorry, Dad. Can't help it lang talaga!" "Tama na." Bumalik na uli siya sa higaan niya at nagtaklob sa kumot. Ang daya naman ni Dad. Nangii-spoil ng pagtawa. "Dito ka nga sa kama. Hindi 'yan ang ipinunta mo." "Sungit mo Dad, a! Akala mo ba matatakot pa ako?" "ISA." Nagulat naman ako sa paglalim ng boses niya. Oo, seryoso ang boses niya nung nagsalita siya. Napikon na yata siya sa akin. Natakot na naman ako sa kanya. "D-dad... sorry..." "Dito ka nga. Bakit ganyan ang hitsura mo?" Bumalik na naman sa pagiging sweet ang boses niya, kaya medyo nate-teary eye ako. "Oh, bakit ka iiyak? Shhh, tahan na bebe." Oo, naiyak na ako. Pinatahan pa ako ng ganito ni Papa kaya mas lalo na akong naiyak. "Jino-joke ka lang naman. Hindi naman po sinasadya 'yun. Yumakap ka na sa akin." Mas lalo na akong napaiyak sa sinabi niya. Pinapayakap na niya ulit ako. Dati lang, pagpinapagalitan niya ako, kami, sisigawan pa niya lalo kami at hahayaang mag iiiyak sa kawalan. Namiss ko talaga 'to, ang yakap ng isang ama. Grabe, ang warm pa ng yakap niya sa akin. Kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Aray naman, ang higpit naman ng yakap mo." "Dad... Thank you, ha?" Tumingin siya sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin, "Thank you kasi nagkaayos uli tayo. Kasi, 'yung pagbigay ko sayo ng chance para magbago, kinuha mo na para maging okay na tayo. Marami ka mang pagkukulang sa 'min, alam kong nagsimula na ang sinasabi nilang 'balang araw' na magbabago ka na nga para sa amin. Akala ko dun sa nangyari, walang mangyayaring maganda dun. Dun sa nangyaring 'yun, walang magandang bagay na mangyayari. Pero buti at mayroon naman pala. Hindi mo man sila nakaayos, alam kong balang araw, malalagpasan natin 'to, maaayos natin 'to, at masasabi natin sa kanila ang totoo." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa 'kin. "Ako nga dapat ang mag thank you, kasi natanggap mo pa ako. Kung siguro andito sila, hindi na rin naman nila ako matatanggap pa. Laking pasasalamat ko at binigyan mo ako ng pagkakataong magbago muli. 'Yung pagiging bastard at jerk ko sa inyo, sobrang pinagsisisihan ko ang lahat nang 'yan. 'Yung mga pagtrato ko sa inyo in unhuman way, na dapat minamahal kayo, inaalagaan, pinapalaki ng maayos at iniintindi... Sobrang nagsisisi ako dun. If I were given a chance para magbago para sa kanya. Sa kapatid mong... hay, namatay, gagawin ko talaga 'yun. Mukhang malabo na. Wala na siya. At alam kong hindi pa rin niya talaga ako napapatawad kahit kaunting oras pa lang kaming nagkakasama." "Pinatawad ka niya, alam ko. Si Bro pa ba? Matagal ka na niyang pinatawad, alam ko 'yun at naniniwala ako. Para patatawarin ka lalo niya pati ni Papa God, if you learn to forgive yourself. Everything happens for a reason, diba? Alam kong sa kabila ng mga nalalaman natin ngayon, na tanging tayong dalawa lang ang nakakaalam, makakaharap tayo ng iba't iba pang consenquences." "Sana nga. 'Yung tungkol sa mama mo..." "Dad, stop na. *huk*" Pinutol ko na ang sasabihin niya. Inuungkat na naman niya ang nakaraan. 'Wag na, napatawad ko na nga siya. "Pakinggan mo ako, kahit ngayon lang tungkol dito. Ngayon ko nga lang 'to sasabihin sa 'yo" "Dad naman---" "'Ina, please." I nodded nalang as a response. "Siguro ang tingin niyo na sa 'kin, kriminal. Alam niyong ako ang pumatay sa mommy mo." Hindi ako makatingin sa kanya. Tama siya, 'yun talaga ang alam namin, na siya ang dahilan kung bakit nawala si Mommy. Pinalabas niyang tuluyang naloka ito. "'Yang si Bernadette, minahal ko naman talaga siya. Minahal ko siya na parang tunay na asawa. Masasabi kong isa siya sa mga mababait na babaeng nakilala ko. Maganda, maalalahanin, mapag-aruga, maalaga, at higit sa lahat... Masarap magmahal." "Kahit hindi ikaw ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa, tandaan mo, kadugo kita. Anak kita... At mahal ka namin." "ALam mo naman siguro na 'yung una mong nanay na iniwan tayo, wala na 'yun, hindi ba? I mean, wala na tayong pakielam pa sa kanya. 'Di na rin naman natin alam kung nasa'n na siya ngayon eh. Kung nasa'n man siya ngayon, sana naghihirap na siya." "Dad naman!" "Bitter pa ako diyan sa first mom mo. Akala niya siguro ganun lang kadali ang ginawa niya sa atin? Nagkakamali siya. Nahirapan akong buhayin ka nang ako lang mag-isa. Sabihin na nating, pwede kong gamitin ang pera lang buhayin ka. Pero iba pa rin pala talaga kapag may dalawa kang magulang na magmamahal at bubuhay sa 'yo. Dun pa lang, natutunan ko nang maging independent. Hindi na ako nagsisisi kung bakit iniwan tayo niyang si Rona." Rona 'yung name ng mommy ko talaga, first mom. "Dahil sa kanya, nasaktan ako. Pero at the same time, may mga natutunan din ako sa kung paano pamuhay nang mag isa." "Nakilala ko 'tong si Bernadette sa Luneta Park noon, isang taon ka pa lang nun at ginagala-gala kita. Nakita kong nagpapalipad siya ng saranggola dun pero hindi ko naman siya pinansin nun dahil wala naman akong pakielam sa kanya, 'di ko naman pati siya kilala. Nakuha sa 'kin ni Zayn ang pagiging masungit. Minsan natutuwa nalang ako lapag sinusungitan niya ako at sinasagot kasi nakikita ko sa kanya ang dati kong ugali simula pa lang nung pagkabata ko." Napangiti ako, totoo ngang nakuha ni Zayn kay Dad 'yan. "Balik tayo, habang nakaupo tayo sa field n'on, nakita kong natalisod siya. Medyo natawa ako pero 'di ko naman talaga 'yun pinansin. 'Yung mukha kasi niya, parang masungit na medyo may pagkaisip bata. 'Di naman ganun ang mga tipo ko. Tulad nga nung sinabi ko, kung ako masungit na, ayokong may gagaya na rin sa pagkamasungit ko. Mahirap kasi pag ganun." "Habang nagpapalipad siya ng saranggola, sumabit sa puno 'yun. Mukhang wala naman yata siyang kasama nun kaya nanghihingi siya ng tulong kung sino raw puwedeng umakyat sa puno. Lumayo-layo pa nga ako nun kasi sumisigaw siya, parang nananawagan na kung sino pwedeng umakyat sa puno nun at bibigyan niya raw ng kapalit kung may makakakuha nun. Wala naman kasi masyadong tao nun, at 'yung mga andun kasi ay mga matatanda na naggo-golf." "Then?" Excited kong tanong. "Lumayo ako sa kanya dahil baka ako pa 'yung pagkuhain niya. Ano ba siya, chix?" "Pero lumapit pa rin siya sa 'kin at nagpasuyo..." **FLASHBACK II** Josh's POV "Hello. Pwede bang pakuha 'yung saranggola ko?" Sino ba 'to? Bakit ang lakas naman ng loob niyang ipakuha sa 'kin ang saranggola niya. "Ayoko." "Hala, napakasungit mo naman. Dali na kasi! Bibigyan nga kita ng kapalit pag nakuha mo." "Ano ba? Can't you see, may alaga akong bata dito tapos paaakyatin mo ako sa punong 'yan para sa pesteng saranggolang 'yan." "Edi babantayan ko saglit 'yang kapatid mo." Napabalikwas ako sa pagkakaupo sa sinabi niya, "Tss. Anak ko 'yan." Biglang nagbago ang hawas ng mukha niya, gulat na gulat. Para namang tanga 'to. Bata pa ba siya para maglaro pa ng ganyan? Tapos sa 'kin pa pakukuhain. "Akala ko kapatid mo. Sino ang nanay? Maaari ko bang malaman? Ang cute niya kasi. Bakit 'di mo kasama 'yung asawa mo ngayon? Asawa mo pa ba siya? Parang hindi na---" "Shut up." "Bakit mo ako pinapa-shut up? Kung kinukuha mo nalang 'yung saranggola ko edi sana natahimik na ako dito. Nagtatanong lang, ayaw mong sagutin? Akala mo---" "Hawakan mo." Abot ko sa kanya kay 'Ina. This woman must get rid. Ang ingay niya, ang sakit pa sa tainga ng boses niya, makikisabayan pa sa akin. "Tapos pahahawakin mo ako nito? Okay lang, cute naman siya. Aguchiguchi. Ang cute mo naman baby. Dapat ako ang nag-aalaga sa 'yo at baka mahawaan ka ng kasungitan ng daddy mo---hoy! Saan ka pupunta? Bakit mo iniwan sa akin---" "Ayaw mo bang kunin ko ang pesteng saranggola mo?" Napatahimik siya, "Sabi ko na nga ba, mabait ka. Sige, kunin mo na!" **END OF FLASHBACK II** "...Kinulit talaga ako niyang Mama mong si Bernadette. Pero dun sa pangungulit niyang iyon, nagsimula ang pagmamahalan namin." Ang ganda naman pala ng love story nila. Nakakainggit silang tunay. Pero... ang pinagtataka ko, ay kung bakit nagawa niyang saktan si Step Mom. "Bakit niyo po ba sinaktan si Mama?" "Maniwala ka sa o hindi, hindi ko pinatay ang mommy niyo." "Sagutin mo na lang ang tanong ko." Tumingin siya sa 'kin nang deretso, "Mapaniniwalaan mo kaya ako?" "I'll try." "Ang mama niyo, may sakit sa puso---" "Anong konek niyo dun ng pagpapahirap niyo sa kanya? 'Yun na nga 'yon eh. May sakit na siya sa puso nun. Gusto niyang ipakita ko raw sa inyo na pinahihirapan ko siya---" "Patapusin mo muna ako, 'nak." "Pero, Dad!---" "I know 'Inna, I know. Nagulat ako nung ni-request niya sa 'kin 'yun. Sabi ko, baliw na siya. Alam mo kung anong sinabi niya?" Tumingin ako sa kanya ng tingin na nagtatanong. "Kailangan daw 'yun dahil balang araw raw ay mawawala na siya sa mundong ito. Lahat ng nakita niyong pagpapahirap ko sa kanya, siya may pakana nang lahat ng 'yun. 'Yung akala niyong nambabae ako at nakita niyang may katext akong babae sa phone? Palabas nalang namin 'yun. Parang nabaliw ang mommy niyo sa kaka-request sa 'kin na gawin ko raw ang lahat nang 'yun." Tila nagulat ako sa mga nalalaman ko ngayon. So ang lahat pala ng iyon, ay scripted? I mean, si Mommy Bernadette pala ang nag request ng ganun? Dahil ano? Kasi may sakit na siya sa puso? Pero hindi naman yata tama 'yun. "Ayaw niyang ipaalam sa inyo na may sakit siya sa puso. Mas gugustuhin nalang daw niyang mamatay na siya nang 'di pinapaalam na may sakit siya. Kahit ako, ayokong gawin 'yun kasi alam kong sasama ang tingin sa 'kin. Pero... Pinilit niya ako. Gano'n na lamang daw ang mabuting gawin. Hanggang sa tuluyan na siyang nabaliw. Nabaliw na siya dahil dun. Dahil gusto niya nga talagang gawin ko ang bagay na 'yun. Ewan ko ba diyan kay Bernadette. 'Yun talaga ang istorya kung bakit siya n-namatay." Umiiyak na si Dad. Ngayon ko nalang uli siya nakitang umiyak. Ang huling iyak niya ay nung namatay si Bro. Eto pala ang nangyari... Sabi na eh, 'di naman namin siya magiging tatay kung masama siya diba? Bakit kaya ganun si Mama. Totoo nga ang sinasabi ni Yaya Rosing na nabaliw nga raw talaga si Mama. Pero totoo pa rin 'yung pagpapahirap sa kanya ni Dad. Ang weird lang. Kung ako sa kanya, hindi ko rin siguro magagawa 'yun. Pero kasi... Mukhang may psychological problem na si Mama nun. "Hindi ko sinasadya, 'Inna. Katulad niyo, 'di ko ginusto ang mga nangyari kay Bernadette. Kung kayo ngang mga anak, 'di niyo matanggap, ako pa kaya 'tong asawa niya? Mahirap mangulila. Isa akong kriminal, malaki ang pagkakasala." Niyakap ko siya. Mahirap talaga pag lalaki ang umiiyak. 'Di mo alam kung paano mo sila patatahanin. Siguro nga, ang pagyakap ko nalang ang mabisang paraan para kahit papa'no, gumaan ang pakiramdam ni Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD