Chapter 9. Faye’s POV “Kuya, bilisan mo naman diyan. Kay kupad kupad naman kasi. Pipili nalang ng matinong shades, ‘di pa makapili!” “Wait nga lang kasi…” “Kanina ka pa rin diyan wait ng wait. Lagi nalang. Lagi mo nalang akong pinaghihintay!” “Eh sa hindi pa ako makapili.” “Aba, kasalanan ko pa ba ngayon kung ‘di ka makapili? Malay ko ba sa ‘yo? Kaya nga pumili ka na agad diyan nang makaalis nang nakakaalis na tayo dito.” “Bakit ka ba nagmamadali?” “Ilang oras na tayo nandito sa mall, shades lang naman ang hinahanap mo! Kailangan babg abutin nang halos magdadalawang oras na sa loob ng SM na ito para lang sa shades na yan?” “Boses mo naman, Bayad.” “Totoo naman kasi, diba? Ang gaganda na nga ng mga napili ko sa iyo, ni isa hindi ka pa rin talaga makapili! Mukhang interesado ka pa

