Chapter 30. Patrick's POV "Patpat, wait lang daw ah. Nagbibihis pa yata kasi si Dad." "Okay lang, Shasha ko. Kamusta ka na pala? Nakakatampo at nakakaselos na.. puro nalang pagmo-model ginagawa mo." Ngumuso pa ako. "Naiintindihan mo naman ang career ko, diba? 'Wag ka nang mag pout pa diyan, masyado ka nang cute." "Binobola mo lang ako eh. Oo, naiintindihan ko nga pero hindi naman yata pwede sa akin na laging ganito nalang. Wala ka nang oras sa akin." at saka nag crossed arms pa ako na parang bata. Syempre si Shasha ko lang naman ang nagaganito ko. Bigla niyang pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng bebe Patpat ko!" habang hawak pa niya ang magkabilang pisngi ko. "Aray naman!" Panggigilan ba naman 'yang pisngi sinong hindi masasaktan? Bigla niya akong niyakap pagkabitaw

