Imprint on my Heart [36]

2715 Words

Chapter 31. Patrick's POV Nagulat kami sa mga sigaw ni Ate Ynah. Gising na pala siya. Buti nalang at hindi masyado malalakas ang boses namin dito sa pag-uusap. Nasa loob pa rin naman siya ng kwarto ni kuya Zayn. Kaagad naman kaming tumayo para puntahan na siya. "Nasa'n si Zayn? Dalhin niyo 'ko sa kanya, please." Napatigil ako sa paglalakad. Hinahanap na niya si kuya Zayn. Sigurado ba siyang gusto na niyang makita ito? Oh nadala lang talaga siya ng panaginip niya? Hinawakan ko ang kamay ni Shasha, "Hinahanap na niya ang kapatid mo..." Napahinga nalang siya nang malalim, "Oo nga eh." "Bakit.. hindi nalang kaya natin sabihin sa kanya ngayon na buhay ang kapatid mo?" Hinarap niya ako. Medyo nakakunot din ang noo niya. "Nahihibangg ka ba, Patpat? Hindi muna. Nananaginip lang 'yan panig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD