Chapter 31. Ynah's POV Lumabas nalang ako dito sa bahay nila ate Shaina nang ganito ang itsura ko. Baboy ang mukha ko sa kakaiyak. Haay. Bahala nalang muna sila diyan. Sana nalang, hindi galit si Patrick sa akin lalong-lalo na sa inasta ko sa harap nila. Wala na rin akong mukhang maihaharap sa kanila eh. Alam kong inis na inis na rin sila sa akin, ramdam ko naman 'yun eh. Kaya nga mas mabuti nga sigurong lumayo nalang muna ako sa kanila. Magpapakalayo-layo ako nang mag-isa. Buti nalang talaga at may malaki-laki naman akong perang dala. Pupunta nalang ako sa park na malapit-lapit lang naman dito sa amin. Pumara na agad ako ng taxi at sinabi ko na kung saan ang destinasyon ko. Habang nakaupo lang ako dito, nag-isip isip ako sa mga nangyari kanina. Lalo na dun sa napaginipan ko... Para k

