CHAPTER TWENTY NINE NAKARAAN ang dalawang araw, pinatawag na si Dom sa opisina ng Warden. May koneksyon daw ito sa ginawang imbestigasyon tungkol sa nangyari noong nakaraang araw na may kinalaman kay Dom at ng isang babaeng priso. Mataas ang kompyansa ni Dom na lalabas ang katutuhanan dahil nasa kaniyang panig naman 'yong nurse. May naitago rin itong ebidensya laban sa babae, kaya kung hindi ito aamin sa balak nitong gawin sa kaniya ay may bala silang gugulat dito. Hindi alam ni Dom kung pupunta ba 'yong nurse, pero dahil seryosong bagay ito at kailangan nila ng mga saksing magkapagbigay ng testimonya sa kung ano talaga ang tunay na nangyari, naniniwala siyang susulpot iyon sa summon na ito ng Warden. Kasama ang dalawang Jail Officers na siyang sumundo sa kaniya sa kanilang selda, ay s

