CHAPTER THIRTY TULAD nang utos ng Warden, isang buwan ngang ikinulong si Dom sa loob ng madilim at mabahong Bartolina. Pisikal at emosyonal na paghihirap ang dinaanan ni Dom sa buong buwang pananatili rito. Nando'n ang pangangalay ng kaniyang buong katawan lalong lalo na ang kaniyang mga tuhod at paa mula sa pagtayo at sa pagtiklop niyon habang natutulog at nakaupo siya. Wala nang epekto sa kaniya ang kadiliman at ang sikip ng maliit na silid dahil sa loob lamang ng unang linggo niya rito ay parang nasanay na siya agad. Ang hindi niya lang nakayanan ay ang baho ng pinaghalong dumi at ihi niya. Oo, napipilitan siyang dumumi sa loob ng Bartolina dahil minsa hindi niya na talaga kayang pigilan pa iyon. Buong araw sa buong linggo niyang sinisinghut ang baho ng sariling dumi. Minsan nasus

