CHAPTER THIRTY ONE KAPAG ang pasensya ng isang taong tahimik at mapagkumbaba ay nasagad at naubos, dalawang bagay lamang ang maaari nitong kahahantungan. Kung hindi ang sariling buhay ang tatapusin at kikitilin, ay buhay ng iba ang siguradong matutuldukan. Ganito ang nangyayari kay Dom ngayon. Pasensyoso siyang tao. Mabait. Maka-dios. Pero anong nangyari? Paghihirap ang naging ganti ng kaniyang pagiging mabuti. Tao lang din naman siyang may pangarap. Isa lang siya sa mga taong nangarap makamit ang mga pinangarap. Pero anong nangyari? Kulungan ang bagsak niya. Magpasensya naman siya. Tiniis niya ang lahat nang mga pagpapahirap na ibinabato ng buhay. Pero sobra naman itong naranasan niya. Sagad na sagad na ito at talagang ubos na ang napakahaba niyang pasensya. Nagpakumbaba naman si

