CHAPTER THIRTY TWO DAHIL sa presensya ng dalawang higher ups ay hindi nagawang maparusahan ng warden si Dom. Kaya naman malaya siyang nakabalik sa infirmary matapos siyang i-dismiss ng mga ito. Hindi naman sa nabura na 'yong pangalan niya sa listahan ng suspects na nanakit kay Janet, pero nagawa niyang makaiwas sa direktang kaparusahan mula sa warden. Siguro, aabot ng ilang araw ang imbistigasyon. At kung ano man ang magiging resulta no'n, wala na siyang pakialam. Handa siyang papasok ulit sa bartolina, ang mahalaga nakaganti na siya sa babae. Totoong natakot siya dahil sa naging resulta ng ginawa niya. Naroon ang pag-alala na baka ano nang nangyari rito. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa ginawa. Pero naniniwala naman siyang masasanay rin siguro siya rito sa katagalan. Lalo pa't m

