9: The Devil Incarnate

2763 Words
CHAPTER NINE "S-SIR.. S-sorry po.. S-sasabihin ko na po kung sino ang nag-utos sa amin. Huwag n'yo lang pong gawan ng masama ang pamilya ko.." Matapos marinig ang inutos niya kay Frank ay biglang nataranta ang dalawang lalaking nahuli nila at agad itong nagmakaawa sa kaniya. Nawala ang nanunuyang ngisi sa mukha ng mga ito. He had hit their reverse scales kaya napakadalinh nagbago ng isip ng mga ito. Hindi rin kasi akalain ng mga ito na may hawak siyang system na kayang-kayang ma-trace ang isang tao sa pamamagitan lang ng finger prints ng mga ito. Ito 'yong napakagandang project ng gobyerno na nakakatulong sa kanila upang madaling tukoy ang kung sino mang mga kriminal na gusto nilang tukuyin as long as makukuha nila ang fingerprints ng mga ito. A very useful system to find and trace criminals, but a very dangerous one when in the hands of someone like Dom. "Si Don Magno po ang nag-utos sa amin kapalit ng malaking halaga at proteksyon sa mga pamilya namin. Agad po naming tinanggap dahil may tulong naman kaming matatanggap galing sa isa sa mga direktor ng Mindanao Summit Corporation na mas magpapadali ng misyon namin," pag-amin ng isa sa dalawang nahuli nila. Bakas sa mukha nito ang takot, hindi para sa sarili kung hindi ay para sa pamilya nito. "Totoo 'yan, Sir. Nagta-trabaho lang po kami," saad naman ng isang kasama nito. "Don Magno is one of the members of the Council of Dons of Mindanao," dagdag naman ni Frank nang tingnan ito ni Dom. Alam niyang hindi kilala ni Dom si Don Magno kaya pinakakilala niya na ito. Napatango naman si Dom matapos marinig itong lahat. Alam niya na itong Council of Dons ay isang grupo ng mga malalaking Mafia Dons at Bosses dito sa Mindanao, pero dahil sa hindi niya binigyang pansin ang mga ito sa kabila ng pagpapadala ng mga ito ng assasins upang iligpit siya, ay hindi na siya nag-abala pang alamin ang pangalan ng bawat membro ng council na ito. Ngunit ngayong nalagay sa panganib ang buhay ni Autumn dahil sa kagagawan ng mga ito, kailangan niya nang ipakita kung ano ang kaniyang kapasidad bilang isang Mafia Boss. Kailangan niya nang ipakita sa mga ito kung sino nga ba ang hari ng underground community ng buong bansa. At ipapakita niya na rin sa mga taong ayaw sa kaniya, lalo na ng mga membro ng Board of Directors ng Mindanao Summit Corporation, kung ano ang mangyayari kapag siya ang magalit. "Well, thank you for the information. Alam kong nagta-trabaho lang kayo, pero muntik niyo na kaming napatay, at muntik na ring mapahamak ang isang kasama naming walang kinalaman sa lahat ng mga bagay na tayo lang na mga nasa underground community ang nakakaalam. Kaya kailangan ko pa rin kayong turuan ng leksyon." Seryosong saad ni Dom habang tinitigan ng seryoso ang dalawang lalaki na ngayon ay nakatitig na rin sa kaniya. Bakas sa pagmumukha ng mga ito ang takot sa kung ano man ang leksyon na tinuran niya. "But don't worry, I won't drag your families with the mess that the two of you has caused." Dagdag niya pa dahilan upang biglang nagliwanag ang mukha ng dalawa. Napangiti ang mga ito habang tuwang-tuwa na nakatingin pa rin sa kaniya. "Maraming salamat po B--" Bang! Bang! Magpapasalamat pa sana ang mga ito ngunit hindi na nila ito naituloy, as without hesitation, Dom ended both of their lives with a bullet on each of their heads. Leaving their bodies limp with fresh blood oozing from gunshot wound on their forehead, Dom exited the under ground room returning his handgun back to its holster in his waist. Matapos linisin ng kaniyang mga tauhan ang "kalat" na ginawa niya sa underground ng bahay ay mabilis na nagbigay ng utos si Dom sa kaniyang mga tauhan dahil gusto niya nang ipakita sa mga gustong kumalaban sa kaniya ang kaya niyang gawin. At dahil pasado alas 4 palang ng hapon ay mataas pa ang kanilang panahon upang maghanda. Sa isip niya, kaya niya namang gawin itong mag-isa. But to ensure a hundred percent success rate for this mission, he should rely on his men. Unang inalam ng kaniyang IT expert kung kailan ang susunod na schedule ng meeting Council of Dons para alam niya ang dapat gagawin kung sakaling matagal pa iyon. "Based on the record I got from the Dark Web, the council convened a meeting just two weeks ago. And based on their rules, they will only meet once every month." Pagkaraan ng halos dalawang minuto ay nahanap agad ng kaniyang IT expert ang impormasyon na kailangan niya. "I can't wait for the next meeting." Bulong niya sa sarili tapos ay sinulyapan si Frank. "Frank, are these idiots has some kind of business with the Cuso Cartel?" Dahil mukhang mas marami ang alam ni Frank sa Council of Dons kompara sa iba niyang mga tauhan ay ito nalang ang kaniya tinanong. "Sa pagkakaalam ko, ang Cuso Cartel ang pangunahing supplier nila sa halos lahat ng mga legal businesses nila, Boss." Tugon naman agad ni Frank. As one of the top hitman in Assassin's Guild, madalas siyang kinokontrata ng mga member ng Council of Dons kaya marami siyang alam sa mga ito. "Good." Tugon naman ni Dom sabay tingin kay Kris. "Kris, call Damian, tell them to schedule a meeting with the Council of Dons. Also inform him that I will be present in the said meeting." Utos niya kay Kris na agad namang sinunod ng huli. Ang Cuso Cartel, ay isa sa mga illegal na negosyo ni Salvatore Rossi na ipinagkatiwala niya kay Dom bago ito mamatay. At bago pa makalabas si Dom sa bilangguan ay napunta na ang halos lahat nang mga negosyo ni Salvatore sa kaniya. At isa na sa mga ito ang Cuso Cartel na ngayon ay pinahahawakan muna niya kay Damian, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Salvatore na kasama niyang lumaya sa bilangguan nang makapagpasya siyang umalis na roon. Ang Cuso Cartel na ito ay siyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng mga presyo ng ilang produkto ng bansa, tulad ng bigas at gulay. Maliban kasi sa koneksyon nila sa mga malalaking producers ay kaya rin ng cartel na ito na mag-imbak ng napakaraming produkto dahilan upang baba ang supply nito sa market. At kapag mababa ang supply, tataas ang demand, at kasunod nito ang pagtaas ng presyo. At kung kailan magtataasan ang presyo ng mga produktong ito, ay saka nila ipapalabas sa market ang kanilang inimbal na produkto. At babaan nila ang presyo nito ng 10% dahilan upang sa kanila talaga aangkat ang mga retailers, dahil mas lalaki ang kita ng mga ito sa kanila. Kaya napakalaki ng kinikita ni Dom sa Cartel na ito. Bukod dito, wala rin silang malaking kompitensya. Dahil kapag may ibang cartels na magho-hoard ay pinapahuli nila ito sa mga autoridad. Kaya solo nila ang negosyong ito. At hanggang hindi nawawala sa gobyerno ng bansa ang mga opisyal na dino-dios ang pera, ay hindi rin mawawala ang ganitong kalakaran. Hanggang nakikinabang ang mga opisyal na ito sa mga illegal niyang negosyo, ay patuloy rin ang kaniyang pagyaman. "Y-you know the owner of the.. the Cuso Cartel?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Frank matapos marinig ang sinabi ni Dom. Wala itong alam na siya ang aktwal na nagmamay-ari nito. Hindi rin kasi alam ng lahat na kay Salvatore pala ito. Ang alam lang ng lahat ay si Damian Wayne, isang kilalang membro ng Rossi Mafia, ang nagma-manage nito. "He owned it. Salvatore gave it to him." Singit naman ni Kris habang may tinatawagan sa cellphone nito. "W-what?!" Hindi mapigilang sigaw ni Frank na hindi naman pinansin ni Dom dahil nakatuon ang kaniyang buong atensyon sa pinaplano niya laban sa Council of Dons. "S-sorry Boss. I'm just shock." Paghingi naman ng pasensya nito kay Dom maya-maya lang. "Don't mind it." Tipid namang tugon ni Dom. "By the way, choose twenty of our best men to go with us in this mission to teach the idiots in this shitty Council a lesson that they won't forget." Utos niya rito. "Yes, Boss." Tugon naman ni Frank pagkatapos ay umalis na ng sala upang pipili ng mga tauhang isasama. Maya-maya lang, natapos nang makausap ni Kris si Damian at sinunod na nito ang utos niya. Bukas na bukas ay makikipag meeting ito sa mga membro ng Council of Dons dahil nasa Mindanao lang din daw kasi ito. May malaking shipment daw kasi ng bigas ang darating galing abroad para sa supply dito sa Mindanao. Hindi ito alam ni Dom kasi hindi na niya pinakikialaman ang operasyon ng Cartel dahil malaki naman ang tiwala niya kay Damian. Isa pa, dahil Milyones na rin ang kitaan sa negosyong ito, may sarili na siyang accountant na nagbibigay sa kaniya ng report tungkol sa kinikita at ginagasto nilang pera sa cartel. "Prepare yourselves dahil lalakad na tayo mamaya. Eight hours ang byahe natin kaya kailangang maaga tayong aalis dito sa lungsod nang sa gano'n ay makakapagpahinga pa tayo bukas." Utos niya sa lahat nang dalhin na ni Frank ang mga tauhang pinili nitong sasama sa kanila. Sa sumunod na mga oras ay naging abala sa paghahanda ng kani-kanilang mga armas, bala, bullet proof vest, at iba pang mga gamit ang ilang membro ng Lion Mob. Para silang lulusob sa isang gyera dahil naka-full battle gear na ang lahat. Dalampo't apat lang kasama sa misyong ito, kaya apat na sasakyan lang ang dinala nila. Sina Kris at Frank, ang kasama ni Dom sa kaniyang bullet proof SUV kasama ang regular na driver niya. Samantalang ang iba pa ay nasa tatlong sasakyan. Pagkatapos maihanda ang lahat ay umalis na ng kanilang hideout ang apat na sasakyan. Naiwan sa bahay si Bart, ang isa sa pinagkakatiwalaang tao ni Dom. Habang bumabyahe sila ay pinapaliwanag ni Dom ang kaniyang plano sa kaniyang mga kasama, at si Frank naman ang nagri-relay nito sa iba pa nilang kasama. Habang nakikinig ay hindi maiwasan ni Frank ang kabahan, napakarahas kasi ng pinaplano ni Dom. Nasa isip niya, kaya pala nagdala ito ng dalawampong katao kahit na kaya naman sana nitong patumbahin ang lahat nang membro ng Council nang mag-isa, dahil may iba pa pala itong pinaplano. Pagkalipas ng mahigit walong oras na byahe ay dumating na sila sa lungsod ng Ozamiz. Dito kasi matatagpuan ang main head quarters ng Council of Dons dahil ito ang baluarte ng kasalukuyang Head Council o ang pangulo ng council na ito. Dahil may mga tauhan din si Dom sa lungsod na ito, ay hindi na sila nahirapang maghanap ng kanilang matutuluyan dahil may safe house na rin sila rito. Ang mga taong ito ay dating nasa ilalim ng Rossi Mafia ni Salvatore. Syempre, bilang pinakamalakas na Mafia, may mga maliliit na Mobs talaga ito sa halos lahat nang parte ng Bansa. At isa sa mga Mobs na ito ang narito sa Ozamiz City. Bago kasi mamatay si Salvatore noon, pinaalam niya sa buong Rossi Mafia na si Dom na ang magiging Boss nila. Syempre, hindi lahat ay sumunod, kaya nabuwag agad ang Mafia matapos mamatay si Salvatore. Ngunit may ilan namang kinilala si Dom na kanilang bagong Boss, at ito ngayon ang mga naging membro ng Lion Mob. Hindi kilala ang Lion Mob, dahil ang impormasyong si Dom ang magiging kahalili ni Salvatore ay exclusive lamang sa Rossi Mafia. Kaya natural na hindi ito alam iba pang Mafias. Kung alam ito ng lahat, siguro, mag-ala tupang maamo sana itong mga taong kasalukuyang kumakalaban kay Dom. "Let's rest for now, so that you can all do your task tomorrow." Wika ni Dom sa kaniyang mga tauhan nang nasa safe house na sila ng Mob na isa sa maraming galamay ng Lion Mob. "Yes Boss." Tugon naman ng lahat at pumasok na sila sa mga silid na inihanda sa kanila. .... .... KINABUKASAN. Pasado alas 10 ng umaga ay tumawag na si Damian kay Kris at sinabi nitong magsisimula na ang council meeting. Kaya naghanda na sina Dom upang pupunta na sa head quarters ng Council. Ang dalampong tauhan niya ay nauna nang umalis kaninang alas 8 ng umaga dahil may sariling misyon ang mga iyon. Kaya tanging sin Kris at Frank lang ang kasama ni Dom papunta sa venue ng meeting. Ang driver naman nila ay mag-i-standby lang sa labas kung sakaling maiiba ang kalalabasan ng mga pangyayari mamaya. Sampung minuto rin ang ginugol nila bago makarating sa isang five star restaurant. Ito ang front cover ng Council's Headquarters, a legitimate business façade bustling with busy workers and costumers. A perfect way to blend in to keep their illegal activities hidden from the eyes of the authorities. Maaring hawak nila ang mga autoridad dito sa lungsod, ngunit hindi ito mangangahulugan na magiging ligtas na sila. Dahil kung man sila mapapansin ng mga ito, may mga tao namang makakakita at magtataka kung bakit hindi ginagawan ng aksyon ng Gobyerno kung lantaran ang kanilang illegal na gawain. That way, the government will be forced to act. Kaya mas mainam na rin ang magtatago. Dahil isang restaurant ang papasukan nila, mahigpit talaga ang security. Ngunit nang makilala ng isa sa mga guards si Frank ay walang sabi-sabing pinapasok sila nito. At sinamahan pa papunta sa isang exclusive part ng restaurant, kung saan naroon ang secret meeting place ng Council. May mga tao ring nakabantay rito, ngunit dahil nakita ng mga ito si Frank at hinihintay rin sila ng isa sa mga tauhan ni Damian na agad nakakilala kay kina Kris at Dom, ay agad din silang pinapasok ng mga bantay. Pagpasok nila sa malawak na Conference Room, agad na lumantad sa paningin ni Dom ang isang mahabang mesa sa gitna. May anim na upuang naka-pwesto sa magkabilang gilid nito, at makikita rin sa mga upuang iyon ang bilang na mula 1 hanggang 12. Sa pinaka sentro ng mesa, sa kabisera ay nakaupo ang isang matandang lalaki na agad kumunot ang noo nang makita ang pagpasok nila. Nakilala kasi sila nito. Nang unang pumutok ang Lion Mob ay agad na nagsagawa ng research ang Council of Dons upang kilalanin ang taong nasa likuran nito. Kaya nila nakilala si Dom na ngayon ay kampanteng nakatayo sa kanilang harapan kasama ang dalawang lalaking kilala bilang top hitmen ng buong bansa. As high ranking Mafia Dons, natural lang na kilala nila ang top hitman ng Assassin's Guild dahil palagi nila itomg kinokontrata. Samantalang sa kaso naman ni Kris, bilang best assassin ni Salvatore, ay kilalang kilala siya ng lahat ng mga prominent figures ng underground community ng bansa. "What's the meaning of this?" Naalarmang tanong ng matandang lalaki na nakaupo sa pinakadulo ng mesa, ang Head Council. Bilang isa sa mga taong nagtangkang pumatay sa lalaking nasa harapan nila ngayon ay natural lang itong naging reaksyon ng head council lalo pa at wala rito sa loob ang kani-kanilang body guards dahil request ito ng kanilang VIP visitor na walang iba kung hindi si Damian. "They're the guest that I told you about. So, since they're here, we will now talk about the business that I meant to discuss with you." Si Damian ang sumagot na noon ay nakaupo lang sa isa pang mesa sa gilid ng conference room kasama ang apat nitong body guards. Matapos nitong sabihin ang mga bagay na iyon ay mabilis itong tumayo yumuko kay Dom. "It's great to see you again, Boss." Magalang nitong sabi kay Dom na timugon lang ng huli ng simpleng tango. Pagkatapos nito ay tumungo na ito likuran ng kaniyang Boss kasama ang apat nitong tauhan. "I am not here to talk about business, I am here to settle our score." Seryosong saad ni Dom sabay bunot ng baril sa tagiliran. Bubunot din sana agad ang mga membro ng council ngunit hindi na nila ito nagawa dahil, nakatutok na sa kanila ang mga baril na hawak nina Kris, Frank, Damian at ng apat nitong kasama na napakabilis ding bumunot ng kani-kanilang mga armas. "Let them in." Utos ni Dom kay Kris na agad namang sinunod nito. Maya-maya lang ay parehong nanlaki ang mga mata ng mga membro ng council nang pumasok sa loob ng conference room ang mga tauhan ni Dom kasama ang labing tatlong mga babae. Kung hindi anak na babae ay asawa ito ng bawat membro ng Council of Dons. "You tried to kill me twice. Now it's my turn to retaliate." Seryosong sabi ni Dom habang tinitigan ng mataman ang mga lalaking nanginginig sa galit habang nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. "Now, which of these women shall I rape first?" Tanong niya dahilan upang napatayo sa galit ang buong council members.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD