CHAPTER SIX
Hindi mapakali si Autumn habang nakaupo sa sofa ng opisina ng kanilang CEO. Kung dati ay hindi man lang siya makaramdam ng kahit na kaunting kaba sa tuwing pupunta siya rito, ngayon naman ay halos madurog na ang kaniyang dibdib sa bilis at lakas ng pintig ng kaniyang puso habang hinihintay ang bago nilang Boss.
Mabait sa kaniya si Mr. Valdez, siguro, dahil 'yon sa relasyon nito sa kaniyang Daddy. Kaya kahit ilang beses pa siyang pabalik-balik sa opisinang ito, hindi talaga siya nakaramdam ng gantiong kaba at takot.
Pero sa totoo lang, ayaw talaga sana niya ng gano'n, ayaw niyang binibigyan ng special treatment. Kaya nga siya nag-trabaho at nagsumikap nang hindi ginagamit ang kaniyang apilyedo diba? Dahil gusto niyang maging successful sa buhay sa sarili niyang efforts.
She's been in this company for five years now.
Nagsimula siya bilang isang simple office staff. Hanggang sa na-promote bilang team leader, naging supervisor at sa kalaunan ay naging Manager ng Marketing Department.
Hindi rin biro ang pinagdaanan niyang hirap bago maabot ang posisyon niyang hinahawakan ngayon. Pero hindi maipagkakailang malaking bagay pa rin dito ang pagiging isang "Romano" niya.
Dahil sino ba ang kaniyang Daddy? Well, ito lang naman ang isa sa mga nagsimula nitong kompanya. May mga mas malalaking negosyo lang itong hinawakan kaya nito binitiwan ang pagiging isang majority owner sa Mindanao Summit Corporation. Pero sa kabila nito, itinuturing pa rin siya ng Board of Directors at ng CEO bilang isang importanteng tao ng kompanya.
At ang identity niyang ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakaramdam ng takot o kaba habang pumupunta sa mga opisina ng mga top executives dito.
Actually, kahit naman ilang ulit pang magpapalit ng CEO ang kompanya, hindi pa rin talaga sana mawawala ang gano'ng confidence niya.
Sadyang kilala lang talaga niya ang bagong CEO ngayon. At hindi lang basta kilala. Naging parte pa ito ng madilim niyang nakaraan.
Ang nakaraan na matagal niya na sanang inilibing sa limot dahil itinuring niya itong pinakamalaking pagkakamali niya sa buong buhay.
Siguro, dahil sa bugso ng damdamin dala na rin ng kapusukan at awa rito, kaya niya nagawa iyon. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na nagawa niya ang bagay na iyon.
Sa dinami-rami ng options niya, bakit 'yon pa talaga ang ginawa niya? Pwede namang iba diba?
Pero nangyari na, eh. Kaya wala na talaga siyang magagawa roon.
For the past five years. Nakalimutan na talaga niya ang nakaraan iyon. As in, nawala na talaga ito sa kaniyang isipan. But then this happened.
Akala niya na ang balitang namatay sa "aksidente" ang kanilang CEO ang pinakanakakagulat na balitang matatanggap niya ngayong araw, ngunit hindi pala, dahil para talaga siyang pinasabugan ng bomba nang makilala niya ang CEO na papalit kay Mr. Valdez.
'Why him? Why of all people it has to be him?' Reklamo niya pa sa isip habang sapo ang sariling noo.
"I am sorry for making you wait that long."
Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ng CEO at kasunod nito ay ang baritono nitong boses na gumising sa kaniyang diwa.
"Ah, i-it's nothing po." Tugon naman niya sabay tayo at bahagyang yumuko rito bilang paggalang.
Medyo nauutal siya dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang puso. Kaya nang marinig niya ang tunog ng lock ng pintoan ay mas lalo pang lumakas ang kaba sa kaniyang dibdib.
'Bakit ni-lock niya ang pinto? Oh no!' Nag-alalang sigaw niya sa isip.
At dahil iba na ang mga pumapasok sa kaniyang isipan, parang biglang uminit ang kaniyang buong katawan. Ramdam niya na rin ang pag-iinit ng kaniyang buong mukha dahil sa mga bagay na naglalaro sa kaniyang utak.
'Stop thinking about that Autumn!' Saway niya sa sarili habang mahigpit na ipinikit ang mga mata upang mawaglit ang maduming mga bagay na naglalaro sa kaniyang isipan ngayon.
"Are you okay?" Parang nag-alalang tanong nito habang tinitigan siya.
Mas lalo pa tuloy siyang nahiya dahil dito. Gusto niya nang lamunin ng sahig dahil sa hiya. Ngunit pinilit niya pa ring magpaka-pormal sa harapan nito nang hindi na madagdagan ang hiyang naramdaman.
"Y-yes Sir." Nauutal pa ring tugon niya habang hindi pa rin magawang tumungin ng diretso rito.
"Please sit there." Seryoso nitong sabi sa kaniya sabay muwestra ng kamay sa bakanteng upuan sa harap ng mesa nito.
Walang imik siyang tumalima at ingat na ingat na umupo sa upuang itinuro nito.
"I called you here because I want something from you." Panimulang wika nito habang tinitigan siya ng seryoso.
Pagkarinig niya naman dito ay bigla na namang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib habang pumapasok na naman sa kaniyang isipan ang mga maruruming bagay na naisip niya kanina.
's**t. I'm doomed.' She thought helplessly.
"Don't get me wrong." Patuloy naman nito sabay sandal sa malaki nitong executive chair.
"I am new in this field. So I need help running this huge company. And before coming here, I did a little research and background checks about you guys. That's when I decided that out of all the Managers in this organization, you are the best candidate to be my adviser." Dagdag pa nito sa seryosong tuno habang tinitigan pa rin siya. "I cannot run this company with my own, that's why I need your help. So, can you help me?" Tanong nito sa kaniya.
Bigla naman siyang napatitig dito matapos marinig ang buong sinabi nito. Iba kasi ang inaasahan niyang sasabihin nito kaya gano'n nalang ang unang naging reaksyon niya, ngunit nang malamang gusto lang pala nito ng tulong niya ay bigla siyang nahiya sa kaniyang sarili.
Akala niya kasi kung ano na ang gusto nitong gawin sa kaniya, but it turns out na napaka-simple lang pala ng gusto nito.
Pero teka lang.
Hindi ba siya nito nakilala?
Why can't she feel anything else while he's talking to her? Why does it felt like he's just talking to her the way a boss would talk to their employees? Doesn't he remembered her?
Dahil sa isiping ito ay bigla siyang napatitig sa mukha nito.
Baka kasi ibang tao pala itong kaharap niya kaya hindi siya nito nakilala. Baka kamukha lang ito no'ng taong naging parte ng nakaraan niya. Baka siya lang talaga itong paranoid kaya inisip niyang ito nga 'yong taong 'yon dahil sa magkamukha ang mga ito.
"Is something wrong with my face?" Nakangiting tanong nito habang nakataas ang dalawang kilay nang medyo tumagal na ng ilang segundo ang pagtitig niya rito.
Maluwang ang ngiti nito dahilan upang lumitaw ang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi na mas dumagdag pa sa kagwapohan nito. Ang malinis at pantay-pantay nitong mga ngipin, ang perpekto nitong mga labi, ang magaganda nitong mga mata at ang matangos nitong ilong ay tila ba magnet na uma-attract ng kaniyang mga mata dahilan upang kahit anong pilit niyang iwas ay hindi niya talaga ito magawang maiiwas dito.
"Are you okay?" takang tanong nito sa kaniya dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan.
At matapos mapagtanto ang kahibangang nagawa ay mas lalo pa siyang nakaramdam ng hiya.
Gusto niya nang himatayin dahil sa hiya.
"I.. I-I'm sorry, S-Sir. H-hindi lang ako m-makapaniwala sa sinabi ninyo.." Nauutal niyang tugon habang todo iwas ng tingin dito. Kinakapa niya sa isip kung ano ang magandang palusot sa kagagahan niya. "I-I mean.. Mas m-marami pa pong magagaling dyan. K-kaya.. kaya gano'n." Dagdag niya pa habang nakatingin sa sahig.
Ayaw niya nang tumingin sa mukha nito dahil baka hindi niya na naman mapigilan amg sarili.
Ang gwapo rin kasi ng taong ito.
His masculine fragrance.
The tattoo strokes visible in some parts of his neck, his fierce eyes and his strong jaws were so attractive for her.
He has this dangerous aura with him, but it seemed to be charming her. It was like an invisible force pulling her towards him.
It was also one of the reasons why she did that "thing" to him in the past.
At ngayon, parang magagawa na naman niya ito.
Ito na ba ang masamang resulta ng pagiging addict niya sa pagbabasa ng mga stories about cold and ruthless but handsome mafia bosses?
Sa dinami-raming mga gwapong nilalang na nanliligaw sa kaniya, wala siyang sinagot dahil silang lahat ay walang dating sa kaniya.
Ngunit itong taong kaharap niya, bakit napakalas ng dating nito sa kaniya?
May gayuma kaya ito?
"Maybe you're right. But what of it? I am the boss here. Kaya ako ang masusunod.. And I want you to be my adviser. You can take it or I will appoint you as my personal assistant and you will be doing some "extra" task then." He mouthed with a playful smile while giving an additional emphasis on the word "extra" to tease her.
"Ahh. S-sige po. Tanggapin ko na po ang offer ninyo bilang adviser. It would be an honor, po." Mabilis naman niyang tugon bago pa magbago ang isip nito. Iba kasi ang iniisip niya nang marinig ang salitang "extra".
"Good." Nakangiti pa ring tugon nito pagkatapos ay inabot sa kaniya ang papel na kanina pa nitong hinahawakan. "Read and sign it if you agree with the terms." Anito.
Naguguluhan man ay tinanggap pa rin niya ito.
"It's a contract." Sabi pa nito bago niya pa masimulang basahin ang papel. "I already wrote your name in it dahil naniniwala akong tanggapin mo ang aking alok." Dagdag pa nito.
At napataas naman siya ng kilay nang makita niyang nakasulat na nga pala talaga ang kaniyang pangalan dito. This made her think that something is fishy with it.
'Did he already plan this thing?' Bulong niya sa isip habang tinitigan ang "contract" na hawak-hawak.
Is this the very first thing he thought after knowing that he will be the next CEO of Mindanao Summit Corporation? Why her then?
Is this just a pure coincidence? O pinagti-tripan lang talaga siya nito dahil nakilala siya nito?
This thought made Autumn nervous, kaya hindi siya mapakali habang nakatingin sa contract.
"The reason why I prepared that contract was because I will be using it as a supporting document. Because from now on, you would be receiving two different salaries, one for being the Marketing Manager of this company and the other as my personal adviser." Paliwanag naman nito.
Ngunit kahit na anong paliwanag pa ang gawin nito, duda na talaga siya sa pinanggagawa nito.
Kaya binasa niya na ang two pages contract. Inisa-isa talaga niya ito at inulit-ulit pa upang masigurong wala siyang na-miss dito.
So far, wala naman siyang nakitang kakaiba.
Lahat nang nakasaad sa contract ay mga conditions at mga tasks lang naman. Walang kaduda-duda rito, except for the fact that he had already chosen her to be his personal adviser as if he had already knew he would become a CEO.
Pero baka naman ngayon niya lang ito pinagawa.
And the thing about why he immediately assumed as the next CEO was maybe because he was already eyeing it for a long time.
Pero hindi niya pa rin maalis sa isipan na baka nakilala talaga siya nito, dahil impossible namang hindi diba? Pagkatapos ng nangyari sa kanila five years ago, basta nalang siya nitong makakalimutan?
At kaya sinadya nitong piliin siyang maging personal adviser nito ay dahil sa "nakaraan" nila.
Pero bakit ito umaastang hindi siya nito kilala kung gano'n? For what reason?
Judging from his looks and his facial features, alam na alam niyang ito nga ang lalaking 'yon. Base rin sa ilang tattoo sa leeg nito, kompirmadong ito nga 'yon.
Siguro, makakalimutin lang talaga 'tong taong ito kaya hindi na siya nito naalala. O baka naman hindi na siya nito naalala dahil sa daming mga babaeng dumaan sa mga kamay nito.
Ahh. Siguro gano'n nga.
Pero teka?
Bakit parang nakaramdam siya ng kaunting kirot sa puso nang maisip na marami nang mga babaeng dumaan sa mga kamay nito?
"Are you gonna pretend that you're reading ito again and again or what?" Untag nito sa kaniya habang nakangiti dahilan upang mabilis niyang mailapag sa mesa ang papel at kinapa ang kaniyang bulsa upang maghanap ng ballpen.
"Here." Sabi naman nito sabay abot sa kaniya ng ballpen.
Wala sa isip niya itong tinanggap at pinirmahan ang kontrata para hindi halatang guilty siya.
"Good." Anito nang matapos na niyang permahan ang papel. "I'll have it notarized, and I will just give you a copy. Until then, prepare yourself to guide me. You may go now." Dagdag pa nito habang nakangiti pa rin.
Siya naman kasing bilis ng kidlat na tumayo at halos patakbong tinungo ang pintoan ng opisina nito.
Kanina niya pa gustong makalabas dito dahil hindi niya na talaga kakayanin ang hiyang naramdaman.
"Autumn!"
Kakabukas niya palang ng pintoan ng opisina at lalabas na sana siya nang bigla siya nitong tinawag. Kaya saglit siyang napahinto at bahagya itong nilingon.
"Y-yes Sir." Tugon naman niya habang dahan-dahang humarap sa direksyon nito.
Ngunit hindi agad ito nagsalita.
Sa halip ay tinitigan lang siya nito ng mataman.
Matagal bago gumalaw ang mga labi nito.
"Ahh. N-nothing. I just look forward for all of this to work out with your help." Mahinang tugon nito.
Ngunit nang titigan niya ang mukha nito, she could see that he wants to say something but could not say it upfront.
And the way his eyes stared at her, it seems like he's been longing for something.
This made Autumn's heart beats fast again.
Kaya tinanguan nalang niya ito at mabilis na siyang umalis dito.
####
Hi! Salamat sa mga bumabasa hanggang dito! Hope na dadami kayo. ?