7: Unexpected Incident

2507 Words
CHAPTER SEVEN IT'S BEEN TWO WEEKS simula no'ng naging adviser siya ng kanilang bagong CEO. Nailibing na rin si Mr. Valdez kaya balik na ulit sa full operation nito ang buong kompanya. No'ng una, akala ni Autumn mahihirapan siya sa bago niyang function, pero hindi pala. Dahil nakakapag-trabaho pa rin naman siya ng matiwasay bilang Marketing Manager. Saka lang kasi siya tinatawag ng bago nilang CEO kapag may gusto itong itanong sa kaniya. His questions mostly involved concerns that needs careful decision making, at dahil aminado itong baguhan lang sa sistemang ito, hindi kaagad ito makapag-desisyon ng impromptu, kaya tinatawag siya nito at tinatanong. Hindi niya talaga maintindihan ang taong 'yon, kasi hindi naman nito tinanggal ang secretary ni Mr. Valdez, kaya bakit kailangan pa siya nito? Kung tutuosin nga mas magaling pa sa kaniya 'yong secretary dahil mas matagal pa 'yong nagta-trabaho rito sa kompanya kaysa sa kaniya. Mas may alam 'yon sa mga bagay na pinanggagawa ng CEO. Sinadya kaya nitong siya talaga ang gagawing adviser? At may napansin din siya sa bago nilang CEO. Napakasungit nito sa lahat, lalong lalo na sa mga membro ng board of directors. He's also very cold and aloof especially to the beautiful ladies na palaging nagpapapansin dito. Sa dalawang linggong dumaan hindi pa niya ito nakitang ngumiti sa iba. And lastly, ang pinaka nakakatakot sa lahat. She also found out, through some gossips, that the CEO is a Mafia Boss. Yes! He is. He is the Boss of this Mafia called Lion Mob. The very group who killed the notorious drug lord in the City, Mario "The Bulldog" Blanco. But for some reason, the City Police didn't take an action against him. Siguro dahil ito sa kakulangan ng ebidensya. Totoo namang lumabas sa TV ang balita tungkol sa Lion Mob Mafia. Pero wala namang link na magtuturo na connected nga rito ang kanilang bagong CEO. That group is operating in the underground community of the City as usual. At walang matapang na pulis ang handang isakripisyo ang kanilang buhay upang i-infiltrate ang underground. It's not worth it. Dahil kung kaya nila 'yon, matagal na sanang nawala ang operations ng mga underground communities na ito sa bansa. Just think about it. Kung walang nagawa ang mga opisyal na nasa mataas na posisyon laban sa mga underground groups na ito, paano pa kaya sila? So, definitely, it's really not worth it. Siguro, ito ang pangunahing dahilan kung bakit sa kabila ng mga sabi-sabing isang Mafia Boss ang kanilang CEO ay walang ginawa ang mga pulis. Not unless makikita nila ito sa aktong gumagawa ng illegal. Pero hanggang hindi napapatunayan ang mga sabi-sabing kumakalat sa paligid ay mananatili lang itong sabi-sabi hanggang sa makakalimutan nalang ito ng lahat. Well, wala na siyang pakialam do'n. Wala ngang pakialam ang mga taong dapat makialam diba? Kaya dapat lang na hindi na siya sasali sa mga ganitong bagay. Anyway, kung masungit at nakakatakot ang imahe ng kanilang CEO para sa lahat, hindi naman 'yon ang kaso sa kaniya. Dahil sa kadahilanang hindi niya alam. Mabait ito sa kaniya. Ngumingiti ito sa kaniya at kinakausap siya nito palagi. Kaya kahit na totoo pa ang sabi-sabing isa itong Mafia Boss, hindi siya takot, dahil maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. "Girl, may relasyon ba kayo ng bago nating Boss? Kasi pansin ko lang ha, maliban sa kaniyang mga gwapong bodyguards, ikaw lang itong nakakalapit at nakakausap sa kaniya." Tanong sa kaniya ng kaniyang kaibigang si Mica, executive assistant ng Chief Operations Officer ng Mindanao Summit Corporation at anak ng isa sa mga board of directors. Nasa isang restaurant sila ngayon na pag-aari rin ng Mindanao Summit Corporation habang kumakain ng tanghalian. "At mas sinasama ka pa talaga niya sa meetings niya kesa kay Janna." Singit naman ni Lorry, Human Resource Assistant ng kompanya na kaibigan din niya. Ang Janna na tinutukoy nito ay ang secretary ng kanilang CEO. "Issue na naman? Diba pinabasa ko na sa inyo 'yong contract ko bilang Adviser niya?" Pairap na tugon niya sa dalawang malisyosang bruha sa harapan niya. "Kaya malamang na palagi kaming magkakausap dahil adviser niya ako." Dagdag niya pa. "'Yon na nga ang issue rito. Bakit ikaw ang pinili niyang maging adviser at hindi ako? Eh mas matalino naman ako sa'yo, real talk!" Tugon naman ni Lorry sabay irap sa kaniya. "Kasi mas maganda ako sa'yo." Palaban namang tugon niya. "Shh. Tumahimik kayo, papunta rito ang gwapong bodyguard ng Boss natin." Sasagot pa sana si Lorry sa asaran nilang dalawa nang bigla silang sinaway ni Mica dahilan upang sabay silang napatingin sa banda kung saan nakatuon ang mga mata nito. "Hi handsome." Nakangiting bati ni Lorry sa lalaking seryosong naglakad palapit sa kanila. "Miss Autumn, our Boss wants to talk to you later." The guy announced in a serious tone ignoring Lorry's greetings. "He said he'll just wait for you in his office." He added in a straight face. "Okay. I'll be there within twenty minutes." Tugon niya naman dito. "Mmm." Usal nito sabay tango at walang paalam na tumalikod at umalis na sa harapan nila. The girls were left with their mouths open and their eyes were blinking in disbelief. Did the guys just ignored their beauty? "Grabe, pati bodyguard niya ang snob din." Mahinang reklamo ni Lorry habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaking nasa malayo na. "Dahil ba gwapo sila kaya gano'n? Ang OA naman nila." Dagdag naman ni Mica habang nakaawang parin ang mga labi. Napailing nalang si Autumn dahil sa tinuran ng mga kaibigan. Tama rin naman kasi ang mga ito. Talagang napaka-snob nga ng mga bodyguards nga kanilang bagong Boss. Tamang-tama sa mga ito ang kasabihang "birds with the same feathers, flock together" dahil pare-parehong cold at snob ang mga ito. "Mukha naman silang mababait. Siguro dahil palagi silang kasama mg CEO natin, kaya nahawa na rin sila sa kasungitan at pagka-cold nito." Sabi niya sa mga ito. "Hayy, sayang." Magkasabay na wika ng dalawa sabay hinga ng malalim na tila ba nanghihinayang dahil mukhang hindi nga sila mapapansin ng nagustuhan nilang lalaki. "By the way, buti at naalala ko ito, diba sabi mo sa amin kanina no'ng inanyayahan mo kaming samahan kang kumain dito, eh may pabor kang hihingin?" Sambit ni Mica nang maalala ang sinabi niya sa mga ito kanina bago sila pumunta rito. "Ahh, oo nga pala. Muntik ko nalang makalimotan." Tugon niya naman sabay sapo ng sariling noo nang maalala ang pangunahing dahilan kung bakit niya dinala rito itong dalawa kahit na may cafeteria naman sa Building ng kompanya nila. "Don't stress yourself girl, magpahinga ka rin sa trabaho minsan. Sign na 'yan ng stress ang pagkamakakalimutin mo." Seryosong paalala ni Lorry sa kaniya. "Thanks for the concern girl, pero okay lang ako." Tugon niya naman dito. "By the way, kailangan ko ng tulong ninyo." Maya-maya'y seryosong sabi niya sabay make-face with paawa effect sa dalawang kaibigan. "We're all ears." Magkasabay namang wika ng dalawa at sumeryoso na rin ang ekspresyon ng mukha. "Sixty fifth birthday kasi ni Dad next monday, and you know na hindi kami bati no'n kasi alam n'yo na ang ginawa ko." Panimulang sabi niya dahilan upang mas sumeryoso pa ang mukha ng dalawa. "But as his only kid, hindi pwedeng habangbuhay kaming magpapataasan ng pride. He's old, kaya gusto ko nang umuwi sa kaniya at humingi ng tawad. But knowing his character, alam kong hindi madali 'yon." "Pinabayaan niya ako all these years. He let me do everything, at hindi niya ako pinakikialaman sa lahat nang naging desisyon ko sa buhay. All because he stood with his words na kakalimutan niya na ako bilang kaniyang anak." "I thought everything would be okay, dahil nag-enjoy naman ako sa buhay. Pero sa sinasabi ko na, ayokong ganito nalang kami habang buhay. Dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo, we're still a family." "Kaya ngayong birthday niya, plano kong umuwi na. Gusto ko siyang surpresahin, ngunit hindi ko naman alam kung ano ang ibibigay ko sa kaniya. He's rich and he can buy almost everything that he wanted, kaya ano pang ibibigay ko? Another problem here is how would I go back home without ruining his birthday?" Parang stressed na stressed na sabi niya sa dalawa dahilan upang mahawa rin ang mga ito sa malungkot niyang mukha. "Problema nga 'yan." Seryosong komento ni Lorry na napaisip ng malalim habang hawak ang baba. "Kaya nga.." Pagsang-ayon niya naman dito. Si Mica naman, bilang pinaka-close niyang kaibigan ay parang napi-pressure na sa kakaisip ng ways and means to appease the tension between her and her father. "I couldn't think of something at this moment, girl. But give me a day or two to think about it, I am confident that we can come up with the best way to apologize to your Dad." Pagkatapos ng sandaling katahimikan ay magsalita ni Mica na sinang-ayunan din agad ni Lorry. "Thank you so much, girl." Maluha-luhang sabi niya sabay tayo at niyakap ang dalawa. At bago pa sila magkaiyakan, bumitiw rin agad siya. Pagkatapos ng ilang minutong daldalan ay nagpaalam na siya sa dalawa dahil naalala niyang pinatawag nga pala siya ng kanilang CEO. At pagkalabas na pagkalabas nga niya ng restaurant ay nakita niya na ang sasakyan nitong parang naghihintay talaga sa kaniya habang naka-park sa tapat mismo ng entrance ng restaurant. Bigla tuloy siyang kinabahan at napatingin sa kaniyang wrist watch, baka kasi late na siya. Pero nakahinga rin siya ng maluwang nang makitang 12:40 pa pala. Ngunit kahit na hindi pa siya late ay nagmamadali pa rin siyang lumapit sa kotse nito. At nang makalapit na siya rito ay agad namang binuksan ng bodyguard ng CEO nila ang pintuan ng backseat ng sasakyan. "S-Sir, I am sorry.. Katatapos ko lang kasing kumain." Pangangatwiran niya rito nang makita niya itong nakaupo sa backseat ng SUV nito. "No problem." Tipid nitong tugon sabay sulyap sa kaniyang mukha. Naiilang tuloy siya habang ingat na ingat na umupo sa tabi nito. Kahit na iba ang pakikitungo nito sa kaniya kaysa sa iba, as she have observed this past weeks, ay hindi pa rin niya maiwasang mailang dito. Hindi pa rin kasi siya komportable sa tuwing nasa paligid niya ito. Pero syempre, natural lang naman talaga na ganito ang mararamdaman niya, dahil maliban sa Boss niya ito, the memories of that thing they did five years ago has been haunting her both in her sleep and in her conscious mind. "Earlier, a member of the board called and told me that a well-known businessman in this City wants to sell his property to the company. Their offer is quite tempting, that's why that board member convinced me to immediately buy it." Sabi nito sa kaniya matapos nito pagsabihan ang driver na patakbuhin na ang sasakyan. "But to make sure that it's worth it, I decided to personally inspect the property first, before making a decision whether to buy it or not. And you will help me assess if it's really worth it." Dagdag pa nito As usual, trabaho agad ang pinag-uusapan nila. Pansin niya rin, na tulad nitong nakaraang mga linggo, magaling ito sa decision making. Actually, lahat nang ginawa nitong decisions lately ay nakakatulong talaga sa kompanya. Kaya kapag hinihingi nito ang opinion niya, kaunti nalang ang masasabi niya. Pero ang nakapagtataka lang, kung gano'n na pala ito kagaling mag desisyon, bakit kailangan pa nito ng adviser? Isa pa, may mga specific teams naman siyang mapagtatanungan o mapag-utusan sa kompanya, depende sa technicalities ng gagawan niya ng desisyon. Tulad nitong pupuntahan nila ngayon, pwede naman sana nitong utusan ang assessor at property acquisition officers ng kompanya para sila na ang mag-evaluate nito. Kasi sila naman talaga sana ang dapat gagawa nito, eh. Pero heto, sila na naman ang gagawa. Kaya hindi niya talaga maiwasang magduda rito. Hindi kaya gusto lang talaga siya nitong makasama kaya ganito ang pinanggagawa nito? Assumera na kung assumera, pero baka nakilala pala talaga siya nito. Baka hindi talaga nito nakalimutan ang nangyari sa kanila five years ago. At kaya siya nito ginawang adviser dahil naghahanap lang ito ng tyempo para maulit 'yong nangyari noon? Dahil sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayang ilang minuto na pala ang nakaraan at nakarating na pala sila sa kanilang destinasyon. Matapos huminto ang sasakyan ay bumaba na siya matapos mapagbuksan ng pintoan. At pagkalabas niya ay agad niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. Nasa gilid sila ng dagat, kaya naisip niyang baka beach resort ang property na ibebenta sa kanila. Kasi umi-engage din naman ang kompanya nila sa tourism businesses. Mayaman kasi sa mga magagandang tanawin ang lungsod ng San Diego at napakalaki ng potential nito sa tourism. Maya-maya lang, isang middle aged na lalaki ang lumapit sa kanila nang makababa na rin ng kotse ang kanilang Boss. Pagkatapos mag-usap ay sumunod na sila rito papasok sa isang concrete pathway na patungo sa isang magandang gate ng resort. Pagpasok nila sa gate na ito, kapansin-pansin ang kakaibang katahimikan ng lugar. Hindi naman ito nakalampas sa pakiramdam ng mga kasama niya, kaya ilang saglit lang ay bigla silang pinagitnaan ng mga ito. Bang! Bang! At hindi nga nagkamali ang mga ito dahil pagkaraan lang ng ilang saglit ay umalingawngaw na ang sunod-sunod na putok ng baril. "Ahhhh!!" Takot na takot na tili niya nang makitang isa sa mga tauhan ng kaniyang Boss ang tinamaan at natumba. Sing bilis naman ng kidlat na nagsitakbuhan ang iba at naghanap ng matataguan. Samantalang siya ay pakaladkad na nahinila ng kaniyang Boss pabalik sa gate. "Quiet!" Matigas nitong utos sa kaniya dahil sigaw pa rin siya ng sigaw. Bang! Bang! Tuloy-tuloy pa rin ang sunod-sunod na putok ng mga baril habang silang dalawa ng Boss niya ay nakayukong tumatakbo pabalik sa kanilang kotse. Nang makarating sila sa pinag-parkingan nito ay agad siya nitong pinapasok sa loob. Ngunit dahil sa takot ay niyakap niya ito at hinila rin papasok. Dahil hindi nito inaasahan ang paghila niya, ay napasubsob ito sa kaniyang dibdib. Babangon pa sana ito ngunit dahil tinamaan na ang kotse ng mga bala ng baril ay gumapang nalang ito papasok sa loob, at pagkapasok ay mabilis nitong isinara ang pintoan nito. Mabuti nalang at bullet proof ang sasakyang ito. Kung hindi ay tinamaan na talaga sana sila. "You can let go of me now." Mahina at kalmadong sabi nito sa kaniya. Ngunit dahil nanginginig pa rin siya sa takot ay hindi niya na ito pinansin. Naiiyak na kasi siya sa takot at nerbyos. Kaya niyakap niya lang ito ng mahigpit na mahigpit habang nakahiga sa upuan ng kotse. Hindi niya na pinansin ang bigat ng katawan nitong nakakumbabaw sa kaniya dahil sa gulat at takot niya sa nangyari. Hanggang sa pagkaraan ng ilang saglit, she felt something hard pressed against her legs. At dahil dikit na dikit ang kanilang katawan sa isa't isa, mukhang alam niya na kung ano ito. Bigla tuloy namula ang kaniyang pisngi sa kabila ng takot at nerbyos. #### Hi sa lahat. let me know kung okay lang ba itong story or no. para naman ma improve ko. salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD