KABANATA 5

1240 Words
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko. Alas kwatro na ng madaling araw. Kinuha ko mula sa ilalim ng unan ang cellphone at ini-off ang alarm. “Good morning! Gising ka na, Cam?” chat ko kay Camille. Hindi ko na hinintay ang reply niya. Bumangon ako at niligpit ang higaan. Tinungo ko ang maliit na tokador at nagsuklay. Nagsuot ako ng bra bago tuluyang lumabas ng silid. Binuksan ko ang ilaw sa kusina. Nagtimpla muna ako ng gatas. Kinuha ko mula sa ref ang natirang adobo na ulam kagabi at ininit. Habang nakasalang ang adobo ay dinurog ko naman ang tirang kunin. Isinangag ko iyon. Nang maluto ang sinangag ay nag-almusal ko. Agad kong hinugasan ang pinagkainan pagkatapos kumain. Bumalik ako sa silid. Kumuha ako ng towel at pamalit. Tiningnan ko muna kung may reply na si Camille bago lumabas ng silid. “Good morning, anteh! Sorry, kagigising ko lang. Hehe!” Reply niya sa akin. Napairap ako sa hangin. Ibinalik ko sa kama ang cellphone at muling lumabas ng silid para maligo. Sampung minuto bago mag-alas singko ay nakagayak na ako. Lumabas ako sa silid. Hila ko sa kaliwang kamay ang maliit na travel bag habang sukbit ko naman sa kanang braso ang backpack. “Good morning, anak! Aalis na kayo?” tanong ni Mama paglabas ko. “Good morning din po. Chat ko po muna si Camille kung ready na sila,” sagot ko kay Mama. Naupo ako sa sofa. Si Mama naman ay dumiretso sa banyo. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ng suot kong pantalon na maong. “Punta ka na lang dito sa bahay.” Chat niya sa akin. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo upang magpaalam kay Mama. “’Ma, aalis na po ako!” “Sige, ingat kayo, ha?” sigaw ni Mama mula sa loob ng banyo. “Salamat po! Ikaw din po, ingat ka din parati dito. Love you, ’Ma! Bye!” Dinampot ko ang travel bag na nakapatong sa sofa. Ini-lock ko ang doorknob. Nagdasal muna ako bago tuluyang lumabas ng bahay. Natanaw kong bukas na ang ilaw sa sala nila habang papalapit sa kanilang bahay. Magkatabi lang ang bahay namin, katabi naman ng bahay nila ay ang bahay nila Bettina. Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Bettina kaya madalas akong magkulong sa bahay mula nang mahuli ko sila. Tinawagan ko si Camille pagdating ko sa tapat ng kanilang bahay. Habang nagri-ring ay sumilip si Tita Cassandra sa pinto. Hindi gaanong mataas ang bakod ng bahay nila kaya kita ang tao sa labas. Agad na lumabas si Tita upang pagbuksan ako ng gate. “Good morning, Ash! Patapos pa lang mag-almusal si Camille. Naku, pasensiya ka na, alam mo naman ’yun sobrang kupad!” bulalas ni Tita Sandra nang mapagbuksan ako ng gate. “Okay lang po, Tita. Ang importante sanay na tayo.” Biro ko kay Tita Sandra na ikinatawa niya ng mahina. Sumunod ako sa kaniya matapos niyang isara ang gate. “Hi anteh! Grabe, sakto ka talaga sa oras lagi!” nakabungisngis na sabi ni Camille. Hindi pa niya nalulunok ang nginunguya ay tumayo na siya. Ipinatong niya ang baso sa plato. Tinungo niya ang lababo at hinugasan ang mga pinagkainan. “Bilisan mo na diyan at baka dumating na sina Mareng Karla.” Tukoy niya sa kaniyang kababata na ninang ni Camille. Parehas kaming napasilip sa labas ni Tita nang ilang sandali pa ay may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila. “Nandiyan na sila Mare. Sinasabi ko na nga ba, napakakupad kasi! Camille! Iwanan ka na namin bahala ka!” Hinatak ni Tita ang isang maleta at isinukbit naman ang tote bag sa balikat niya. “Mader naman, tapos na nga, oh!” Sa isang bagong minivan na kulay pula kami sumakay. Magkatabi sa likod ng driver's seat ang dalawang anak nila Tita Karla. Sa likurang bahagi naman kaming tatlo nila Camille. Mahigit tatlong oras bago kami nakarating sa bahay ng magulang ni Tita Sandra na sina Lolo Nonito at Lola Amparo. May kalayuan sa kalsada ang bahay nila. Inabot kami ng halos isang oras sa paglalakad. Pagdating namin doon ay may mga nakahanda na agad na pagkain. Balak kong maligo sa talon ’di kalayuan sa bahay nila Lolo Nito. Nagpahinga sila Tita Sandra at Camille matapos kumain at magligpit kaya napagdesisyunan kong mag-isa na lang akong pupunta. Madalas kaming maligo ni Camille doon tuwing magbabasyon kami dito. Nagsuot ako ng bulaklaking blouson, pinatungan ko ng jacket na suot ko kanina sa biyahe. Swimming shorts naman na kulay itim ang suot ko pang-ibaba. “Lola Amparo, maglalakad-lakad lang po ako,” nakangiting paalam ko sa Lola ni Camille habang naghihiwa ng kalabasa sa kusina. Napayuko ako nang tumingin siya sa akin. Kinakabahan ako. Hindi ako sanay magsinungaling. Hindi nila ako papayagang maligo mag-isa kaya hindi ko na sinabi ang totoo. Nakatulog na din si Camille sa silid na inookupa namin tuwing naririto kami kaya hindi ko na siya inistorbo. “Hindi mo kasama si Camille?” “Tulog po siya, napagod po siguro sa biyahe kaya ’di ko na po ginising.” “Ganoon ba? Matalahib sa daraanan mo, magpalit ka ng shorts mo, iha. Mangangati ka niyan.” Napatingin ako sa suot kong swimming shorts. “Sige po, palitan ko po.” Bumalik ako sa silid. Maingat ang mga kilos na pumasok ako at hinalungkat ang bag. Hinanap ko ang jogger pants na dala ko. Isinuot ko ’yun pero hindi ko na hinubad ang swimming shorts na suot ko. Palabas na ako sa silid nang maalala ang waterproof phone bag na binili ko. Kinuha ko iyon at inilagay ang cellphone para hindi mabasa kapag naligo. “Lola, aalis na po ako!” Tiningnan muna ni Lola Amparo ang suot ko bago siya tumango at ipinagpatuloy ang ginagawa. Makaraan ang labing limang minutong paglalakad ay narating ko ang talon. Naka-ilang selfie muna ako bago nagpasyang maligo. Excited na hinubad ko ang jacket at ang jogger pants. Ipinatong ko iyon sa isang bato katabi ang suot kong tsinelas. Mabagal akong lumusong sa tubig habang nagvi-video. “Ang lamig.” Nangaligkig ako nang tuluyang mailublob ang katawan sa tubig. Napangiti ako nang marating ang bahagi ng talon na binabagsakan ng tubig. Pabalik-balik akong lumangoy pagkatapos kong mag-picture. Pumunta ako sa likod ng binabagsakan ng talon nang mapagod sa paglalangoy. May malaking bato sa likod niyon. Umakyat ako doon para mag-picture. Napansin kong may maliit na butas sa likod ng bato. Dahan-dahan akong bumaba. Inilublob ko ang katawan at sinubukan kong lumusot sa maliit na butas. “Wow!” bulalas ko nang makapasok sa kuweba. Namamanghang inilibot ko ang paningin sa loob. Kulay asul ang tubig na nasisinagan ng kaonting liwanag na pumapasok mula sa maliit na butas sa taas ng kweba. May mga stalactites din. Lumangoy ako palapit sa parte ng tubig na nasisinagan ng araw. Umahon ako nang muling mapagod sa paglalangoy. Wala namang makakakita sa akin kaya naisipan kong mag-panty at bra na lang sa loob ng kweba. Binuksan ko ang camera ng cellphone ko. Kinuhaan ko ng video ang loob ng kuweba. Hindi ko sigurado kung alam ni Camille na may kuweba dito kaya naisipan kong mag-video. Mabagal akong umikot para maayos kong makuhaan ng video ang lugar. Napasigaw ako nang sa pag-ikot ko ay tumambad sa akin ang isang morenong lalaki na halos matakpan na ang kalahating bahagi ng mukha dahil sa kapal ng balbas nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD