PROLOGUE
PROLOGUE
"Kuya Saquel, anong ibig sabihin nito?"
Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng abandonadong building na pinagdalhan sa amin ng mga armadong kalalakihan na bigla na lang humarang sa sasakyan namin pabalik ng mansyon.
Tirik na tirik ang araw kanina pero ngayon tila sumasabay sa takot na nararamdaman ko ang dilim ng paligid na tanging salpukan ng kulog at kidlat ang ingay na naririnig ko habang nakatutok ang baril ng kapatid ko at mga tauhan niya sa aming mag-asawa. Kinuha nila ang limang taong gulang kong anak. Kung saan dinala, hindi ko alam. And I wonder why he's doing this. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya? Hindi man kami magkadugo still kapatid ko siya.Tinuring ko siyang pamilya, nakatatanda kong kapatid! But what the hell he's acting now like a demon. . . a psycho? Na para bang nawawala siya sa katinuan.
He evily smirked. Tumambol lalo ang dibdib ko sa galit na nakikita ko sa madilim niyang mukha. I hugged Ingrid tightly when she trembled in fear and sobbed even more.
"Oh c'mon, dear brother. Don't be naive. Alam kong pinuntahan mo ang abogado ni Papa. Anong balak mo? Susuluhin mo ang kayamanan niya?"
"What the hell you're talking about?!"
He scoffed. Nansenyas siya sa kanyang tauhan. Tumalima naman iyon kaagad. Ilang minuto lang itong nawala, pagbalik halos takasan ako ng hininga sa aking nakita. My eyes widened. My jaw dropped in shock. I even trembled in fear. Napahagulhol na ng tuluyan ang asawa ko.
"Hans. . ." she quiver while pulling my shirt.
Hindi ako makapagsalita habang mulagat na nakatitig kay Attorney Sevillo. Hawak sa magkabilaang braso ng kanyang tauhan. Lupaypay, duguan ang buong mukha at katawan. Halos hindi na makatayo. Pikit na ang isang mata habang nakatingin sa akin.
I unconsciously clenched my fist. Flame of anger burned inside my head when I glare at him murderously.
"Wala kang kasing sama Saquel!" dumadagundong na sigaw ko sa kanya. "Pagkatapos kayong mag-ina kupkupin ni Papa ito pa ang igaganti mo sa kanya?! Papatayin mo rin ba ako kagaya ng ginawa mo sa kanya ha?!"
He laughed like a demon. "I didn't kill him, dear brother. Ginulat niya ako kaya nakalabit ko 'yong gatilyo. It was an accident. Tapos pagdadamutan niyo ako? Ha, dapat lang 'yon sa kanya."
"Hayop ka, Saquel! Pagbabayaran mo sa kulungan ang lahat ng kahayupan na ginawa mo kay Papa!"
He laughed again as if their is no tomorrow. Ibang Saquel ang nakikita ko ngayon. Para siyang sinapian. Ibang-iba sa kuya kong subrang cool, mabait at maalalahanin. But unfortunately, lahat ng mga iyon ay pagkukunwari lamang pala. Bumaliktad ang mga bituka nila ng malaman nila ang totoong estado ni Papa sa buhay. They become greedy. Evilness rot their system.
"Kung. . . makakalabas ka pa dito ng buhay." sinenyasan nito ang apat na tauhan. "Ilabas niyo sila. . ." humakbang ito palabas ng building. "Isunod niyo dito sa akin sa likod."
"Tayo!" singhal ng mga tauhan sa amin.
Hindi ako gumalaw. Nakipagmatigasan ako sa kanila kahit sinuntok, sipa at hinatak ako. I hugged Ingrid tightly even more. Nakasunod ang aking tingin sa kapatid ko at iba pang tauhan. Nang masigurong nakalabas na ang mga ito nagdidilim ang paningin na hinarap ko ang apat na lalaki. I kicked under him. Mabilis ang mga kamay na linabanan ko sila. Binali ang mga leeg, mga braso at binti, punched hard their ribs, then took the gun.
Itinayo ko si Ingrid na namumutla na sa takot at walang tigil sa paghagulhol.
"Let's get out of here--"
I froze when I saw a red laser dot dancing in our body.
"Not so fast, Johannes." boses ni Saquel.
I gulped.
Sunod-sunod na putok ng baril ang pumailanlang. Paglingon ko wala ng buhay na nakabulagta sa sahig si Attorney Sevillo. Then suddenly Ingrid fall down too. Nahindik ako sa aking nakita. Gun shot hit her on her forehead.
"I-Ingrid. . ."
Nanghihinang napaluhod ako habang buhat ko siya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko siya sa kanyang mukha. Marahan na tinapik-tapik doon.
"No. . . Ingrid. . . wake up! Ingriiid!"
Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa aking buong katawan ng hindi na ito gumalaw pa. My heart stop pounding for a couple of sec then pump rapidly afterwards. Awang ang mga labing tulalang nakatitig sa tama ng baril sa noo ng asawa ko. Namamanhid ang buong katawan. Hindi makahinga habang unti-unti akong binabalot ng 'di matatawarang galit na halos magtunugan ang ugat sa mga kamay kong nakakuyom at pangangalit ng ngipin. Nanlabo ang aking mga mata sa luhang namalisbis sa aking pisngi.
"Sa--queeeeeeeeeeeeeel!" I loudly growled.
I shoot him right away. Napaatras siya ng tamaan ko sa balikat kasabay ng balang tumama rin sa magkabilaan kong balikat pati sa tagiliran ko. Bumagsak ako sa sahig pero hindi ko ininda ang sakit. Akma akong babangon ng bumalandra sa harapan ko ang demonyong mukha ni Saquel.
Inabot ko ang nabitawan kong baril pero mabilis niyang pinaputukan ang kamay ko. Napaigik ako sa sakit. He pointed at me the gun then smirked.
"Hindi sana mangyayari 'to kung hindi niyo ako pinagkaisahan ni Papa, Johannes."
I mockingly laughed at him. "Traydor ka Saquel! Wala kang utang na loob! Pinamanahan ka na ni Papa pero masyado kang gahaman--arrrgh!"
Inapakan niya ang sugat sa tagiliran ko. Pinagtawanan ko lang siya kahit hinihiwa ako sa subrang sakit no'n.
"I don't deserved that little penny!" sighal niya sa akin. "Ako ang nagpakahirap--"
"Patas si Papa Saquel," agap ko sa kanya. "Kahit hindi ka niya totoong anak, kahit niluko niyong mag-ina si Papa, tinitira patalikod at puro panlulustay lang ang ginawa niyo still hating kapatid ang ginawa niya! Ang lamang ko lang sayo ay 'yung mansyon--"
"Don't you dare lie to me! Nabasa ko ang isa pang last will ni Papa kay Attorney! Umiba--ArghFUCK!"
Walang babalang pinaputukan ko siya matapos kong mahawakan ang baril habang galit na galit na pinagsasalitaan ako. Tinamaan ko siya ng bala sa kanyang tagiliran but he shoot me too.
"You fucker! Dapat sa akin lahat mapunta ang ari-arian ni Papa! Pati ang anak mo kukunin ko sayo! Pagkakapirahan ko siya!" then point the gun at me again.
"N-NO. . . Ysabelle. . ."
Sambit ko habang unti-unting nagdilim ang paningin ko kasabay ng mga palitan ng putok ng baril sa paligid at malulutong niyang mura.
****
After 15 years.
Present day.
Naglilinis ako sa sala ng pumasok si Tito Saquel. As usual lasing na naman ito. Wala yatang araw na nakikita ko itong 'di nakainom. Parang tambutso din ng sasakyan ang usok sa lakas ng sigarilyo nito. Napakaburara pa. Kung saan-saan tinatapon ang upos ng sigarilyong hinihithit nito. May astray naman. Iwan ba't pinapahirapan ako maglinis. Kaliwa't kanan ang utos. Akala mo naman alila nila ako dito. Dumagdag pa ang anak niyang bastos na si Kuya Lendon. Ako na ngang inaagrabyado, ako pa ang pinapagalitan ni Tita. Kinakampihan pa ang anak niya. Kunti na lang talaga at ipapupulis ko ang anak nila.
"Nasaan ang Tita mo?"
"Umalis po." sagot ko ng hindi ito nililingon. "Kasama ni Mrs. Cabrera."
Pagkatapos ko maglinis dumeritso ako sa kusina para harapin naman ang pagluluto ng tanghalian namin.
Ilang minuto ang lumipas ng may magsalita sa b****a ng pintuan ng kusina.
"Kanina pa ba umalis?"
Gulat na nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Himala yata, kinausap niya ako ngayon?
Hindi niya naman ako kinakausap dati pa maliban sa utusan ako. Umiwas ako ng tingin ng makita kong titig na titig na naman siya sa akin. Isinawata ko ang negatibong pumasok sa utak ko saka binalingan ang mga gulay.
"Yes po," dinala ko ang kangkong sa lababo saka hinugasan doon.
"Ang Kuya Lendon mo?"
"Nasa kwarto niya. Tulog pa po--Tito!"
Nahindik ako ng pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang. Dumaiti ang kanyang labi sa likod ng tainga ko. Amoy na amoy ko ang singaw ng alak sa kanyang katawan at hininga pati sigarilyo.
"Ang ganda-ganda mo Laica Ysabelle." nagpumiglas ako pero 'di ako nito pinakawalan. Malakas na dagok ang tumama sa aking dibdib. Nag panic ako sabay abot sa kutsilyo. "Manang-mana ka sa dyosa mong Ina na ipinagdadamot ng Daddy mong sugapa. Baka naman pwede mo akong pagbigyan Lai, wala naman ang Tita mo."
Kilabot at pandidiri ang lumukob sa aking buong katawan sa sinabi niya.
Ramdam at kita ko ang lagkit ng titig na pinupukol niya sa akin noon pa pero hindi ko binibigyan ng malisya dahil baka ganun lang talaga pag lasing. Pero sa ginagawa niya ngayon? Lintik siya, may pinagmanahan pala ang demonyong Lendon na 'yon.
Buong lakas kong binaklas ang kanyang mga braso. Napaatras ito sa aking ginawa sabay tutok ng kutsilyo dito. Nanlilisik ang aking mga matang nakatingin sa kanya pero ito abot langit ang ngisi sa akin. Nagawa pa akong pagtawanan.
"Easy lang Lai--"
"Nirerespeto kita dahil Tito kita pero gagawan ko ng design 'yang lalamunan mo oras na ulitin mo pa 'tong ginawa mo!"
Nagdilim ang paningin ko ng nakakaluko pa ako nitong pinagtawanan. Tila aliw na aliw sa akin. Tumaas baba ang aking dibdib sa galit. Lalong uminit ang ulo ko ng lumipat doon ang kanyang namumulang mga mata. Binasa pa ng dila ang kanyang mga labi.
Yaks! Manyakol talaga. . . like father, like son na mga hinayupak!
"Oh, karinyo brutal pala ang gusto mo? 'Di mo naman sinabi agad. Expert ako doon pamangkin. Nagustuhan nga ng mommy Ingrid mo 'yong ginawa ko sa kanya. Tiyak mas magugustuhan mo rin 'yon."
I was stunned at what he said.
Damn. . . Did he r-raped my mom without my Dad knowing?
Anong klaseng hayop ba siya?
Anong klaseng pamilya 'tong pinag-iwanan sa akin ng mga magulang ko?
Or totoo kayang iniwan talaga ako dito sa kanila?
Kung oo bakit ganito ang trato nila sa akin?
Kung hindi, bakit nandito ako? Bakit sila ang kinamulatan ko na mga kasama ko?
Kamag-anak ko ba talaga sila? Kapatid ba talaga siya ni Dad? Why he's telling me now that he. . . oh f*ck!
"C'mon, 'wag ka ng magpakipot pa sa akin. Alam ko naman na nilaspag ka na ng boyfriend mong si Louie--"
"Hayop ka--!"
"What's going on here?!" humahangos na pumasok ng kusina si Tita Sylvia. Nanlaki pa ang mga mata pagkakita sa hawak kong kutsilyong nakatutok sa asawa niya. "Anong. . . ibaba ko 'yan Laica!" hysterical na sigaw niya sa akin.
Tiim bagang na nilipat ko sa kanya ang kutsilyo.
"Isa ka pa!" singhal ko sa kanya. Tuluyan na akong sumabog. "Pinagtangkaan na nga akong halayin ng anak mo, imbes na pagsabihan mo kinampihan mo pa!"
"Aba't. . ," dinuro niya ako. "Ayusin mo 'yang bunganga mo Laica! Baka gusto mong pasabugin ko 'yan!"
"E 'di subukan mo ng maapat 'yang mukha mo ng wala sa oras!"
"T'ngna--ang tapang--"
"Sylvia--"
"Ano?!" singhal niya kay Tito ng pigilan siya nito sa akmang paglapit sa akin.
"'Wag mo ng patulan, mahal. Don't lower yourself to her level."
I gripped harder in the knife. Too much anger rose in my nerve. Ramdam ko ang pamumula at pag-usok ng mukha't tainga ko. Maling galaw lang nila hindi na ako mangingiming tadtarin sila. Di bale ng makulong makawala lang ako sa lintik na mansyon na 'to. Punong-puno na ako sa kawalang-hiyaan nila!
Muli niya akong dinuro-duro. Nanggigigil sa akin. Todo hila naman si Tito sa kanyang bewang pero ang dilim na nakikita ko sa kanyang mukha at talim ng nanliliit niyang mga mata halos panginigan ako ng kalamnan.
"Lumayas ka sa pamamahay ko!"
I evily smirked. "Hindi mo na ako kailangan pang palayasin Tita dahil lalayas talaga ako!"
Patakbo akong umakyat sa kwarto ko. Kailangan kong magmadali at baka magbago pa ang isip nila. Nagmamadaling nag-impake ako ng mga importanteng gamit saka sinalansan sa 'di kalakihan kong maleta. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa iyon.
Halos mapatalon ako sa gulat ng pabalyang bumukas ang pinto. Iniluwa ang nakakasuyang mukha ni Kuya Lendon. Dinig ko sa labas ang dumadagundong na sigawan no'ng dalawa sa ibaba. Hindi malinaw kung ano ang pinagtatalunan nila.
"I heard you're leaving?"
Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Pagkatapos ko mag-impake tumayo ako saka hinatak ang maleta.
"Tabi!"
Angil ko sa kanya pero nginisian niya lang ako. Binalingan niya ang pinto saka ni-lock iyon.
"Will taste you first--awww!" daing niya ng malakas kong sinuntok ang kanyang mukha.
Pumutok ang kanyang mga labi at dumugo ang kanyang ilong. Galit na nag-angat siya ng tingin sa akin matapos niyang makita ang dugo sa kanyang palad.
"You b***h," hinablot niya ang braso ko. Mahigpit na hinawakan iyon, parang bakal na iniipit sa sakit. "Wala pang taong nanakit sa akin na 'di ko pinagbabayad ng mahal."
Binaklas niya ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa maleta. Walang kahirap-hirap na binuhat ako saka binalibag sa kama. Tumalbog ako doon. Napasigaw ako sa takot ng gumapang ito sa kama sabay hatak ng paa ko. Pinagtatadyakan ko siya pero hinuli niya lang ang mga iyon saka umibabaw sa akin. He fisted both my hands above my head. I can't move anymore.
Nagsisigaw ako na halos pumutok ang litid ng ugat sa lalamunan ko, calling my parents to rescue me. Kahit alam kong wala na sila still, umaasa akong ililigtas nila ako. Na may taong tutulong sa akin na pigilan ang lalaking 'to sa masamang balak sa akin.
Pinagtawanan lang ako ni Kuya Lendon.
"They're dead baby,"
Nilakasan ko lalo ang sigaw ng baklasin niya ang damit ko. Napunit iyon. Nagniningning ang kanyang mga mata ng bumalandra sa harapan niya ang suot kong bra.
"Beautiful. . ."
Bumaba ang kanyang mga labi sa leeg ko. Napahagulhol ako.
"Mommmmmmy! Daddddddddy! Help meeeeeeee!"
"I said they're f*****g dead, so shut up!" singhal niya sa akin.
I ignored him. I keep shouting.
"Dadddddy, help meeeee! Daddddddy!"
Nangigigil na hinawakan niya ang aking panga.
"I said they're f*cking dead! Pinatay sila ni Dad kaya 'di na sila babalik pa! So shut your f*****g mouth!"
"A-Ano? W-What did you say?"
"You heard me baby. Dad killed them so we can have all their wealth. Ang Daddy ko nagpakahirap sa pagpapalago ng negosyo ni Don Stephano Chavez tapos aangkinin lang lahat ng Daddy mo? Aba, 'di naman tama 'yon. Suwapang ang mga magulang mo kaya dapat lang 'yon sa kanila!"
Nagimbal ako sa mga isiniwalat niya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa namumula niyang mga mata. I hate his smell so much. Alam kong gumagamit sila ni Tito ng ipinagbabawal na gamot. Ilang beses ko silang nakita ng mga barkada niya na nagkukulong sa kwarto niya.
Marami ding iba't ibang lalaki ang pumupunta dito sa bahay sa tuwing hapon at hating gabi. Nalanghap ko rin ang nakakasulasok na kakaibang amoy ng lumabas sila ng kwarto, nagtatawanan na tila ba high na high. I even saw Tita multiple times having a hot s*x with every Kuya Lendon friends. How disgusting!
Noon ko pa gustong umalis dito ngunit bantay sarado ang gate ng mansyon at 'di na ako pinapalabas pa. 'Yung mga katulong namin pinalayas na nila. Si Kuya Bimbo na hardenero lang namin ang itinira. Dati mabait 'yon. Ito rin ang nagkwento sa akin ng tungkol sa mga magulang ko at kay Louie na anak ni Attorney Sevillo. Ngunit sa isang iglap bumaliktad na ito. Iba na ang tingin sa akin at tropa na nina Kuya Lendon. Wala na akong kakampi ni isa. Even si Louie na nangakong tutulong sa akin na makaalis dito bigla na lang naglaho.
"And. . ." he showered me kisses again in my neck. He even bite me their, damn him! ". . .so I can get through too in between your legs just like how Dad did to your gorgeous momma. I like Tita Ingrid too. Ang ganda-ganda. Ang kinis-kinis. Ang bango-bango like you, hmmmm," he bite and lick my neck again.
I cursed him but he just laughed at me.
"Kahit may anak si Tita ang sexy pa rin. Kaso dumikit na nang parang linta kay Tito Hans kaya. . . ikaw na lang ang pupuno ng pagnanasa ko sa kanya. You look exactly like her anyway. At pagkatapos ibibigay na kita kay Madam Baby. Hmmm," he pressed his crotch. Lalong akong nagsisigaw ng maramdamam ko ang kanya. "Ahhh. . . akalain mo 'yon? Subrang yaman pala ng gurang na 'yon. Ilang million ang binayad niya sa akin, baby! Tiyak magtitwinkle ang mata nina Mom and Dad kapag nakita nila ang pera. And you know what does that mean ha?"
"Hayop ka Kuya Lendon! Hayop kayong lahat! Mga demonyo kayo! Mga baboy!"
He laughed again. "Oh no, that's not the right word babe." muli niyang pinaraanan ng halik ang mukha ko pababa sa aking leeg saka huminto sa aking punong tainga. "Good shot na naman ako kay Mom, babe. Kahit paulit-ulit pa kitang angkinin ngayon hindi 'yon magtatalak."
Napahagulhol ako sa takot. "Please, Kuya Lendon. . . 'wag mo 'tong gawin sa akin. Pamangkin mo ako. . . maawa ka sa akin please, Kuya. Para mo nang awa."
He was taken aback when I plead. For the first time in my entire life, ngayon lang ako nagmakaawa sa kanya.
Nabuhayan ako ng loob ng makita kong lumambot ang kanyang mata. Umaasa ako na mangingibabaw ang katinuan sa kanyang utak. That he will see me as his niece again not someone like a prey for him to devour me. But I was wrong.
He lower his head then kissed me again at my neck, napasinghap ako ng hawakan niya ang dibdib ko at marahan iyon minasahe.
"Hindi tayo magkadugo, Lai." his voice too raspy.
Binalot lalo ako ng kilabot sa aking buong katawan. Hindi na ako nakagalaw pa sa ilalim niya ng idiin niya pa lalo ang malaking katawan sa akin. Patuloy niya akong hinahalikan.
"Kung papayag ka sa gusto ko, papakasalan kita kahit saang simbahan pa na gusto mo. Ikaw ang magiging reyna ko dito sa mansyon. Kahit palayasin mo pa sina Mom and Dad wala akong pakialam, ikaw ang susundin ko basta manatili ka lang dito sa tabi ko. . . sa kama ko. And warm my bed whenever I want."
Hilam sa luhang napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang kalansing ng mga susi doon. Pero ang hayop na nasa ibabaw ko patuloy pa rin sa ginagawa.
"What the f*ck you're doing Laica?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ni Tita pagkakita sa amin.
Ako pa talaga ang tinanong kung ano ang ginagawa ko imbes na ang anak nilang nasa ibabaw ko?!
Raged of anger engulfed my whole being while staring back at her. I mentally murdered them all one by one.
Nasa tabi niya si Tito. Parang demonyo na nakangisi.
"Istorbo kayo, pwede ba lumabas na kayo?!"
"Lendon!" asik ni Tita. "Siraulo ka ba, papatol ka sa basurang 'yan?!"
"'Wag niyo akong pakialaman--"
Dalawang armadong kalalakihan ang biglang pumasok sa loob. Napasiksik sa gilid si Tita kasama si Tito ng hawiin ng mga ito.
"Anong ibig-sabihin nito?" lumingon si Tita sa labas. "Sino ang mga 'to Bimbo? Bakit hinayaan mong makapasok dito?"
"E, S-Senyora kakilala po sila ni Señorito Lendon at Señor kaya--"
"Letse, ba't ang aga niyo?" nagdadabog na umalis ito sa ibabaw ko.
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil hindi ito nagtagumpay sa masamang balak sa akin or tuluyan na lang akong 'wag huminga dahil sa itsura pa lang ng armadong lalaking nakatingin sa akin na tila ba naglalaway na askal pakiramdam ko parang mas mapupunta lalo yata ako sa pinakapusod ng impyerno.
"May show mamayang gabi Bosing kaya pinasundo kaagad ni Madam. Kailangan niya ng bagong mukhang isasalang."
"Nasa sayo naman na 'yon pera diba?" sigunda no'ng isa.
"Teka," awat ni Tita. "Anong p-pera ang sinasabi ng mga 'to?"
"Will show you later," nakangising binalingan ako ni Kuya Lendon. "Matitikman din kita soon." tinanguan niya ang dalawa. "Dalhin niyo na 'yan." saka lumabas ng kwarto ko kasama ang mga magulang niya na tuwang-tuwa.
"Nag-impake ka pa talaga ng mga damit, ganda." nakatawang sabi nila bago ako sapilitang kinaladkad palabas ng mansyon.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023