CHAPTER 27 SHIEN POV Habang nakahiga ako sa malambot na kama, nakadantay ang isang braso ni Callum sa bewang ko. Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang balat kahit magdamag na ang lumipas. Nagmulat ako ng mata at dahan-dahang bumaling sa kanya. Ang gwapo niya kahit natutulog—parang anghel, pero alam kong kabaligtaran ang ugali niya minsan. Napangiti ako sa naiisip ko. “Hmm…” Napasinghap ako nang biglang gumalaw si Callum, idinikit pa lalo ang katawan niya sa akin. “Gising ka na?” Mahina at paos ang kanyang boses habang hinahaplos ang buhok ko. “Mm-hmm,” sagot ko, sabay pikit ulit, kunwari’y inaantok pa. Napatawa siya. “Tara na, mahal. Umuwi na tayo.” Napaangat ako ng tingin sa kanya. “Seryoso? Ayaw mo na ng isa pang araw dito?” Umiling siya. “Mas gusto kong umuwi na kasama ka.” Napa

