CHAPTER 26 THIRD PERSON POV Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan sa Tagaytay, naramdaman ni Shien ang init ng yakap ni Callum. Wala nang mga salita, wala nang alinlangan—tanging ang t***k ng kanilang mga puso ang bumabalot sa tahimik na gabi. "Shien..." bulong ni Callum habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. "Sigurado ka ba?" Hindi na sumagot si Shien, bagkus ay inilapit niya ang kanyang mukha sa binata. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan, hindi dahil sa lamig ng gabing iyon kundi dahil sa matinding damdamin na bumabalot sa kanila. Nang magtagpo ang kanilang mga labi, nagsimula ang isang masuyong halik—banayad, puno ng damdamin, ngunit unti-unting lumalim. Niyakap siya ni Callum nang mahigpit, waring pinaparamdam sa kanya na walang dahilan para matakot. Narini

