CHAPTER 12 THIRD PERSON POV SHIEN, ANO NA? Dalawang araw na ang lumipas mula noong nangyari ang halikan nila ni Callum sa corridor. Dalawang araw na rin siyang hindi mapakali. Nakatulala siya ngayon sa station habang kunwa’y nagre-review ng chart ng isang pasyente. Pero ang totoo? Tangina, hindi siya makapag-focus. Mula noong gabing ‘yon, hindi na niya alam kung paano siya gagalaw sa paligid ni Callum. Hindi naman niya maikakaila—may nararamdaman siya para sa lalaking ‘yon. Matagal na. Pero hindi niya matanggap. Kasi, tangina, paano ba siya napunta sa ganito?! Dati, sanay siyang makipagbangayan lang kay Callum. Dati, wala lang sa kanya ‘yung tingin nito na parang gusto siyang patayin sa inis. Pero ngayon? Puta, kapag tinitingnan siya ni Callum, parang sinusunog siya sa titig. At

