CHAPTER 11 CALLUM’S POV Tahimik ang buong ospital maliban sa mahihinang tunog ng makina at mga paang nagmamadali sa ER. Pero sa loob ng opisina ni Callum, ibang klaseng tension ang namamagitan. Nakatayo si Callum sa harapan ni Shien, habang ang babae naman ay nakaupo sa couch, nakapamewang, at nakataas ang isang kilay. "Anong problema mo, Wilkins?" tanong ni Shien, halatang may pag-aalinlangan sa mukha. "Bakit mo ako hinila rito sa opisina mo nang ganito kalate?" Huminga nang malalim si Callum, pilit pinapakalma ang sarili. Pero putangina, paano mo ba dapat simulan ang ganitong usapan? Alam niyang hindi siya expressive. Alam niyang hindi siya kasing daldal ni Shien. Pero tangina, dalawang linggo na siyang tinotorture ng nararamdaman niya. At ngayon, tapos na. Kailangan niyang sabi

