CHAPTER 16 CALLUM’S POV Damn, ang cute niyang mag-blush. Nasa harapan ko si Cuecas, naka-cross arms, pilit na hindi nagpapahalata, pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Kahit anong pagtatakip ang gawin niya, hindi niya matatakasan ang mga mata ko. "Subrang pula ng mukha mo, Cuecas," tukso ko, bahagyang yumuko para mas makita nang maayos ang expression niya. Napairap siya. "Gago ka, Callum. Hindi ako namumula." "Talaga?" Tinaas ko ang kilay ko, pinapanood ang mas lalong pag-init ng pisngi niya. "Baka naman init lang ‘yan ng hangin." "Oo nga," mabilis niyang sagot. "Malamig lang dito, kaya ganun." Napangiti ako. Tangina, halata namang nahiya siya. "Ano ba kasing problema mo?" reklamo niya, nagtatangka nang lumayo. Pero bago pa siya makalakad, hinawakan ko ang braso niya, sapat p

