CHAPTER 15 SHIEN’S POV Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mundo, pero isang bagay ang sigurado ako—hindi na normal ang Callum Wilkins na kilala ko. Sanay ako sa malamig niyang mga titig, sa mga matalim niyang sagot, at sa walang preno niyang pang-aasar. Pero ngayon? Nagbago ang lahat. Simula nung halikan niya ako sa corridor, akala ko tapos na ‘yon—na parang isang lapse in judgment lang ‘yon dahil lasing pa rin siguro ang utak niya mula sa inuman namin noon. Pero hindi. Dahil mula noon, parang mission na niya na ligawan ako. At hindi na siya nagpapaka-secretive. Hindi tulad ng dati na may pa-bulaklak pa siyang tinatago, ngayon binabandera na niya ako sa buong ospital. At ang mga kupal naming kasamahan? Walang ginawa kundi kiligin. "PUTANGINA, SI DR. CALLUM MAY CRUSH KAY CUECA

