CHAPTER 14 CALLUM'S POV Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Dati, gusto ko lang siyang asarin. Gusto ko lang siyang inisin hanggang sa hindi na niya ako kayang tiisin. Pero putangina, ngayon ako na ‘yung hindi mapakali kapag hindi ko siya nakikita sa paligid. Shit. Ako na ba ‘to? Kung noon, kahit saan ako lumingon ay nandiyan si Shien para kontrahin lahat ng sinasabi ko, ngayon, parang naglaho siya sa eksena. Sa station? Hindi ko na siya inabutang nagkakape doon. Sa rounds? Palaging assigned siya sa ibang ward, kahit dati naman magkasama kami. Sa canteen? Biglang dine-decline lahat ng yaya ko para kumain. Putangina. Shien Cuecas, ano na namang trip ‘to? Isang gabi, pagkatapos ng shift namin, hindi na ako nagdalawang-isip. Pagod na akong maghintay kung ka

