CHAPTER 8 THIRD PERSON POV Tahimik. Para sa dalawang taong laging nagbabangayan, ang katahimikan sa pagitan nina Callum at Shien habang nasa loob ng sasakyan ay isang bagay na hindi normal. Hindi na sila bumalik sa VIP table matapos ang nangyari sa madilim na hallway ng bar. Hindi na rin nila inubos ang alak. Imbes, tahimik lang silang naglakad palabas, sinamahan ng malamig na simoy ng hangin ang tensyon sa pagitan nila. Si Callum ang nagmaneho pauwi, habang si Shien naman ay nakasandal lang sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana. Wala siyang imik. Wala rin siyang pang-aasar. At putangina, hindi sanay si Callum dito. Lumingon siya saglit kay Shien. “Tahimik mo.” Hindi ito lumingon, bagkus ay nagpatuloy lang sa pagtingin sa labas. “Ewan ko.” “Ewan mo?” Tinaasan niya ito

