CHAPTER 7
CALLUM'S POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag akong sumama kay Shien Cuecas sa isang inuman. Ang usapan, one bottle lang. Pero putangina, tatlong bote na ng pinakamahal na whiskey ang naubos namin.
At mas nakakainis? Hindi ko siya tinalo sa inom.
Nasa VIP table kami ng isa sa pinakamahal na bars sa lungsod. Mamahaling chandelier, ambient lighting, at jazz music sa background—isang lugar na dapat ay para sa mga elite at negosyante. Pero heto kami, dalawang laspag na medical professionals, nilulunod ang stress sa mamahaling alak.
Napatingin ako kay Shien, na kasalukuyang nakangisi habang kinakausap ang dalawang babaeng tila hindi makapagdesisyong kung matutuwa o matatakot sa kanya.
"Grabe ka, Miss Nurse," tawa ng isang babae, mahaba ang buhok at naka-red dress. "Ikaw na yata ang pinaka-wild na babaeng nurse na nakilala ko."
"Well, kung alam mo lang," sagot ni Shien, kumindat pa.
Tangina, ini-enjoy niya ‘to.
Pinaikot ko ang baso ng whiskey sa kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong naiinis. Dapat wala akong paki kung sino ang kausap niya. Pero habang pinapanood ko siyang tablehin ang mga babae, parang gusto kong ibato ang baso ko sa pader.
"Dr. Wilkins," malanding tawag sa akin ng isa pang babae sa tabi ko. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"
Napatingin ako sa kanya—maganda siya, sure, pero wala akong gana makipaglaro. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa isang tukmol na nurse na hindi marunong tumigil sa pang-aasar.
"Wala," sagot ko, diretso kong ininom ang whiskey sa baso ko. "Just tired."
"Really?" She leaned in, her fingers brushing my arm. "You don't look tired."
Hindi ko pinansin.
Mas lumalakas ang tawa ni Shien sa kabilang side ng table. Lalo akong napailing. Ano bang ginagawa niya? Nasa isang private bar kami, umiinom ng whiskey na mas mahal pa sa sweldo ng ibang nurse sa isang buwan, pero para siyang nasa isang murang inuman sa kanto.
Napasandal ako sa upuan, tinititigan siya.
Tarantado talaga ‘tong babae ‘to. Bakit parang walang bigat sa kanya ang lahat?
"Hoy, Doc!" biglang tawag niya, lumingon sa akin na may ngisi. "Ba't ang tahimik mo d’yan? Dapat nag-eenjoy ka!"
"Ako? Tahimik?" tinaasan ko siya ng kilay. "Baka nakakalimutan mong pinilit mo lang ako dito."
"Eh bakit ka pumayag?" bumaba ang tono ng boses niya, parang may halong pang-aakit. "Gusto mo rin kasi ‘di ba?"
Putangina.
Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa titig niya, pero parang biglang lumakas ang t***k ng puso ko.
Shit. Hindi ko ‘to gusto.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumayo si Shien. "Sasayaw muna ako."
"Sasayaw?" kunot-noo kong tanong. "Cuecas, ‘wag kang gumawa ng eksena."
"Relax, Doc," ngumisi siya. "Hindi ako katulad mo na masyadong seryoso."
At bago ko pa siya mapigilan, sumiksik na siya sa gitna ng dance floor, sumasabay sa musika.
Damn it.
Napapikit ako ng mariin at nilagok ang whiskey. Bakit nga ba ako pumayag dito?
FEW MINUTES LATER...
Hindi ko na kaya.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig kay Shien mula sa VIP table, pero putangina, ayoko na siyang panoorin.
Nakahawak siya sa balikat ng isang lalaki, sumasayaw na parang wala nang bukas. Ang katawan niya ay gumagalaw sa ritmo ng musika, ang ngiti niya ay malaya, at ang buhok niya ay sumasabay sa bawat galaw.
At mas lalong nakakainis? Ang daming lumalapit sa kanya.
"f**k this," bulong ko, agad na tumayo.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero bago ko pa napigilan ang sarili ko, hinila ko na siya palayo.
"Ay, anong—"
"Shut up, Cuecas," mariin kong sabi. "Tama na ‘yan."
Napaatras siya nang makita niya ang ekspresyon ko. Naningkit ang mga mata niya. "Teka lang, anong problema mo?"
"Ikaw," sagot ko. "Ikaw ang problema ko."
"Ha?!"
Wala akong pake kung maraming tao sa paligid. Wala akong pake kung nakatingin na ang ibang customers sa amin. Basta ang alam ko lang, hindi ko na kayang panoorin siyang sumasayaw kung sino-sino.
"Dito tayo," hila ko sa kanya palabas ng dance floor.
"Hoy, Wilkins—"
"Dito," matigas kong utos habang binuksan ang isang private balcony ng bar. Malamig ang hangin, tahimik, at walang ibang tao.
Sumandal ako sa railing, kinuha ang huling lagok ng whiskey mula sa baso ko, bago siya hinarap.
"Okay," seryoso kong sabi. "Explain."
"Explain what?" taas-kilay niyang tanong.
"Kung bakit ang hilig mong magpaka-wild."
"Wild?" Tumawa siya, umiling. "Hindi ako wild, Doc. Nag-eenjoy lang ako. Hindi tulad mo na parang laging may nakasaksak na thermometer sa pwet."
Napatingin ako sa kanya, sumingkit ang mga mata ko. "Cuecas, kung gusto mong magpakalasing at gawin ‘to, fine. Pero ‘wag mong gagawin ‘to habang kasama ako."
"Why?" may hamon sa boses niya. "Naiinis ka?"
"Yes," sagot ko agad.
Nagulat siya. Parang hindi niya inasahan na aaminin ko.
Ngumisi siya, pero hindi na ito pang-asar. May halong curiosity. "Hmmm. Naiinis ka pala."
Tumingin ako sa kanya nang diretso. "Yes, Cuecas. Naiinis ako."
Naging tahimik siya saglit. "Pero bakit?"
Muli kong nilagok ang whiskey, pero wala na itong laman. Napahinga ako nang malalim bago nagsalita.
"Dahil hindi ako sanay na nakikita kang masaya na may kasamang iba."
Nanahimik siya. Hindi na siya nakangiti.
Fuck. Nasabi ko na.
Tumingin siya sa akin, unti-unting lumapit. "Wilkins…"
Hindi ko siya tinitigan. Dahil kung gagawin ko ‘yun, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Pero bago pa ako makagalaw, naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. "Ano ba ‘to?" bulong niya.
Hindi ko alam.
Pero isa lang ang sigurado ko.
Hindi ko na ‘to matatakasan.
Hindi na lang inuman ang laban namin ngayon.
Dahil sa gabing ito, sa gitna ng whiskey at musika—
Nagsimula na ang isang bagay na hindi na namin kayang balewalain.
Damn it.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung alak ba o galit ang nagpapagalaw sa akin. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ko na kaya.
Hinila ko si Shien palabas ng balcony, dumaan kami sa isang makitid na hallway ng bar, patungo sa isang madilim na sulok kung saan walang makakakita sa amin.
"Hoy, Callum—"
Hindi ko siya pinagsalita. Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya at isinandal siya sa pader.
Nanlaki ang mga mata niya. "Anong—"
"Lagyan mo ng limit ‘yung pagiging pasaway mo, Cuecas," madiin kong sabi, ramdam ko ang bigat ng hininga ko habang nakatitig sa kanya. "Hindi lahat ng bagay laruan."
Hindi siya natinag. "Bakit? Naiinis ka? O nagseselos ka?"
Napasinghap ako, pero hindi ko tinanggi. Hindi ko na kaya ang asaran namin. Hindi ko na kaya ang pakiramdam na parang wala lang sa kanya ang lahat.
Napalunok ako.
Tangina, bakit ang ganda niya kahit tomboy siya?
Lalaban pa sana siya, pero bago pa siya makapagsalita—hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Hinalikan ko siya.
Mainit. Matindi. Walang pasabi.
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa gulat, pero hindi ako umatras. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ito laro. Hindi ito biro.
At putangina—masyado siyang matamis para isang pagkakamali lang.
Saglit siyang hindi gumalaw. Akala ko itutulak niya ako. Akala ko tatadyakan niya ako sa dibdib. Pero hindi.
Dahan-dahan, naramdaman ko ang kamay niyang lumuwag, at sa isang iglap—tinugon niya ang halik ko.
Tangina.
Para akong nawalan ng ulirat. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming ganito. Ang alam ko lang, naglalaro ang mga daliri ko sa pulso niya habang lalong lumalalim ang halik namin.
Masyado akong nawili. Mas pinipiga ko ang baywang niya, idinidiin siya sa akin. At lalo lang niya akong ginagatungan dahil ginagantihan niya ang bawat galaw ko—tila ba nakikipaglaban siya sa sarili niyang emosyon.
Hanggang sa bigla niyang tinulak ang dibdib ko, humihingal.
"Callum—"
Napatitig ako sa kanya. Gulo-gulo ang buhok niya, mapupula ang labi niya. Hindi siya mukhang galit. Hindi siya mukhang natatakot.
Mukha siyang naguluhan.
"Holy s**t," bulong niya.
Napahawak siya sa bibig niya, tila hindi makapaniwala sa nangyari.
Humakbang ako palapit ulit. "Shien—"
"Wait," tinulak niya ako ulit, mas mahina ngayon. "T-teka lang… anong ginawa natin?"
"Hinalikan kita," diretsong sagot ko, hindi ko kayang magpanggap na walang nangyari. "At ‘wag mong sabihing hindi mo gusto."
Tumahimik siya. Hindi siya makatingin sa akin.
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Cuecas—"
"Callum," aniya, bumuntong-hininga. "This is a bad idea."
Tumawa ako nang mapait. "So, ano ‘to? Wala lang?"
Hindi siya sumagot agad. Pero kita ko sa mga mata niyang may bumabagabag sa kanya.
"You’re my boss," bulong niya.
"So what?"
"Tomboy ako," dagdag niya.
Napangisi ako. "Mukha ba akong nagrereklamo?"
Napaatras siya, parang hindi alam ang gagawin. "Gago ka talaga, Wilkins. Ang hirap mong kausap."
Pero hindi siya tumakbo.
At doon ko nalamang hindi lang ako ang may tinatago.
Dahan-dahan akong lumapit ulit. "Hindi ako magpapanggap na hindi ko ‘to gusto, Shien. At hindi ko rin hahayaan na magpanggap kang wala kang naramdaman."
Humigpit ang hawak niya sa damit niya. "Callum… hindi ko alam kung anong gagawin ko rito."
"Then don’t think about it," bulong ko, hinawakan ang baba niya para mapatingin siya sa akin. "Just admit it, Cuecas. You like this. You like me."
Hindi siya umimik. Pero hindi na rin niya itinanggi.
AFTER THE KISS…
Tahimik kaming dalawa nang bumalik sa VIP table. Si Shien, halatang nag-iisip. Ako naman, nilagok ko na lang ang natitirang whiskey sa baso ko.
Lumingon siya sa akin. "So… ano ‘to?"
Tumingin ako sa kanya, kita sa mukha ko ang kaba kahit hindi ko ito ipakita. "Ikaw ang bahala, Cuecas."
Tumawa siya, pero halatang pilit. "Gago ka. Nilipat mo pa sa akin ‘yung bigat ng desisyon."
Nagkibit-balikat ako. "Ikaw naman ang mahilig sa control, ‘di ba?"
Napabuntong-hininga siya. "Callum… kung papasok tayo sa ganitong sitwasyon, siguradong magulo ‘to."
"Alam ko."
"Tapos, mag-aaway lang tayo."
"Alam ko rin."
"At baka masira tayo."
Tumahimik ako. Pero ilang segundo lang, sinagot ko siya.
"Hindi ako matatakot, Cuecas."
Tumingin siya sa akin, seryoso. "Sigurado ka?"
Ngumiti ako, walang bahid ng biro. "Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sitwasyon, eh."
Natigilan siya. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong hindi niya alam ang isasagot.
At alam kong ako ang panalo sa gabing ito. Pero putangina, alam ko ring hindi pa ito tapos.