4.1.
Paano na ako?
NAKATULALA si Mira habang nasa opisina ni Emman.Hindi siya makapaniwala sa mga biglaang mga pangyayari sa buhay niya, parang kahapon lang okay pa sila ni Lorraine tapos ngayon mag-isa na lang siya, solo flight sa iniwan nitong gulo, na siya ang sumasalo.Kung dismayadong-dismayado si Mira, walang pagsidlan ang galit at inis ni Emman, napatunayan na nga nilang si Lorraine ang kumulam kanya kung ano man sa palagay nila ngunit natakasan naman sila nito.
" Ngayong napatunayan na natin na kagagawan ng mangkukulam mong kaibigan ang nangyari sa'kin, tumakas naman siya ngayon tulad ng pag-iwan niya sa'kin sa hotel room, kaya pwede ba huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo, tinawagan mo siya para makatakas, di ba???...." walang magawa si Emman kundi ang sisihin si Mira.
Napa-iling si Mira, dahil hindi siya makapaniwala sa paratang ni Emman sa kanya talagang siya ang sinisisi ni Emman sa mga nangyayari dahil kung tutuusin nga biktima lang naman din siya kahit pa kaibigan niya si Lorraine.Ninakawan siya, at mas masakit pa dahil kaibigan niya ito.
" Hindi ko siya pinagtatakpan...okay.Alam mo ba biktima rin ako dito.Ninakawan kaya niya ako, na kaibigan niya mismo, pinagkatiwalaan ko siya.Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapan ipunin ang perang 'yun?...kung gusto mo siyang makita mas gusto ko rin siyang makita...alam mo ba ang pakiramdam ng may nagtraydor sa'yo 'yun ang nararamdaman ko ngayon, kaya pwede ba huwag mong isiping ikaw lang ang biktima dito, ako rin......at kaibigan ko pa ang may kagagawan....," parang bulkan na sumabog si Mira.
Natahimik sina Emman at Alfred sa mga sinabi ni Mira.Nang naramdama ni Mira na masyadon siyang nasobrahan sa reaksyon.Kumabig ito.
" Isa pa, kung kasabwat ako, wala sana ako rito.Una pa lang hindi na ako pumunta rito," dagdag nito na sa pagkakataon iyon at kalmado na.
Sa pagkakataong iyon naintindihan ni Emman ang mga sinasabi ni Mira.Isang taong pinagkatiwalaan ng husto tapos bigla ka lang iiwan sa ere.Relate much....
Nakita ni Alfred na walang patutunguhan ang pag-uusap sa pagitan nina Emman at Mira kaya kailangan niyang magsalita.
"Sir Emman, Miss Santiago,sa tingin ko hindi natin makikita ang kaibigan mo kung mag-aaway kayong dalawa...sa sitwasyon na 'to pareho kayong biktima kaya mas mabuti kung magtutulungan kayo," suhestiyon ni Alfred sa dalawa.
Parehong napatingin sa isa't-isa si Emman at Mira.Pero si Emman ang unang bumawi ng tingin....., ' Ang sungit...daig pa ang babae,' bulong ni Mira.
" Okay lang ako....kaya ko ang sarili ko," katwiran ni Mira.
" Syempre....kaibigan mo 'yun....kaya kahit na mali ang ginawa niya pagtatakpan mo pa rin," sarkatikong ni Emman kay Mira.
" Hindi ako ganung klaseng tao," depensa ni Mira.
" Talaga?....e bakit ayaw mong sabihin kung nasaan ang kabigan mo?," inis na tanong ni Emman.
" E, hindi ko nga alam kung nasaan siya....ba't ba ang kulit mo....," nanggigigil na sagot ni Mira.
Hopeless na pinanood ni Alfred ang dalawa na parang aso't-pusa kung magbangayan.
" Time out!!!!....," sigaw ni Alfred na nagpagitna sa dalawa.Parehong nagulat sina Emman at Mira na natahimik.
" Hindi tayo magkakaintindihan kung magbabangayan kayong dalawa....para kayong mga bata.Ang kailangang gawin ay ang magtulungan," katwiran ni Alfred.
Wala ng nagtangkang magsalita sa dalawa.
" Okay.Miss Santiago, di ba kaibigan mo naman si Lorraine?...sigurado akong alam mo kung saan siyang pwedeng magpunta...ang bahay nila....tirahan ng mga magulang niya o kahit kamag-anak na pwedeng mapagtanungan natin....pwede rin sa probinsyan nila???.....," umaasa si Alfred na may maiisagot si Mira sa kanya.
Umiling si Mira, walang pag-asang sagot nito.
" Hindi ko po alam.Ang totoo kahit na kaibigan ko si Lorraine hindi ko kilala ang pamilya niya ng personal o kung saan sila nakatira, ang alam ko lang siya lang mag-isa dito at nasa probinsya ang pamilya niya," paliwanag nito.
" Anong klaseng kaibigan ka?.Halos wala kang alam tungkol sa kaibigan mo, kaya ka pala naloloko," pamimintas ni Emman sa sagot ni Mira.
Pakiramdam ni Mira hitting below the belt na si Emman sa mga sinabi nito sa kanya.
" Hay...naku....punong-puno na ako sa isang 'to....," buong pagtitimping bulong Mira pero narinig siya ni Alfred.
"Sinabi mo sa probinsya nakatira ang pamilya niya.Saang probinsya?," tanong ni Alfred.
Nag-paisip si Mira.Alam niyang nabanggit na noon ni Lorraine sa kanya kung saan pero hindi niya maalala.
" Sorry po talaga Sir Alfred hindi ko maalala, basta sa Visayas 'yun," sagot nito.
" Visayas?...iyon lang ang alam mo?.Ilang isla meron ang Visayas?..saan natin siya hahanapin.anong klaseng magkaibigan kayo?," siya ni Emman rito.
Nairita at nagpantig na ang tainga ni Mira sa sinabi ni Emman.
Natin'???....ibig sabihin kasali siya....bagay na hindi malinaw kay Mira sa umpisa.Una pinagbintangan siya ni Emman, ninakawan siya ng pinagkakatiwalaang kaibigan at ngayon isasali pa siya ni Emman sa 'Finding Lorraine' na misyon nito.
Tumayo si Mira.Lumapit sa table ni Emman at magkasabay na binagsak ang mga kamay dito...malinaw ang gustong ipahayag nito...nabigla naman si Emman sa lakas loob ni Mira na gawin ito sa harapan niya at sindakin.
"Natin???....wow...damay na pala ako sa problema na 'to?....hindi ako na-inform...pero pasensya na....Mr. Olivarez!!!...maghanap ka mag-isa mo...kanya-kanya tayo ng diskarte," malinaw na malinaw ang pagkakasabi ni Mira bago tuluyan itong tumalikod at deretsong umalis.Wala siyang balak tumulong sa problema ni Emman.Mag-isa ito sa balak niya.
Parehong nabigla ang reaksyon ni Emman at Alfred na walang nagtangkang pumigil kay Mira.Ngayon lang may babaeng naglakas ng loob na tarayan at sindakin si Emman ng ganun.
Pag-kaalis ni Mira napabahing si Emman kaya naging hamster na naman siya ulit.
Gamit ang ilang impormasyong mula kay Mira at ang larawan nila ni Lorraine sinubukang maghanap ni Alfred sa internet tungkol kay Lorraine pero wala itong makita na kahit anong impormasyon tungkol dito, ni wala nga itong social media account sa tingin ni Alfred.
" Sir Emman huwag niyo sanang masamain ang sasabihin ko pero sa tingin ko kailangan natin ang tulong ni Miss Santiago para mahanap ang Lorraine na 'yun," suhestyon ni Alfred.
Napa-isip si Emman habang hawak-hawak ang picture ng dalawa pero nakatuon ang pansin ni Emman sa larawan ni Mira,ang babae'ng naglakas ng loob na sindakin siya.
May punto naman si Alfred sa sinabi nito.Hindi nila kilala si Lorraine at ang taong tanging nakakakilala dito ay si Mira, magiging posible at madali ang paghahanap nila kung makikipagtulungan ito sa kanila.
" Sa tingin mo papaano natin makukumbinsi ang babaeng 'yun?," tanong ni Emman na walang choice kundi ang sumang-ayon kay Alfred.
" May naisip na ako...kung papayag ka...," sagot ni Alfred na may solusyon na kaagad.
Pagka-uwi ni Mira ng boarding kaagad itong nagtanong-tanong tungkol sa pag-alis ni Lorraine ngunit maging ang mga ka-boardmate ay nabigla rin sa pag-alis ni Lorraine.
Pabagsak ma huminga si Mira sa kama nito.Maraming nangyari sa kanya sa araw na iyon.Lahat hindi inaasahan,lahat biglaa, at ngayon lang niya nararamdaman ang pagod at gutom na rin.Kumukulo na ang tiyan niya at naririnig niya ito,tila may nagrarbulan sa loob.
" Hay, ngayon ko lang naalala hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian at hapunan," sambit nito.
Tumayo si Mira papalabas sana siya ng kwarto ng mapahinto ito dahil sa bakanteng higaan ni Lorraine.Naalala niya ang huling pag-uusap nila ng magkaibigan, nakaramdam ng lungkot ito.
Muli kumulo ang tiyan." Mamatay na 'ata 'tong bulate ko," sambit ni Mira na umalis na para kumain.
Naglakad si Mira sa malapit na 7 Eleven sa lugar nila.Doon na lang niya naisipang kumain para maka-uwi siya kaagad.Pagod na rin siya para maghanap pa ng makakainan, isa pa panalo rin naman ang mga ready to eat sa convenient store, at isa pa pwede din itong ipa-init.
Habang nasa loob ng convenient store kumain ng binili itong combo meal Ang hindi alam ni Mira ay kanina pa siyang pinagmamasdan ni Emman mula sa nakabukas na bintana ng kotse niya mula sa backseat.
Dahil simula ng umuwi si Mira ay sinundan na nila ito.Minanmanan nila ito kung kasaling kasabwat nga nito ang kaibigan ngunit hanggang sa mga na iyon tanging mag-isa lang si Mira.
"Sa tingin niyo Sir, talagang kasabwat niya ang kaibigan?," tanong ni Alfred habang nasa driver's seat.
"Mahirap ng magtiwala ng tuluyan," tanging sagot ni Emman.
Papaalis na si Mira ng convenient store at maingat nila itong sinundan.
Habang naglalakad may kakaibang pakiramdam si Mira, pakiramdam niya parang may kung sino'ng nakasunod sa kanya.Nahinto siya ay napatingin sa paligid,wala namang tao kaya binalewala na lang nito.
Nakapasok na si Mira sa gate ng boarding house ng muli siyang napatingin sa paligid at isang kotse na di kalayuan na naka-park ang naka-agaw ng pansin niya.Parang pamilyar ang kotse ngunit hindi niya maalala.
" Parang pamilyar ang kotse'ng 'yun....," sambit ni Mira na iniisip kung saan mga na niya nakita iyon.
" Hay....di ko maalala...asar, masyadong maraming nangyari ngayong araw, kung anu-ano na lang ang na-iisip ko," anito.
Hindi na nag-isip pa ng kung ano dumeretso na ito ng pagpasok sa gate.
" Maghihintay pa ho tayo,Sir?," tanong ni Alfred habang tiningnan sa rear view mirror si Emman.
" Let's go," sagot nito.
Umalis na si Emman at Alfred na walang nakuhang ebidensya na magkasabwat ang kaibigan.
Katok sa pinto ni Mira ang gumising sa kanya.Hindi nakatulog ito ng maayus dahil sa mga biglaang nangyari kahapon.Ilang libong beses na rin siyang nagtungkol sa mga pangyayari ngunit wala siyang napiga sa utak niya, clueless talaga ito sa mga nangyari at ang tanging napala niya kagabi kay icebag,at kulang na tulog.
" Hhhhmmmm....," tinatamad na ingit ni Mira na ayaw pa sanang bumangon sa kama ngunit kaninang-kanina pa ang kumakatok sa pinto niya.
"Sandali lang....," sagot nito sa kumakatok ngunit nakapikit pa rin.
Pilit na iniwan ni Mira ang kama para buksan ang pinto.
" Ano ba 'yun?,"bungad nito ng buksan ang pinto habang nagpupunas pa ng mga mata.
" Uy, Mira may naghahanap sa'yo," sagot ni Nina, na siyang kumakatok sa pintuan.
Napakunot ng noo si Mira."Sino naman maghahanap sa'kin?," sambit ni Mira.
" Iyong, taong sinakyan mo noong isang araw," sagot ni Nina.
Nawala ang antok ni Mira sa katawan sa sagot ni Nina.Kilala na niya kung sino ito, si Alfred.
"Okay, salamat," ani Mira na lumabas para harapin si Alfred.
Nasa labas ng gate si Alfred na naghihintay kay Mira.
" Good morning Miss Santiago," magalang na bati ni Alfred rito.
Nakapantulog pa si Mira na humarap rito.
" Good morning din ho, pero mawalang galang Sir Alfred kung tungkol naman ito Kay Lorraine Wala talaga akong maitutulong," deretsong sagot ni Mira.
" Pasensya na sa abala Miss Santiago, pero ibang bagay ang nais na pag-usapan ni Sir Emman," sagot ni Alfred.
Nakataas na kilay si Mira."Ibang bagay ho?...ano naman po 'yun?," tanong ni Mira.
" Sa opisina na lang natin pag-usapan," ani Alfred.
*********
"MAGING personal assistant mo'ko...in short alalay???...salamat sa offer, huwag na lang, uy....makakahanap ako din ako ng trabaho," bulalas ni Mira ng sabihin sa kanya ang offer ni Emman.
Si Alfred ang naka-isip ng ideyang bigyan ng trabaho si Mira pero kailangan nitong tumulong sa paghahanap kay Lorraine.Dahil wala itong trabaho at ninakawan pa ng kaibigan naisip ni Alfred na papayag si Mira sa alok nila.
Napahinto si Emman sa galaw ng swivel chair niya.
Napabunting hininga ito ngunit, mahina at mahinahon na tanging siya lang ang nakarinig.
" Miss Santiago, as far as I know, wala kang trabaho, kakatanggal mo lang sa trabaho, so my offer to you is practical," paliwanag nito na parang nakikipag-business deal kay Mira.
Tumaas ang kilay ni Mira.Tumayo ito mula sa kina-uupuan na couch.Hindi ma-pride si Mira o mapili ng trabaho pero iba ang sitwasyon ngayon.
" Salamat na lang Mr.Olivarez pero maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa naman maging boss kita, if I know pahihirapan mo lang ako," deretsong sagot ni Mira.
Muli, pigil ang pagbuntong-hininga ni Emman, at pilit na pinapakalma ang sarili.Ngayon lang siya mahirapan sa babe ng ganito.
" Sir," sambit ni Alfred ng makita si Emman na hinahabaan pa ang pasensya.
Napatingin si Emman kay Alfred at batid nito ang pagkuha ng atensyon niya.Tipid niya itong nginitian para ipahiwatig na ayus lang siya, at nagtitimpi siya tulad ng napag-usapan nila para kumbinsihin si Mira.
Inayus ni Emman ang suit na parang.Tumayo ito at nilapitan si Mira.Napa-atras naman si Mira ng bahagya.
'Kailangan mo siyang kumbinsihin, Emman...patient sa babaeng 'yan,' bulong nito sa isipan.
"Okay, Miss Santiago hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, anong deal ang gusto mo para pumayag kang tulungan kaming hanapin ang kaibigan mo," deretsong tanong ni Emman, straight to the point.
" Ex-friend...sa ginawa niya sa'kin, hindi ko na siya kaibigan," correction ni Mira.
"Okay, I understand so just tell me what do you want to help me, to find her?....," tanong muli ni Emman.
" Anything...make the deal if you want... ," dugtong nito.
Nag-isip si Mira.Kailangan niyang pag-isipan ng mabuti ang offer.Naki-usap ng maayus si Emman kaya kailangan niya itong i-consider.Kung hindi siya nito unang sinungitan baka siya pa ang nag-offer ng tulong dito.Pero nangyari na ang nangyari at kailangan niyang magdesisyon.
Gerona J.R...
Author's note:
Deal or no deal?...ano na Mira?...ano kaya ang magiging pasya nito?...will it be a deal or no deal?....basahin...
Bago ang lahat salamat ng marami sa mga nagbasa.Sana paki-vote and pa-comment na rin.....????