4.2: Finding Lorraine

2124 Words
4.2 Elevator SIKSIKAN sa bus na sinasakyan ni Mira pero hindi lang 'yun ang dahilan ng pagtagaktak ng pawis nito.Kahit maagang umalis sa boarding house siya ay inabutan pa rin ito ng traffic papuntang sa opisina dahil sa layo ng tinitirahan niya sa lugar nito. Halos makipag-marathon na si Mira maabutan lang nito ang elevator, papasara na sana. "Please....huwag ka munang magsasara....,".Pagpasok ni Mira sa elevator para siyang naka-place sa isang racing contest. " Your late,it's your first day," sambit ng bagong boss ni Mira na nakasakay nito sa elevator. 'Grabeh, sungit-mode kaagad???,' bulong ni Mira bago bumati rito na maaga siyang sinungitan. "Sorry po Sir.Masyado po kasing malayo 'tong opisina niyo Sir Emman," sagot ni Mira. And the flashback......... Hindi naka-imik si Mira sinabi ni Emman.Siya ang bahalang gumawa ng deal.Hindi na masama, pabor sa kanya.Napa-isip ng malalim si Mira.Nagtinginan naman si Emman at Alfred sa isa't-isa habang hinihintay ang pasya ni Mira. " Okay,Sir Emman and Sir Alfred here's my deal....," sambit ni Mira na biglang nag-iba ng tono nito na kani-kanina lang ay naiinis ngayon tila magaan na ang tono nito. Napatango si Alfred para ipabatid na maayus ang takbo ng usapan. " Good, so what's the deal?,"ani Emman. "Well, fair naman akong tao kaya, simple lang, papayag akong magtrabaho sa'yo para nahapin si Lorraine at kapag nahanap natin siya.Babayaran mo'ko sa pera'ng ninakaw niya sa'kin deal?," paliwanag ni Mira. " Okay, magkano ba?," tanong ni Emman na walang pakialam sa pera kung magkaano basta lang maibalik siya sa dati. Hindi naman inaasahan ni Mira na ganoon lang kabilis magdedesisyon si Emman. " ₱80,000....," sagot ni Mira. Nasa ₱100,000 ang naipong pera ni Mira, ibawas ang sampung libong pisong pinahiram niya Lorraine, at kahit papaano ay nag-iwan ito ng sampung libo.Wala sa pagkatao si Mira ang mapagsamantala o swapang kaya ang eksaktong halaga lang ng pera ang hinihingi nitong kapalit ni Mira. " Fine.kahit doblehin ko pa kapag mahanap mo siya kaagad," sagot ni Emman. " Huwag na, baka isipin mo abusado ako o mapagsamantala, iyong halaga lang ng pera'ng ninakaw sa'kin ang kailangan ko, inipon ko 'yun ng matagal," tanggi ni Mira sa offer nito. "Ikaw ang bahala.Si Alfred ng bahalang magpaliwanag sa magiging set up mo rito sa opisina," sambit ni Emman. " Okay,Sir Emman," nakangiting sagot ni Mira. Ayaw sanang tanggapin ni Mira ang offer ni Emman, sa kasungitan nito hindi niya alam kung kaya niyang tagalan pero dahil wala siyang trabaho, at ninakaw pa ang pera niya, magiging choosy pa ba siya?...medyo babawasan ang pride para mabuhay. End of flashback...back to the present...... " Alam niyo naman ang traffic sa Pilipinas....forever...," pabirong dugtong ni Mira. Hindi mapakali si Emman dahil may naaamoy siyang hindi maganda. " Sandali lang?...ikaw ba 'yun?...," tanong ni Emman na may naaamoy. Na-conscious si Mira na kaagad na inamoy ang sarili, " Naligo naman a-," natigilan ito at dahil siya nga ang nangangamoy pawis. " Pasensya na Sir...ang haba ng traffic tapos siksikan pa....," nahihiyang paliwanag ni Mira. " Ang aga-aga pa pero may amoy k-k-ka-ka .....," hindi na maituloy ni Emman ang sasabihin nito dahil nararamdaman na niyang nababahing siya. " Wait-wait...," pigil ni Mira. " Ba-bakit ba?," tanong ni Emman na nababahing na sana pero sinusubukang pigilan ni Mira. " Ano ka ba naman Sir, hindi ka pwedeng magbago ng anyo kung saan-saan, mag-ingat dapat kayo sa mga CCTV...," sagot ni Mira habang hinila si Emman sa blind spot ng CCTV. " Dito Sir," ani Mira na basta-basta na lang hinila si Emman sa sulok na hindi hagip ng CCTV. " Ha-hat---shooo!!!...," at tuluyan ng nagbangong anyo na si Emman sa pagiging hamster. Madaling dinampot ni Mira ang hamster na si Emman at ang mga damit nito. " Grabeh, hindi ako makapaniwalang ang isang cute na hamster na 'to ang masungit na lalakeng 'yun," komento ni Mira habang nakatingin sa cute na hamster. "...ay oo nga pala...hindi ka pwedeng magbangong anyo ulit dito sa elevator.....mahirap na ," ani Mira. Lumabas ito ng elevator para maghanap ng safe na lugar kung saan pwedeng makapagpalit na si Emman. " Wala akong makita....mabuti pa sa banyo na lang," desisyon ni Mira habang nasa loob ng sling bag nito si Emman, the hamster. Pagdating nito sa banyo natigilan si Mira. " Sandali lang...hindi ko siya pwedeng dalhin sa banyo ng mga babae...pero hindi naman pwede akong pumasok sa banyo ng mga lalake," nalilito si Mira sa dapat niyang gawin. Lumabas ang hamster sa bag ni Mira. " Pasensya na Sir kong hamster...hindi talaga ako pwedeng pumasok sa banyo ng mga lalake...," kinausap nito ang hamster na ngayong ay nasa mga palad niya.Mas lalong nadismaya lang si Mira dahil hindi naman nakakasagot ang hamster kahit pa sabihin na si Emman ito.Kung titingan at tutuusin, parang isang ordinaryong hamster lang naman ito. " Pero...kapag dinala kita sa banyo ng mga babae sure na sure akong lagot ako sa'yo....," desperado na si Mira at kailangan na niyang magdesisyon kaagad bago pa man magbagong anyo ulit si Emman. Sumilip sa banyo ng mga lalake si Mira. " Mukhang wala namang tao...," pansin nito.Huminga ng malalim si Mira at papasok na sana ito sa banyo ng.... " Hindi diyan ang banyo ng mga babae," natigilan na parang bato si Mira ng marinig ang boses ng isang lalake..... " Miss sa kabila...," dugtong pa nito. Pasimpleng itinago ni Mira ang hamster sa kamay at napayuko na lang ito sa hiya. " Pasensya na...medyo malabo ang mata ko...," dahilan ni Mira na dumeretso sa banyo ng mga babae. Dahil Hindi na pwedeng bumalik sa banyo ng mga lalake dinala na lang niya sa banyong mga babae si Emman, the hamster, at sinigurado na lang na walang makakapasok sa loob ng banyo habang nandoon sila kaya ini-lock nito mula sa loob ang banyo at isinabit ang sign na nakita, 'Out of Order' sa labas. " Pasensya ka na Sir Hamster....," bulong ni Mira kay Emman, the hamster na ipinasok niya sa isang cubicle at inilapag nito si Emman, the hamster sa takip ng toilet bowl at isinabit naman nito ang mga damit sa may pinto bago hayaan ito mag-isa at isara ang pinto.Segundo lang ang pagitan ng marinig na ni Mira na nagbagong anyo na si Emman. Hindi maipinta ang mukha ni Emman paglabas nito sa cubicle na nagmadaling lumabas ng banyo.Wala mang sabihin si Emman kitang-kita sa reaksyon ng mukha nito ang hiya. " Sir....Sir....sandali lang.....," sigaw ni Mira na halos iwan ni Emman sa bilis ng lakad nito palayo ng comfort room.Napahinto si Emman sa ingay ni Mira kaya bumangga si Mira sa likod nito na nakasunod sa kanya. " Aray ko naman...," inda ni Mira ng bumangga ito sa likuran ni Emman. " Pwede ba huwag kang maingay," saway ni Emman kay Mira. " E, ang bilis niyong maglakad," sagot ni Mira. " Paanong hindi ko bibilisan ang lakad, kung may makakita sa'kin na lumabas sa banyo ng mga babae?....ano?....," inis na sagot ni Emman. Naiintindihan ni Mira kung saan nanggagaling si Emman.Hindi nga naman maganda kung may makakakita sa kanya na galing siya sa banyo ng mga babae lalo pa may kasama siyang babae.Hindi nga maiiwasang mag-isip ng masama ang sino mang makakakita.Pero ganun pa man hindi naman iyon kasalanan niya. " Sorry naman, Sir.Hindi ko naman rin gustong dalhin kayo sa C.R. ng mga babae pero alam niyo namang wala na akong choice," katwiran ni Mira. " Sa susunod kahit anong mangyari.....," tinitigang ng seryoso ni Emman si Mira na parang binabalaan siya, "....HUWAG na HUWAG... mo na akong dalhin sa banyo ng mga babae," malinaw na utos ni Emman kay Mira.Napalunok na lang ng laway si Mira at tahimik na tumango bilang sagot. Sa opisina ni Emman ang deretso ng dalawa. " Good morning Sir Emman," nakangiting bati ni Ivy ngunit deadma lang ito. " Good morning," sagot ni Mira rito.Ngunit tinaasan lang siya ng kilay nito. Nakahalukipkip, akala mo kung sino'ng boss' si Ivy. " Sino kaya talaga ang babaeng 'yan?.Bigla na lang siyang naging empleyado ni Sir Emman e, hindi naman nag-hiring ng empleyado si Sir?," na-intriga at naiimbyernang saad ni Ivy. " Baka secret girlfriend," sabat ni Olie mula sa likuran ni Ivy. "Hah!...," sarkatiko nitong tawa. " Girlfriend?...iyong babaeng 'yun?...malabo, sa ganda at yaman ni Ma'am Carlene, wala sa kalingkingan niya ang babaeng 'yun," dagdag nito. " Eh, ikaw rin naman.Tsaka, maganda kaya siya, hindi lang naka-ayus," singit ni Terio. Inirapan ni Ivy si Terio dahil sa sinabi nito. "Ganyan talaga ang mga inggiterang frogs...," patusada naman ni Olie. " Ewan ko sa inyo," inis na sambit ni Ivy na bumalik sa working are nito. Pigil na nagtawanan naman sina Olie, Terio at iba pang katrabaho. Sinigurado ni Alfred na naka-lock ang pinto bago magsimula ang usapan. Habang nasa swivel chair nito at si Mira naman ay naka-upo sa kabilang bahagi ng table may iniabot na mga papel si Emman rito na tinanggap naman nito. "Ano 'to?," tanong ni Mira bago tingnan ang mga papel. " Information ni Lorraine at kung saan siya maaaring matagpuan.I want you to check all that places and person that could lead to her," sagot ni Emman na may kasamang utos na rin. " Don't worry Miss Santiago, kasama mo naman ako," sambit ni Alfred rito. " Okay," game na game na sagot ni Mira. Nagsimula na sina Mira at Alfred sa lakad para isa-isahin ang mga address na nakalista na maaaring kinaroroonan ni Lorraine. Personal Assistant ang job front na job description ni Mira, para kung sakaling may magtatanong iyon ang sasabihin niya.Kahit na sa opisina siya ni Emman pumapasok, hindi siya empleyado ng kompanya, si Emman ang derekta niyang amo.Ngunit ang tunay niyang trabaho ay hanapin si Lorraine. Unang lugar.... " W-w-w-a-l-a-n-g L-o-r-i-n d-i-t-o......," may nginig pa sa boses ng matanda na napatanungan ni Alfred. " Sige po.Salamat ng marami, mauna na po ako," paalam ni Alfred na napagod sa pakikipag-usap sa matandang na pagtanungan. " A-a-a-y-u-s l-a-ng...s-s-s-i.....," " Sige po, marami po talagang salamat," tapos ni Alfred sa sasabihin ng matanda.Dali-daling umalis si Alfred para hindi na literal na humaba ang usapan. Pangalawang lugar..... Si Mira naman ang pumunta habang naghihintay sa kotse si Alfred. Nag-aalangang kumatok si Mira sa pinto dahil dining na dining niya na may nag-aaway sa loob. " Ano ba 'yan, wrong timing 'ata ako," sambit habang nasa pintuan at dinig ang sigawan sa loob. " Babalik na lang ako," pasya ni Mira ng paalis na sana ng biglang bumukas ang pinto. " O, sino ka?...anong kailangan mo?," sita ng babaeng lumabas ng pinto. Napalunok ng laway si Mira na kinabahan dahil sa tono ng babae. " Ah, pasensya na po, magtatanong lang po sana," buong galang na sagot ni Mira. " Ano?...ito ang bahay ni Hilario?...ano babae ka na niya, ng asawa ko?," deretsang saad ng babae sa kanya. Mariing umiling si Mira." Ay,naku hindi po....hindi ko po kilala 'yung asawa niyo.Magtatanong lang po sana ako kung may Lorraine na nakatira rito," mabilis na paliwanag ni Mira na animo'y nakasalalay ang buhay niya rito. " Lorraine?!...walang Lorraine na natira rito," halos pasigaw na sagot ng babae. " Ganun po ba.Salamat po mauna na ako," madaling umalis si Mira. Pangatlong bahay..... Hindi magawang makapasok ni Mira sa gate, bukas naman ito ngunit maraming tao sa loob na panay ang labas-pasok. " Excuse me po, " sambit ni Mira sa isa sa mga taong lumabas ng gate. " Bakit?,ano 'yun?," tanong ng babaeng. " Ah, gusto ko lang magtanong kung may Lorraine na nakatira diyan?," tanong ni Mira sabay turo ng bahay. " Ah, oo.Hindi mo ba alam patay na siya.Lamay niya ngayon," sagot ng babae. Nabigla si Mira sa sinabi ng babae.Oo, marahil galit siya rito ngunit ni minsan niya inisip na mawala ito. " A-ayus ka lang ba?," tanong ng babae ng makita ang napatulalang reaksyon ni Mira. " O-opo, pwede po ba akong pumasok, makiramay?.Kasamahan ko po siya sa trabaho," ani Mira na gustong makita ang dating kaibigan. "Talaga?..magkatrabaho kayo?," tanong ni babae. "Opo, pwede po ba akong pumasok?," tanong ni Mira. " Oo,naman...halika sasamahan kita," offer ng babae. Habang papalapit ng papalapit sa lamay si Mira pakiramdam niya ay bumibigat ang mga para niya at pakiramdam.Tila kinakabahan si Mira, gusto niyang makita ang dating kaibigan ngunit hindi sa ganitong kalagayan, hindi sa lamay at wala sa kabaong. Kaunting hakba na lang at matatanaw na ni Mira ang kabaong.Nagsisimula na rin makaramdam ng lungkot si Mira. "L-lorraine...," sambit nito ng nakalapit na sa kabaong ngunit hindi pa tumitingin rito. Gerona J.R... Author's note: Oh,my gee....dead na si Lorraine?!...ano nang mangyayari kay Emman?...paano na maaalis ang side effect ng gayuma?....basahin.... Salamat sa pagbasa....hoping sana na magpatuloy ka pa sa next part...and hoping for your vote and comment...???? ?️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD