Napahinto sa paglabas ng elevator si Magnolia. Gabi na, papunta na siya sa basement parking ng opisina para umuwi. Hayun na naman si Carlo. Palakad-lakad pa ito sa tabi ng kotse nitong katabi ng kanya. Bakit na naman ba ito naroon? Isang linggo na niya itong hindi nakikita pagkatapos niyang iwan ito sa hotel.
Pipindutin na niya sana pasara ang elevator pero nakita na siya nito at mabilis na lumapit sa kanya at hinila siya palabas ng elevator. "Hi, Magnolia," seryosong sabi nito.
"Hello, Carlo," simpleng sabi niya at binawi ang kamay.
"Have dinner with me," anito at mabilis siyang iginaya papunta sa kotse nito.
"No, I'm so tired. I want to go home and sleep now."
"Kakain tayo bago ka umuwi. Ihahatid kita sa inyo at susunduin bago pumasok ng opisina on Monday. Weekend naman."
"You don't have to do this, Carlo. I'm tired and sleepy, kaunting konsiderasyon naman. Why not invite my sister."
"She's not there."
"Kaya ako muna ang guguluhin mo? Ano ako, spare tire? Kapag may lakad kayo at hindi siya sumipot ako ang kailangang maging kapalit?" Hindi niya mapigilan ang pagbangon ng inis.
"You don't get it."
"Just shut up, and let me through," aniya habang pinipilit makalagpas dito.
"No," he flatly said and carried her to his car.
"Ibaba mo nga ako!"
"Oh ayan na nakababa ka na. May kasalanan ka pa sa akin dahil iniwan mo akong mag-isa sa hotel," nakangising sabi nito nang nasa loob na siya ng kotse bago isinara iyon. Mabilis itong nakasakay doon at pinasibad na iyon.
"Nakakainis ka," aniya at pinagpapalo ang braso nito. Balewala lamang iyon dito na lalo lang siyang tinawanan. Tumahimik na lamang siya hanggang sa makakain sa malapit na restaurant dahil antok na antok naman talaga siya. Nang makasakay na sila muli ng kotse, hindi niya namayang nakatulog na siya. Nang magising siya ay pasado hatinggabi na at nasa daan pa rin sila. "Where are we?"
"Almost there."
Inilibot niya ang tingin at napatutop sa bibig nang makitang tinatahak nila ang daan papunta sa hacienda nila. "Bakit nandito tayo?"
"Your mom and dad wanted you to come over. Maglilitson ako, nakalimutan mo na ba? Alam kong pagod na pagod ka kaya nag-volunteer na akong iuwi ka."
"Oo nga pala," simpleng sabi niya. Bukas pala ang pangako nitong engagement party sa hacienda. Busy siya o mas tamang sabihing sinadya niyang maging busy para makalimutan ang palapit na kasal nito sa kanyang kapatid. Hindi siya kasama sa entourage dahil mayroon na raw napili ang kanyang kapatid. Ayos lang sa kanya at least hindi niya kailangang magkaroon ng partisipasyon pa sa kasal ng mga ito dahil ayaw niyang manggap na masaya. Tahimik na pumasok sa hacienda at ilang minuto pa nilang tinahak ang daan bago nakarating sa mansiyong maliwanag pa. Pagpasok nila ay nakumpirma ang kanyang hinala. Gising na gising pa ang kanyang mga magulang, lolo, lola, at si Rose.
"Oh my fiance is here. I miss you, honey," masiglang bati nito at yumakap kay Carlo.
Siya naman ay lumapit sa nakakatanda at nagmano. "Mukhang pagod na pagod ka, apo," nag-aalalang bati ng kanyang lolo.
"Tulog iyan, 'Lo, buong biyahe. Mukhang puyat sa trabaho."
"Marami kasing deadline, hijo. Tinapos pa niya ang final na blueprint sa winery niyo," sagot naman ng kanyang daddy.
"Matutulog na po ako, antok na antok na po talaga ako. Sige Carlo, maraming salamat sa paghatid," sabi niya sabay hikab na ikinatawa ng mga ito. Mabilis na siyang pumanhik at pumasok ng kuwarto. Maayos na ang kama kaya nagpunas na lamang siya, naghilamos, at nagsepilyo. Nang makapag-ayos ay humiga na siya at agad hinila ng antok.
MALIWANAG na ang paligid nang magising siya. Mabilis siyang bumangon at naligo bago nagpalit ng damit. Walang mga tao sa sala at kusina kaya mag-isa siyang kumain ng almusal. Muli niyang tiningnan ang cellphone para buksan ang mga messages na hindi niya pa nababasa. Nag-text ang daddy niya na nasa likod-bahay ang mga ito at dapat na pumunta siya. Napaungol siya dahil tinatamad siyang lumabas ng bahay. Hindi iyon literal na likod-bahay. Oo at may likod-bahay sila pero ang tinutukoy nito ay ang cabin nila na ilang minuto niya pa lalakarin dahil hindi kasya doon ang mga sasakyan. May malawak na hardin din iyon at malamang ay doon sila magtatanghalian.
Pagkatapos kumain ay ilang minuto muna siyang nagpahinga bago kumilos. Lumabas na siya at nagsimulang maglakad. Bigla siyang napangiti. Na-miss niya ang bahaging iyon ng hacienda. Para iyong rainforest, bukod sa malilim ay presko ang hangin. Sa kalagitnaan niyon ay ang dalawang cabin na sadyang ipinatayo para daw sa kanila ni Rose. Sa dulo ng trail ay may isang malinaw na batis na paborito niyang paliguan. Nang makarating sa cabin ni Rose ay natanaw niya agad ang mga taong parang nagkakasiyahan. Ang lawak niyon parang pinaliit na hacienda iyon. Hindi aakalain ng sinuman na mayroon niyon sa gitna ng trail pero bilang arkitekto at engineer ay nagawa iyon ng kanyang daddy at kapatid nito na matandang binata at paborito sila ni Rose.
"Oh apo, nandiyan ka na pala," bati ng kanyang lola.
"Good morning po," nakangiting salubong niya sa mga ito at nagmano. Naroon din ang mga nakakatanda sa pamilya ni Carlo at nagmano na rin siya. Pagbaling niya ng tingin ay eksaktong nag-angat ng tingin si Carlo at napangiti sa kanya bago kumaway. Pawisan na ito sa pagsisibak ng kahoy pero napakaganda pa din nitong pagmasdan. Iyon pala ang pinaghandaan nitong paglilitson ng isa sa mga baka at baboy nila. Nanonood lang ang ibang mga tauhan ng hacienda na nabibilib sa lalaki habang si Rose naman ay abala sa pagtitipa sa cellphone nito. Lumingon siyang muli kay Carlo na muli ring tumingin sa kanya at ngumiti.
He took off his shirt after a while and continued to chop the wood. To say she was amazed was an understatement. That was the second time she saw him shirtless, and he was marvelous. Oh boy, the man was sweating yet he still looked delectable. The beautiful sight was more than enough to make her feel parched. His muscles flexed as he raised and dropped the axe. Her gaze moved from his huge arms and wide chest to his washboard stomach.
Suddenly, her melancholy resurfaced and brought back a lot of memories. He was poetry in motion, a magnificent work of art. He was the love of her life, the love she could never survive, the love that never was. The man was a shining star that could brighten up the pitch dark sky. And it was so poignant to watch him move while smiling at her because she knew he was lightyears away.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos ito sa ginagawa. Nagpalakpakan ang mga tauhan habang sumisipol pa ang iba na nabilib dito. Siya naman ay biglang inabala na muna ang sarili sa pagkutkot ng mga kasoy na nakahain habang nakikipag-chat kay Liberty.
"Hi," bungad ni Carlo na nakapagpaangat ng kanyang tingin. Hubad-baro pa rin ito habang nagpupunas ng shirt sa pawisang katawan. He was glistening with sweat but he still smelled sexy. The combination of his male perfume and natural scent was better than the petrichor in their mini-forest. Ngumiti ito sa kanya at kumuha ng ilang kasoy sa platito bago umupo sa tabi niya.
"Magtubig ka muna," aniya at inabutan ito ng baso na sinalinan ng tubig bago muling bumaling sa kanyang cellphone.
"Thank you," anito at lalong lumapit sa kanya.
"Doon ka, pawis ka," nandidiring sabi niya bagaman nagbibiro lang naman. Pero sa totoo lang ay kabado siya dahil sa presensiya nito. Kung kailan lalo siyang lumalayo, saka naman ito lumalapit.
"Pagtiisan mo ako," natatawang sabi nito.
"Mabaho ka!" Nagpa-panic siya hindi dahil sa amoy nitong napaka-bango kundi sa mga matang napapatingin sa kanila. Siniko niya ito nang malakas kaya umaray ito. "Oh iyan, tama lang iyan sa iyo," natatawang sabi niya at pumuwesto sa tabi ng mga magulang na natatawa lang sa kanila.
"Rose, hija, asikasuhin mo naman ang fiance mo," baling dito ng daddy niya.
"Huh? Okay po, Daddy," mabilis na sagot nito na doon pa lang nabalik ang atensiyon dahil abala ito sa pagtitipa sa cellphone.
Nang muli siyang magbaling ng tingin kina Carlo ay nakita niyang asikasong-asikaso ito ng kanyang kapatid habang pinupunasan ang likod nito.
How she wished she could do it to him. Kung siya lang ay hindi na siya kailangan pang sabihan na asikasuhin ito. She was more than willing to take care of him everyday. Unfortunately for her, he was in love with Rose, and he wanted to marry her sister, not her. That moment, she wanted to cry her heart out because she understood she did not stop loving him, and she would never love someone as much as she loved Carlo. She knew that was where her imaginary love story had to stop before she broke her heart further. Love was maybe not meant for her, but somehow she still dreamed of finding someone to meet and share her deep longing again.