Chapter 22: Bittersweet Memories

1096 Words
Pagkarating niya sa Harbour Square, mabilis siyang pumuwesto sa paborito niyang tambayan at nanatili lang na nakatanaw kawalan. Naroon na naman siya sa isa sa mga na may espesyal na puwang sa kanya. Parang gusto niyang matawa na bumiyahe pa siya mula sa probinsiya nila papuntang Maynila para lang doon. Naulit na naman ang nangyari. Ganoon din talaga kasi ang nangyari pagkatapos ng pormal na panliligaw ng lalaking lihim niyang minamahal sa kanyang kapatid. Magkaiba lang talaga naman ngayon dahil walang driver na naghatid sa kanya at walang Carlo na mangungulit sa kanya. Lihim pa din siyang umaasa na darating ang lalaki at yayayain siya sa kung saan. Natawa siya nang mapagtanto niyang kalokohan iyon dahil abala din naman ito kasama ang kanyang kapatid. Pero pakiramdam talaga niya ay bumalik siya sa nakaraan. Muli siyang bumili ng fishballs at squidballs. Tahimik niyang kinain iyon habang nakatanaw sa kawalan. Ano ba ang matatanaw niya roon kundi ang madilim na dagat. Isang oras pa ang lumipas bago siya nagpasyang umuwi na. Pagtayo niya ay nabitiwan niya ang kanyang sketchpad dahil sa nakita. Palapit sa kanya si Carlo at hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. May dala pa itong isang maliit na bote ng alak. Gusto yata niyang magtatatalon sa hindi maipaliwanag na tuwa dahil natupad ang wish niya. "Oh coincidence, pauwi na rin ako." "I knew you'd be here," balewalang sabi nito at muli siyang hinila paupo. Maya-maya'y tumayo ito at lumapit sa fishball stand na naroon pa rin at bumili. Pagbalik nito ay may dala ito ng dalawang baso ng fishballs at binigay sa kanya ang isa. Dahil paborito niya iyon at nagugutom pa ay kinain na rin niya. Doon niya nalanghap na amoy alak na ito. Nag-drive ito nang nakainom at mali ang ginawa nito. Nakaramdam na talaga siya ng tensyon at inis. Hindi niya mapigilan ang mga romantikong ideya. Bakit nga ba naroon ito? Paano nito nalamang naroon siya? Naiinis tuloy siya dahil lalong lumalalim ang damdamin niya rito. Mahirap iyong pigilin dahil may kakayahan itong iparamdam na espesyal siya kahit alam niyang hindi naman. Bigla itong dumarating sa mga pagkakataong akala niya ay mag-isa lang siya. Lagi pang present si Carlo kahit nasaan siya. "Bakit ka pala nandito?" Binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila. "Wala lang," simpleng sabi nito habang abala sa pagkain at pagtungga sa alak. "Ready ka na ba sa pagsisibak ng kahoy? Naku naeexcite na ako sa lechon," pilit na pinasiglang sabi niya. Nangako kasi itong maglelechon ng baboy at baka. Ito rin mismo ang magsisibak ng panggatong. Magkakaroon ng selebrasyon para sa engagement nito at ni Rose na para lamang sa pamilya at mga katiwala sa hacienda nila. "Oo naman, future hipag. Sisiw iyan," pagyayabang nito na halatang nagbibiro lang. Muli silang tumahimik hanggang biglang nagsalita ito. "Do you still remember when we kissed here?" Napatingin siya rito at napanganga na lang. Sa lahat ba naman ng pwedeng pag-usapan ay iyon pa talaga ang gusto nitong sabihin. "N-no." "Liar," simpleng sabi nito. "Why did you have to bring it up? It was more than a decade ago, and it didn't mean anything." "You haven't changed, Magnolia. You're still a lousy liar." "And what is it to you? We just kissed out of curiosity," naiinis na balik niya rito. "Out of curiosity huh? Don't you remember how you asked me to kiss you?" "Tapos na iyon, Carlo. Mga bata pa tayo noon, nalilito at masyadong mapupusok. Gusto mo pa bang alalalahanin ko iyon?" "Ano ba tayo?" Gusto niya talagang bigwasan ito. Ang kapal ng mukha nito para itanong iyon. Mukha pala kasing hindi na nito naalala ang mga sinabi nito pagkatapos ng maalab na halikan nila dati. Siyempre naaalala niya iyon. Ito ang first and last kiss niya, ang kanyang one big love. Pero ikakasal na ito sa kapatid niya at ito rin mismo ang nagparamdam sa kanya na wala namang halaga ang halik na pinagsaluhan nila. "You're my sister's fiance, so you're my future brother-in-law." "Right." "C-Carlo…" Paglingon niya rito ay malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya. Nakangiti ito at namumungay na ang mga mata tanda na lasing na ito. Namumula na ang mukha nito at naging madaldal na kahit bulol na magsalita. "A-as I've said, l-lagi kang masungit sa akin p-pero lalo ka lang gumaganda sa paningin ko," tumatawang sabi nito at ininom na ang natitirang laman ng bote. "Halika na lasing ka na! Nagmaneho ka pa ng lasing nakakainis. Iiwan natin itong kotse mo rito. Ako na ang magmamaneho pauwi." "No, baby. We'll go to the hotel and have our honeymoon there," balewalang sabi nito at siniil siya ng halik. Mabilis siyang kumawala rito at sinampal ito nang malakas. "Binabastos mo ako! Kapatid ako ng mapapangasawa mo!" Hinihingal na siya sa galit dito. Wala itong karapatang halikan siya nang basta lamang. Hindi niya ito boyfriend at parang balak pa siyang gawing mistress o pag-trip-an. "I'm s-sorry, baby. I always forget," tumatawang sabi nito at pasuray-suray na naglakad. "Lasing na talaga," naiinis na sabi niya at hinila na ito papasok ng sasakyan. Dinala niya ito sa Sofitel dahil iyon na ang pinakamalapit na hotel gamit ang sasakyan nito. Nang maipasok na ito sa suite ay hinila siya nito sa kama at niyakap nang mahigpit at pinupog ng halik sa pisngi. "Dito ka lang sa tabi ko. Wala kang kawala," natatawang sabi nito hanggang sa makatulog. Gusto niyang mapangiti habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. "Napakagwapo talaga kaya mayabang," nakasimangot na sabi niya at dahan-dahang kumalas dito. Nang masiguro niyang maayos na ito ay iniwan na niya ito doon at naglakad na lang pabalik ng kanyang kotse. Pinasibad niya agad iyon at umuwi sa probinsiya. Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang mag-isip kung tama ba ang ginawa niya. Wala itong kasama doon at lasing pa. Gusto tuloy niyang tawagan ang pamilya nito o si Rose kaya lang ay baka magtaka pa ang mga ito kung bakit nandoon sila pareho. Hindi rin siya pumapatol sa mga lasing kaya gusto niyang bigwasan ito at mag-isip. Kahit kay Liberty ay hindi na niya sinabi dahil alam niyang bibigyan nito iyon ng malisya. Bigla niyang naalala ang isa sa mga kaibigan nito na doon din ang trabaho. Doon na lang niya ibibilin si Carlo. Mabuti na lang at friend niya ito sa f*******: kaya nag-chat siya. Sinabi na lang niyang nasa hotel si Carlo at sinabihan niyang lasing ang lalaki kaya kailangan ding maasikaso. Mabilis naman itong nag-reply at nagsabi na ito na ang bahala. Maluwag siyang nakahinga dahil alam niyang may magbabantay sa lalaki kahit nasa probinsiya siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD