Tahimik na tahimik si Magnolia sa loob ng sasakyan. Katabi niya si Rose na nakasimangot na naman. Parang naulit ang pangyayari noong pormal na manligaw dito si Carlo. Iyon na naman ang plano nito. Doon muli sila pupunta sa events garden na pag-aari ng pamilya ni Joseph. Magpo-propose nang pormal si Carlo. Hindi niya gustong maramdaman ang kahungkagan pero hindi niya naman mapigilan. Para siyang masokista dahil inamin niya sa sariling hindi siya tumigil sa pagmamahal sa lalaki. Hayun at pinakiusapan na naman siyang magpinta nito. Naroon na sa lugar ang canvass na nalagyan na niya muli ng background at mga gamit sa pagpipinta. Nang nagdaang araw pa maayos ang buong lugar. Si Rose, Carlo, at mga bulaklak na lang ang kulang.
"I hate you," naiinis na sabi nito sa kanya.
"Wala kang magagawa," nakangiti niyang sabi rito at pinisil ang kamay nitong mabilis na binawi. Ang alam kasi nito ay may client meeting siya roon at pinilit itong isinama roon. "Halika nga dito," aniya at niyakap ito.
"What's the matter with you?" Inis na inis nitong tanong kumawala sa kanya.
"You're all grown up and beautiful," naluluha niyang sabi na parang proud pa rito.
"Whatever."
"I want you to be happy," aniya at muling tumingin sa daan.
Pagkarating sa lugar ay naroon na sa bungad sina Joseph at Liberty. "Oh nandito pala kayo," sabi ni Liberty na kunwari pang nagulat.
"Bakit pala kayo nagawi rito?" Si Joseph naman ang nagtanong na nakangiti hindi katulad ng best friend niyang parang hindi matunawan. Alam niyang ayaw nito sa kanyang kapatid. Hindi niya din ito masisi dahil saksi ito kung paano siya awayin ni Rose. Ayaw na lang niyang isipin dahil hindi na sila mga teenagers na dapat patulan ang mga bagay na kinaiinisan. May mga bagay at tao talagang hindi kontrolado katulad ng pakikitungo sa kanya ng kanyang kapatid. Sinamahan na sila ng mga ito sa loob.
"May client meeting lang."
"Client meeting, maraming arte. May party pala," sagot naman ng kapatid niya na hindi niya na pinansin.
Nang makapasok sila ay manghang-mangha siya sa pagkakaayos nito. May mga nagkalat na rose petals sa daanan at may mga nakasabit na orchids at heliconia sa bawat madaanan. Napakakulay ng paligid dahil namumulaklak ang mga tanim sa flower garden.
"Maganda ba pagkakaayos?" Napatingin siya kay Joseph na parang proud sa kinalabasan.
"This is exquisite, Joseph," aniya at hinila na si Rose papunta sa makeshift stage sa gitna. Nang paakyat na sila ay pumailanlang ang Perfect ni Ed Sheeran. Napanganga siya nang lumabas si Carlo na may bitbit na Isang bungkos ng ecuadorian roses habang kumakanta. He could actually sing. When she came back to her senses, she saw Rose in awe, eyes and mouth wide open. Pinaakyat na niya ito bago pumunta sa puwesto niya.
Muli pang kumanta si Carlo. Isa naman ding lumang love song na paborito ng kanyang daddy. Parang pinira-piraso na naman ang kanyang puso pero pinilit niyang balewalain. Kailangan niyang maipinta nang maayos ang mga ito. Iyon na lamang ang magiging pambawi niya sa kapatid sa mga pagkakamali niya noon. Sa ganoon ding paraan maibubuhos niya ang pagmamahal sa lalaki at lungkot na kahit kailan ay hindi siya mamahalin nito. Hayun at patuloy ito sa pagkanta habang ang kapatid niya ay tutop ang bibig.
"Rosario Villarama, will you marry me?"
"Carlo," tanging namutawi sa mga bibig nito.
"My princess," muling tanong nito.
"Y-y-you really love me," nauutal na sabi nito.
Malakas na tumawa ito na pumailanlang sa lugar. "Of course, princess, I do," malambing na sabi nito. "So, will you be Mrs. Rosario Torillo?"
Noon napangiti ang kapatid niya. "If that's so, then yes, I will marry you," mabilis na sabi nito at yumuko para kintalan ng halik ang nobyong mabagal na pinasok ang engagement ring sa daliri nito.
"Weird," bulong niya. Bakit ba parang hindi ganoon ka-excited ang kapatid niya? Of course, you two are different. Ano bang gusto mo, iyung iiyak siya at magdadrama? Masaya siya. Come on, Magnolia, you sound like a bitter loveless old maid. Tahimik na tinapos niya ang pagpipinta. Habang abala ang mga tao sa kasiyahan. Naroon din naman ang pamilya niya at ni Carlo na nagkuwentuhan. Mabuti na lang at mabilis niyang natapos iyon. Kinuhanan na lang niya ng larawan ang actual proposal at mabilis kinopya iyon.
Nang matapos ay marami nang kulay ang katawan niya. Tama palang baon niya ang dress dahil madudumihan siya. Paano ay talagang hirap siyang ibuhos pa ang atensiyon sa ginagawa. Nilinis niya ang sarili bago mabilis na ding nagpalit. May mga gusot na ang damit pero hinayaan na niya. Bisita at pintor lang naman talaga ang papel niya roon. Bigla niya tuloy naalala ang restaurant sa Rizal na pinagsaluhan sa kanya ni Carlo. Hindi natuloy pala ang talagang proposal nito roon. Ipinagkibit na lang niya iyon ng balikat. Habang nakatingin sa salamin ay napaisip siya kung ano ba talaga ang hitsura niya.
She never had a boyfriend although she dated some men before. All of them told them she was beautiful, but she didn't want to believe them. Maybe she thought she was not because Carlo never told her she was beautiful. She never stopped loving him. As pathetic as it may sound, she did not know if she could fall in love again.
She went back outside and joined her family. She couldn't taste the sumptuous food served to them. How could she when her heart was bleeding? How could she when she was busy eyeing Carlo and her sister whispering words and laughing? She didn't finish her food. She got up and checked her work. It was done. It was beautiful yet melancholic because that was how she felt. She did not bother covering it. She approached the couple and handed them the canvass. Carlo was overjoyed while her sister was awkward. Maybe she was ashamed of herself for thinking she was her rival. She never was. The man was and would always be hers. She just smiled at them and went back to their table. When the party was finished, she immediately went to her car and drove away.