Nakatulala pa rin talaga siya rito. Kung hindi pa ito pumitik sa tapat ng mukha niya ay hindi siya magigising. Matamis pa rin itong nakangiti sa kanya. "Huh? C-Carlo?"
"Ano okay ba?"
"A-anong okay?"
"Practice lang po, my future sister-in-law." Mataginting na halakhak ang pumuno sa restaurant. Mabuti na lang at open area iyon kaya tolerable pa ang tawa nito.
"Nakakainis!" Tawa lang ito nang tawa habang umiiwas sa paghampas ng shoulder bag niya.
"Pasensya na, Magnolia. Nabigla ka pala. Gusto ko lang talagang makita ang posibleng reaksiyon ni Rose. I need your help."
"For what?" Her heart sank. She did not see it coming. How could she forget that whenever he was being nice to her, he would ask for her help.
"Magnolia, I'm planning to propose to your sister. I need your help."
"Planning to what? Propose?" Ouch. You could have provided me with clues so I could cushion the blow. Her heart was literally sobbing for the love that was never and would never be returned.
"You heard it right, pretty woman," he smiled.
"Of course. What's the plan?" She wanted to congratulate herself for remaining calm when she felt like she would break down any second.
"This is the plan," he said and started to explain everything to her.
"Do you really love her? Do you promise not to make her cry?"
"Yes." He said while his eyes were twinkling.
"I will help you," she said and ate her chocolate mousse in just two bites even if she could not taste it. "Balik na tayo sa office."
"Let me just take you home."
"Hindi na. May tatapusin pa rin kasi ako."
"Okay." Habang nasa daan sila, halatang nasasabik ito. Panay pa din naman ang masayang kuwento. Nang maihatid siya nito ay nagpasalamat pa ito bago nakangiting tinapik ang pisngi niya.
Tahimik na bumalik siya sa kanyang puwesto at inabala ang sarili sa paggawa ng blueprint ng luxury home ng isang malaking businessman sa Tagaytay kahit sa susunod na buwan pa ang susunod na meeting nila. She had to be busy or else she would burst into tears and everyone would see how wretched and pathetic she was.
It was past eight in the evening when Magnolia finished all the pending tasks. It was tiring, but she had to be busy. She wanted to go home doggone tired so she would no longer have the energy to think about Carlo and cry. Their lunch at the mountains of Rizal earlier was a memorable one. Carlo would propose to her sister, and the thought alone was enough to rip her heart apart.
The realization that he would always see her as a friend was like a dam that opened all its gates and drowned the whole town. She and Carlo were not even friends. They did not have those moments that showed how much she meant to him. They were just acquaintances because Carlo would only see her as a friend when he would ask for help. The funny thing was, her most treasured moments were with him.
Tahimik niyang niligpit ang mga gamit at muling pinagmasdan ang blueprints ng mga bahay at gusali. Ilang linggo pa naman bago kailanganin ang mga iyon pero kailangan niyang gawin lahat iyon dahil gusto niyang maging abala. Pakiramdam niya kasi ay mababaliw siya kapag naiisip ang proposal ni Carlo sa kanyang kapatid. Siguro pagtatawanan siya ng mga tao kapag nalaman ang kanyang pinagdaraanan. Kahit kailan naman kasi ay walang namagitang kahit na anong espesyal sa kanila ng lalaki. Pero ano ba ang magagawa niya? Paano niya pipigilan ang nadarama kung ito ang itinitibok ng puso niya sa loob ng mahabang panahon.
Paglingon niya sa pinto ng kanilang office ay para siyang naestatwa nang makita ang lalaki. Nagtaka siya kung bakit naroon na naman ito samantalang nagkita na sila kanina. Saka tapos na ang office hours. Mga security guard na lamang ang naroon. "B-bakit ka nandito?"
"Galing ako sa inyo. Sabi ni Tito lagi ka na lang late umuuwi."
"Got tons of things to do," simpleng sabi niya at naglakad na papunta sa pinto na ito pa ang nagbukas.
"I know you haven't had dinner yet."
"I'm not hungry. Katatapos lang nating mag-lunch kanina."
"But I am."
"Kumain ka nang mag-isa. Wala na akong lakas makipagkulitan pa."
"Halika na," sabi nito at walang babalang hinila siya papuntang sasakyan nito.
"Ano bang problema mo? Bakit ba ang kulit mo? Pumunta ka doon tapos iniwan mo sila. Pati si Rose, iniwan mo."
"Wala siya roon. Hindi nga nagsabi sa akin kahit may usapan kaming magkikita ngayon."
"Kaya ako muna ang ginugulo mo. Tigilan mo na nga ako. Napipikon na ako."
"Hayaan mo na. Ikaw naman nag-alala lang din ako sa 'yo dahil lagi kang hindi naghapunan. Puro ka lang daw ice cream sa convenience store."
"My comfort food," simpleng sabi niya.
"Do you have a problem?"
"Wala. At kung meron man, wala kang magagawa."
"Hey, pretty woman, masungit ka masyado sa akin. Ngiti ka naman diyan para makita ko ulit iyung dimples mo," nakangiting sabi nito.
"Tigilan mo muna ako. Sige mag-dinner na tayo pero last na ito," simpleng sabi niya.
"Bakit ka na naman ganyan? Akala ko pa naman okay na tayo? Gusto lang naman kitang maka-bonding saka bored din ako."
"Pagod ako at isa pa ay hindi ako payaso para gawin mong libangan dahil lang bored ka."
Hindi na ito kumibo at patuloy na lang na nagmaneho hanggang makarating sila sa Shangri-La The Fort. "Dito na lang muna tayo para malapit din sa bahay niyo," simpleng sabi lang nito at inalis ang seatbelt niya bago mabilis na namang bumaba para pagbuksan siya ng pinto.
Inilahad pa nito ang kamay na hindi niya pinansin. Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Wala itong K! Bakit pa ito magpapaka-gentleman sa kanya? Nainis na naman siya nang maisip na may bago na naman itong request. Puro ito request kahit hindi naman talaga sila close. Ginawa pa siyang DJ nito. "I'll go to the washroom first. Ikaw na muna ang bahalang um-order," simpleng sabi na lang niya sa lalaki at iniwan na muna ito sa mesa. Nang makabalik ay parang malulusaw na naman ang yelo sa kanyang sistema dahil ngumiti na naman ito sa kanya. Tumayo pa ito at ipinaghila siya ng silya bago siya bineso. Kung hindi niya lang alam na mag-po-propose na ito sa kapatid niya, baka kung anu-ano nang ideya ang pumasok pa marahil sa kanya.
NAKAKUNOT ang noo ni Carlo habang pinagmamasdan ang palayong pigura ni Magnolia. Nagtataka siya kung bakit ganoon na naman ito sa kanya. Akala niya ay ayos na sila pero mahirap pala talagang hulihin ang loob nito.
Hindi niya pa rin nalilimutan ang ginawa niya rito mahigit isang dekada na ang nakalipas. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nag-panic nang malamang lilipad na ito papuntang states para mag-aral. He was expecting her to study in UP. Doon din kasi siya mag-aaral so he confronted her.
Magnolia was beautiful, although Rose was different from her. Rose was the typical Filipina beauty, a combination of Denise Laurel and Gloria Diaz. Meanwhile, Magnolia was a Pinay Mestiza, but she had a strong resemblance with Sophia Loren. Her lips were soft as he remembered kissing her many times. Her creamy skin was so smooth. He could not forget how she made his lips and hands move in tandem. It was great kissing and caressing her while seeing her eyes wide open in surprise. She was like a sea goddess longing for a kiss, and so he gave her a heartstopping kiss. Damn! Idiot! What the hell, Carlo? She's your soon-to-be fiance's sister. You've been working hard for Rose. You've always promised yourself to make her your wife. Have you gone nuts?
He had always been like that ever since he kissed her on the rooftop of their school building. He uttered a curse when he felt his strong arousal. Oh man, you sick f**k! This is bad news!
He had to concentrate and think about funny stuff to extinguish the fire within him. She has always managed to make him feel that way. But he was sure, it was just pure fondness and curiosity. It was just his ego making him feel good to think that the most reclusive woman on campus, his idol, kissed him back. But he groaned in utter frustration when his thing got harder. Damn, Magnolia! Look what you're doing to me! You're an enigma I can't comprehend. But, I love your sister very much. Maybe I need to get laid again.
He hadn't had s*x for two months now. As ridiculous as it may sound, he has bedded a lot of women even after Rose gave her yes. She told him she did not want to have s*x with him until they got married. She even told him that it would be okay if would have to have s*x with others. What could he do? He was just a man with insatiable needs. But, he remained faithful to his girlfriend. That was how much he loved her.
Now that Magnolia was back, things were getting harder for him. He thought he had to be friends with her again. He had to treat her like his sister so the malice would go away. The woman had no idea how he tried to fight the urge to kiss and taste her all over before. It was his raging hormones as a teenager. Good thing that already matured and he was more than sure he respected his beautiful girlfriend. Her princess, as he fondly called Rose, got her heart and respect, and he was sure no one could take them away from her. He shook his head and tried to focus on his goal. He had to win Magnolia's friendship. She would be her sister-in-law so he would treat her like her own sister. That way, things would be better for both of them.
Nang makita niyang pabalik na ito ay awtomatikong kumabit ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Mabuti na lang at mapakalma niya na ang nagwawalang apoy sa kanyang kaibuturan. He ought to befriend and treat her like a sister.
MUNTIK na namang kumawala sa dibdib niya ang pusong nagsisirko nang makita ang ngiti ng lalaking lagi niyang gustong makita. Gusto tuloy din niyang batukan ang sarili dahil para na naman siyang teenager sa harap nito. Para bang hindi na siya masasanay sa epekto nito sa kanya. Mabuti na lang at natutunan na niyang maging kalmado o masungit sa harap nito. At least, maiisip lang talaga ng mga itong mahiyain o snob lang naman siya.
Nahihirapan lang siya dahil lapit naman ito nang lapit sa kanya. At siya naman ay gusto niya ang paglapit nito. Pero naiisip niyang bukod sa kailangan nito ng tulong niya ay kinakaibigan din siya nito dahil desidido itong mapangasawa ang makulit din niyang kapatid. Hindi na talaga bibigyan ng iba pang kahulugan ang mga tingin, salita, at kilos nito kahit ba parang mahirap gawin iyon. Tama nang mabait ito sa kanya, no more, no less.
Pagkaupo niya ay saktong natanawan niya ang mga waiter na papunta sa mesa nila at inihain ang kanilang order. “This is good,” aniya habang inuunti-unti ang alige ng alimango. Masarap naman talaga iyon dahil mahilig siya sa seafoods pero hindi niya gaanong maappreciate iyon dahil sa tensiyon na nadarama niya. Kailangan niya talaga ng diversion para mapakiharapan niya ang lalaki nang maayos.
“I’m glad you liked it,” nakangiting sabi nito. “Kain pa nang kain,” sabi nito at tinulungan pa siyang buksan ang mga sipit nito.
“Sige lang. Mabubuksan ko naman ito. Kumain ka na rin.”
Ganoon nga muna ang ginawa nito at patuloy lang sila sa tahimik na pagkain bago ito muling magsalita. “How have you been?”
“Okay.”
“Just okay?”
“Yes.”
“Boring naman nating mag-usap. Dapat pala steak na lang in-order ko para hindi ka diyan sa mga sipit naka-focus.”
Natawa tuloy siya rito. “Sorry na.”
“Sa wakas, tumawa ka ulit. Dahil diyan, may unli chocolate mousse ka mamaya.”
“Talaga? Naku kahit huwag na. Gabi na rin.” Napailing na lang din siya. The damn man knew what to do to tame her.
“It’s on me, pretty woman. I know you love it.”
“Sure ka ha,” aniya at sinenyasan ang waiter na malapit sa kanila. Tawa lang nang tawa sa kanya si Carlo. Maging ito ay pinilit niyang kumain ng chocolate mousse kahit hindi raw ito mahilig sa matamis.
“Mas makulit ka pa sa kapatid mo,” anito at pinisil ang tungki ng ilong niya na ikinapitlag niya. Maging ito ay parang natigilan bago may mapang-asar na ngiti ang pumorma sa mga labi nito. “Ahh Magnolia, may itatanong ako, kung okay lang.”
“Ano iyon? May nalalaman ka pang pa-suspense diyan.” Bigla tuloy siyang kinabahan. Parang gusto niyang magtago sa ilalim ng mesa o tumakbo papuntang washroom. Mukhang alam na nito ang hidden desire niya rito. Desire talaga? Haller, crush lang. Fine, pure love.
“Ahh gusto ko lang ma-confirm kung friends na ba talaga tayo,” nakangiting sabi nito,
Muntik pang hindi mapigilan ni Magnolia ang pagtaas ng kilay sa itinanong ni Carlo sa kanya. Sa totoo lang ay bigla siyang napikon dito kahit okay na sana. Magulo para sa kanya ang mga trip nito kung hindi lang natatawa sa kakulitan nito. Pangmalakasan naman talaga ang charm nito kaya kahit siya ay nadadala dito. Mahaba na ang listahan nito sa kanya. Siyempre hindi niya itinuturing na kasalanan nito ang paghalik pero naiinis siya kapag naaalala ang kayabangan nito pagkatapos nilang maghalikan. Ipinamukha pa nitong ito lang ang lalaking gusto niya pero hindi nito masusuklian ang nararamdaman niya. Kasama rin pala sa listahan niya ang inosente pero effective na flirtation nito sa kanya. Pati ang pagpisil nito sa pisngi at tungki ng ilong niya at pag-akbay sa kanya kahit na alam niyang wala namang kahulugan para dito ay isinama niya sa listahan nito.
Pagkatapos ng mga iyon ay hihingi ito ng tulong sa kanya para mag-propose sa kapatid niya. Okay na naman talaga sa kanya iyon eh kahit mahapdi sa dibdib. Mas nakakainis pa talaga sa kanya na tatanungin siya nito kung pwede raw ba silang maging magkaibigan. Napaka-insensitive ng lalaking ito. Nakalimutan na yata nito ang panghahalik na ginawa nito sa kanya, panghahalik na nagustuhan at tinugon niya. Sumagot na lang siya ng oo kahit gusto niyang ibato rito ang mga sipit ng alimangong binuksan niya.
“Pag-iisipan ko,” sabi na lang niya habang nilalantakan ang chocolate mousse.
“Please, Magnolia, please,” sabi nitong para lang batang nanghihingi ng candy.
“Oo na,” simpleng sabi niya kahit sobrang nainis siya. Hindi niya talaga maintindihan si Carlo kung inosente ba ito o nagkukunwari lang dahil insensitive. Pero hayun parang bata talaga itong nangungulit sa kanya kaya talagang mahirap ding tiisin ang lalaki.
“Thank you very much, Magnolia. Bukas, sasabay na ako ng breakfast.”
“Wow,” sarcastic na sagot niya.
“Na-miss ko na iyung french toast mo eh. Next time promise, ililibre ulit kita ng lunch or dinner.”
“Okay sige. Tara na umuwi na tayo. Tinatamad na akong mag-retouch.”
“Thank you,” sabi nito at pinisil ang baba niya.
“Puro ka talaga kalokohan nakakaasar,” naiinis pa niyang sabi sabay tabig sa kamay nito. Hindi na muling kumibo si Carlo kaya parang naalarma siya.
“I’m sorry, Magnolia,” sinserong sabi nito pagkahatid nito sa kanya.
“Hayaan mo na iyon. Thank you sa libre at paghahatid,” aniya at hindi napigilang pisilin ang magkabilang pisngi nito nang mariin. Mabilis niyang binitawan iyon nang tumawa ito at nagmamadaling bumaba ng kotse.