Nang mga sumunod na araw ay naging abala na si Magnolia sa trabaho. Nakilala niya na ang magiging kasama niya sa team. Dalawa lamang silang babae roon. Mababait naman ang mga ito at nakasundo na rin niya bukod pa sa medyo makukulit din ang mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang maalala lalo si Carlo. Habang tumatagal, mas lalo din itong nagsusumiksik sa magulong puso niya.
Ilang araw niya na itong hindi nakikita dahil hindi na ito sumasabay ng almusal sa kanila. Biniro pa siya ng lola niya na baka na-offend ang lalaki sa pagsusungit niya. Ewan niya pero simula nang kuhanan siya nito ng picture pagkahatid sa kanya sa opisina ay hindi na ito nagpakita sa kanya. Ang problema ay nasanay na siya sa presensiya nito kaya siya na mismo ang lihim na naghahanap dito. Minsan naiisip niyang puntahan na ito mismo sa bahay o opisina nito pero maiisip niyang kalokohan iyon at mali dahil boyfriend ito ng kanyang kapatid. Kapag maaalala niya iyon ay saka siya titigil sa kung anu-ano pang ilusyon niya rito.
Damn Carlo for bringing her an invisible war. Her heart would thump every time she remembered him no matter how much she wanted to stop. But the sad thing was she never stopped loving him. She only learned to calm her nerves a bit even if she could hardly control the riot inside her. Carlo was beautiful, and she would forever adore, love, and pine for him. Yes, she had a lot of suitors in New York, but her stubborn heart would never listen. It took her a long time to realize that her feelings for him did not fade away. Her love was like a tsunami. It just stepped back to gain momentum before surging forward to drown her. It was only a good thing that Carlo and her family did not seem to notice her reaction whenever he was around.
For sixteen years, her love remained unreciprocated. The memories of their kisses became a sprinkle of hope only to make her more pathetic and desperate. On the night they kissed, Carlo told her he liked her. She used to think that he was only in denial, that he was already in love with her but too shy or proud to admit it, that they would be together someday. But her foolish dreams did not come true. She realized that maybe he really did like her as a person, but it was just fondness or maybe a diversion. Thinking about that felt like her heart being pricked by thousands of pins.
“Ma’am Lia, pwede pong pa-check ng blueprint na ginawa ko?” Ang nag-iisang babaeng junior architect nila ang nagtanong sa kanya.
“Lia na lang, Jen,” nakangiting sabi niya rito.
“Ahh ehh. Hindi po iyon pwede,” nahihiyang sabi nito.
“Bakit naman?”
“Senior architect din po kasi namin kayo.”
“Bakit kay Jay, kuya or first name lang ang tawag niyo sa kanya?”
“Eh anak din po naman kasi kayo ng may-ari nitong firm.”
“Okay lang iyon, ano ka ba? Next time Lia ang itawag mo sa akin. Otherwise, hindi ko papansinin ang questions mo,” biro niya rito.
“Okay po, Ms. Lia, I mean A-Ate Lia.”
“That’s cool. Tara check na natin iyang ginawa mo.” Pinuntahan nga nila ang ang puwesto nito at tiningnan ang blueprint nito. Ilang minuto niyang inaral ang dimensions saka nagbigay ng kaunting revisions sa gawa nito. “Maganda ang pagkakagawa mo, Jen. Kaunting improvements na lang ang kailangan nito. Magugustuhan talaga ito ng clients.” Nagpasalamat ito sa kanya at bumalik siya sa kanyang puwesto.
Muli din niyang itinuon ang konsentrasyon sa kanyang ginagawa. Personal din naman kasing hiniling ng daddy ni Carlo na siya ang gumawa ng blueprint sa isa na namang winery at office. Plano kasi ng mga itong mag-expand sa isa pang probinsiya kaya papatayuan iyon ng gusali. Ilang oras pa ang iginugol bago niya maramdaman na parang may nakatingin sa kanya.
Parang nagkaroon ng ilang libong paruparo sa kanyang sikmura nang makita si Carlo seryosong nakamasid lang sa kanya ito. “B-bakit.”
“Ahh I just dropped by to check the blueprint,” pormal na sabi nito.
“Can you give me twenty to thirty minutes to finish this?”
“No rush.”
Bumalik siya sa pagguhit pero nahirapan siyang ibalik doon ang atensiyon. Paano niya magagawa nang maayos ang trabaho kung nandoon si Carlo habang nagmamasid sa kanya. Dalawang beses pa siyang nagkamali at umulit sa isang bahagi bago natapos ang ginagawa. Humarap siya rito. “See it for yourself,” aniya.
Lumapit naman ito sa kanyang drawing table at mabilis siyang umatras. Nagtatakang napatingin pa ito sa kanya kaya alam niyang napansin nito ang pag-iwas niya rito. Ganoon naman palagi ang nangyayari, umiiwas siya rito pero hinahanap niya kapag wala ito. Saglit nitong tiningnan ang ginagawa niya bago lumingon sa kanya. “You did great,” nakangiting sabi nito na nagbigay na naman sa kanya ng milyong boltahe kaya parang may bombang sasabog na naman sa kanyang dibdib. Lumapit ito sa kanya bago ngumiti. “Na-miss ko bigla iyung french toast mo eh.”
“Ikaw naman kasi, hindi ka na pumupunta para sumabay sa amin,” wala sa loob na sabi niya. Muntik na siyang mapatutop ng bibig dahil sa maaaring maging reaksiyon nito. Pero magmumukhang guilty din siya kapag lalo siyang nag-inarte. Me and my big mouth. For the life of her, he flashed his smile that broke a thousand hearts, including hers. Look at that man. How can I move on if he will always be like this? This is too much. I really need to stop before he breaks my heart again. But, her lonely heart has been going through an unexplainable melancholy that got worse over the years. She did not want to pine for him anymore because she was too tired of enduring heartbreaks and repairing her heart everyday.
“Pasensya ka na ha. Busy eh,” parang nahihiya pang sabi nito at umakbay sa kanya kaya napapitlag siya at napalayo rito.
Napapahiyang inilibot niya ang tingin nang makarinig ng mga pagtikhim galing sa mga kasamahang bakante sa trabaho. Alam niyang napansin sila ng mga ito. Pasimple pang nakangisi ang mga ito. Ang iba ay kumakanta pa ng awit sa kasal kaya lalo siyang nailang. Muli niyang tiningnan si Carlo na nakakunot ang noo. Mabuti na lang at mukhang hindi nito napansin ang reakksiyon ng makukulit niyang kasamahan. Palibhasa ay mas bata sa kanya ang mga ito at karamihan ay mga lalaki kaya makukulit din. “Wala iyon,” sabi na lang niya at iniligpit ang mga gamit.
“Tapos ka na ba?”
“Ahh oo.”
“Tara, nagugutom na ako. Lunchtime na rin naman.”
“Ahm hindi kasi-”
“Sige na, ma’am, pagbigyan niyo na iyang manliligaw niyo. Kami na bahala rito.”
“Hindi ko siya manliligaw,” defensive na balik niya sa mga katrabaho. Nagsisipulan pa ang iba at mapang-asar pa na nag-chi-cheer sa kanya. “Guys, this is Mr. Carlo Torillo, boyfriend of my younger sister.” Nagsitanguan lang ang mga ito at bumati sa lalaki bago nagkunwaring abala sa drawing table.
“Let’s go,” hatak nito sa kanya.
“Hindi na muna, Carlo. I need to supervise them because-”
“Ma’am, tapos mo na kaming i-check isa-isa. Itong si Kuya Jay na ang bahala sa iba,” sabi ng isa na namang makulit na junior architect na sinang-ayunan pa ng kunsintidor na kasama niyang senior architect.
“I guess, wala na namang problema.”
“Rose might-”
“Rose is not here. Tara na Magnolia. Nagugutom na ako.”
“Aba! Bakit, ako ba ang magseserve sa ‘yo ng pagkain? Kaya mo nang mag-isa iyan. Hindi pa ako nagugutom.”
“Kailangang kasama kita.”
“At bakit? Gusto mo bang subuan pa kita?”
“Uy ang sweet naman nun, kiss, kiss. Baka langgamin pa kayo. Sana all sinusubuan,” patuloy na pang-aasar ng mga lalaki. Naiinis na dinampot niya ang mga pambura at binato ang mga iyon isa-isa na lalo lang ikinatawa ng mga ito.
“Sir, hindi pa nag-la-lunch si Ma’am Lia kaya medyo masungit na. Idol iyan eh sobrang sipag. Pakainin niyo na muna iyan.”
“Thanks guys,” nakangiting sabi nito at mabilis na binitbit ang bag niya bago siya hinila palabas ng opisina. Pumalag pa siya pero masyadong mahigpit ang pagkakawak nito sa braso niya kaya wala na siyang nagawa nang pumasok na sila sa elevator pababa sa sasakyan nito sa basement parking ng building.
“Bakit na naman, aber?”
“Bayad ko doon sa mga libreng breakfast.”
“Hindi naman kasi ako naniningil.”
“Ikaw na ang nagsabi last time na maniningil ka na next time.”
“Bayaran mo na lang ako next time.”
“Ngayon na pati iyung advance payment ko sa susunod na breakfast, ibibigay ko. Libre ko naman lahat ng kakainin natin. Mayaman ako,” pagbibiro nito na astang mayabang kahit nagmukha lang itong isang gwapong komikero.
“Alam mo, hindi ko ma-imagine na magiging ganyan ka kakulit. Masungit ka kasi noong high school.”
“Masungit ako? Baka ikaw. Miss Sungit ka nga eh kaya nga kahit gusto kitang kausapin, nahihiya ako.”
“Kapal mo noh. Ikaw kaya iyung hindi namamansin.”
“Oo na nga, sige na, kasalanan ko na.”
Patuloy lang din silang nagkuwentuhan habang nagmamaneho ito. Napansin niyang nasa boundary na sila ng Pasig at Rizal kaya nagtanong siya na tinawanan lang nito. Nasa BGC pa kasi ang building nila kaya nagtaka siya kung bakit nakarating na sila doon. “Nagugutom na talaga ako, Carlo.”
“Pasensya ka na ha. Kailangan kitang dalhin dito. Kaunting tiis na lang,” anito at pinisil ang kamay niyang mabilis niyang binawi. Pagkalipas ng ilang saglit ay nakarating na sila sa isang simple pero relaxing na overlooking restaurant.
“Bakit ba dito pa tayo pumunta? Ang layo talaga nito Carlo,” reklamo niya. Iginala niya ang tingin pero natuwa naman siya nang tumanaw sa labas. “Pero maganda pala talaga. Thank you very much,” sinserong sabi niya.
“You’re welcome.”
“May sasabihin ka ba?”
“Oo sana, pero mamaya na lang.”
“Ano nga?”
“Kain na muna tayo. Nagugutom na rin ako,” sabi nito bago tinawag ang waiter para umorder. Mabilis din namang inihain sa kanila ang mga pagkain. Dahil sa gutom ay hindi na siya umarte pa na parang nagda-diet o mahinang kumain. Besides, hindi niya naman date o manliligaw ito. Bahala na talaga ito sa iisipin nito basta nagugutom na siya period. Nang matapos na sila sa main course, saka naman inihain ang paborito niyang chocolate mousse. Nagtatakang napatingin siya rito na ipinagkibit-balikat lang nito. Kikiligin na talaga siya sa ideya na alam nito ang gusto niyang dessert pero mabilis din niyang iwinaksi iyon sa isip.
"Ano ba talaga ang pag-uusapan natin, Carlo?"
"Ahh kasi…" Napangiti pa muna ito nang alanganin bago kumamot sa batok nito.
"Kasi?" Manliligaw ba siya? Bruha! Bakit manliligaw eh boyfriend iyan ng kapatid mo. Naku ilusyunada.
"Nahihiya talaga kasi ako sa 'yo pero kailangan ko nang sabihin. Matagal na talaga ito at gusto ko nang gawin pero kailangang malaman mo muna."
"Sabihin mo na kasi." Ano ba ang drama nito? Parang sasabihin lang na manliligaw sa kanya. Manliligaw ba ito? Kasi kung oo, baka naman sagutin niya agad ito. Kung alam lang nitong matagal na niya itong hinihintay? Kaya please lang naman. Pero wait pala, hindi naman pwede iyan. Kawawa naman din talaga ang kapatid niya.
Lumuhod ito sa harap niya at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. "Magnolia, will you marry me?" Para bigla siyang nabingi. Tama nga yata ang kanyang hula na manliligaw ito pero niyayaya na agad siya nitong magpakasal. Nalaglag ang mga panga niya.