Chapter 18: Pleasant Revelations

2126 Words
Maagang nagising si Magnolia. Madilim pa ang paligid pero hindi na siya inaantok. Bukod sa maaga siyang natulog nang nagdaang gabi ay nasasabik na siya sa unang araw niya sa kumpanya ng pamilya. Isa na siya sa magiging senior architect doon. Dapat ay nasa managerial na posisyon na siya pero siya na rin ang humiling na maging isa munang senior architect. Sakto naman dahil magkakaroon din ng mass promotion para sa mga matatagal at mahuhusay na junior architect sa opisina. Isasabay na din siya sa pagpapakilala sa mga iyon. Ang hiling lamang niya ay makasundo niya ang mga katrabaho para mas lalo naman siyang malibang sa gawain. Siyempre willing naman siyang makisama sa lahat ng naroon lalo na at ang Daddy niya at mga kapatid nito ang nagpapatakbo doon. Isa pa, tapos na naman siya sa phase na kailangan niyang mahiya at magtago sa mga tao. Sapat na sa kanyang maunawaan na tanggap siya ng pamilya at mga kaibigan para magkaroon ng lakas ng loob humarap kahit kanino. Habang kumakain ay panay ang tanong ng kanyang Daddy kung handa na raw ba siya. Okay naman dito na magbakasyon pa siya pero siya na ang nagpilit na papasok na dahil mahigit isang buwan na siyang nakatambay lang at minsan naman ay wala siya sa kundisyong lumabas at magpinta. Tama nang maipinta niya si Carlo noong nakaraang linggo at ibigay iyon dito. Simula nang mangyari iyon ay lagi na siyang umiiwas dito kahit palapit-lapit ito. Tanggap naman niyang hindi pa siya immuned dito lalo na ngayong mas naging makisig pa ang mapang-asar na lalaki. Ewan niya kung nahahalata ba nito ang pag-iwas niya pero sa totoo lang ay wala na siyang pakialam. Mahalagang mailigtas niya ang puso mula sa panibagong panganib nito. Dalawang beses pa lamang niya muling nakita ito. Una, noong puntahan nito ang kanyang kapatid pero wala naman sa bahay kaya siya ang kinulit nang kinulit nito kaya nasinghalan niya. Paano ay saktong pababa siya ng hagdan saka pa siya nito ginulat kaya muntik na siyang mapaupo sa isang baitang. Sa inis, pinalo niya ito ng hawak na canvas pero nakaiwas kaya para silang mga batang naghabulan sa hardin. Pikon na pikon siya pagbalik ng bahay dahil hindi niya ito mahuli. Tawa lang nang tawa sa kanila ang mga magulang pero gusto niyang hambalusin ito dahil habang tumatawa ito parang nang-aakit. Nasapo niya ang mukha ng dalawang kamay dahil tuwing maiisip niya ito, hindi na nawawala ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam tuloy niya ay defense mechanism na lang niya ang pagsusungit dito. Nang pangalawang beses niyang makita ito ay sinadya pa siya sa likod ng bahay. Kung kailan nasa kalagitnaan siya ay saka naman nito naisip na abalahin na naman siya. Kuwento na naman ito nang kuwento ng kung anu-ano. Malayung-malayo ito sa Carlo noong kabataan nila. Patawa pa ito nang patawa sa kanya kaya nawawala sa pagpipinta ang konsentrasyon niya. Tumigil lang din ito nang tawagin ng kapatid niyang inirapan pa siya bago tumalikod. Basta kailangan talaga niyang iwasan ito dahil hindi na siya sigurado sa sariling nalimutan na niya ito. Para bang may pinto siyang ikinandado pero nahanap nito ang susi at pilit na binubuksan. Nakakainis man talagang isipin, alam niyang talo siya rito kapag nagkataon kaya kailangan niyang iwasan ito. Nasa kalagitnaan sila ng pag-aalmusal nang dumating ito. “Good morning po,” nakangiting bungad nito sa kanila. “Good morning naman, hijo,” nakangiting bati ng lola niya. “Halos araw-araw ka na yata dito. Dito ka na nga lang tumira,” natatawang sabi ng Daddy niya. “Eh kasalanan iyan ni Magnolia, Tito eh.” “Bakit ako, aber?” Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kilay. “Pikon talaga itong future hipag ko,” biro nito na lalo niyang ikinabuwisit. “Pahingi naman ako ng french toast mo.” Agad naman din itong umupo. “Kapal mo. May bayad na,” pagsusungit niya. “Ikaw, anak matulog ka kaya muna. Puyat ka siguro kaya masungit ka. Mamaya pati mga ka-opisina mo, masungitan mo,” sabad ng Mommy niya. “Hindi po, Mommy. Sa kanya lang ako masungit kasi laging may libreng almusal dito,” biro na lang niya para hindi mapansin ng mga ito ang pagiging defensive niya. “Oh ayan parekoy, huwag mo muna iyang ubusin. Hindi pa kumakain si Rose ha,” sabi niya rito. "Sungit talaga," natatawang sabi nito bago pinisil ang tungki ng ilong niya. "Aray! Loko ka, tatamaan ka sa akin," defensive na sabi niya. Ano bang problema nito? Bakit nito ginawa iyon lalo na sa harap ng pamilya niya? Mamaya iba pa ang maging interpretasyon ng mga iyon dahil siya mismo ay nais nang bigyan ng kahulugan ang mga pangungulit nito kung hindi lang siya nagiging realistic. Tama nang minsan siyang sinaktan nito at hindi na iyon dapat maulit pa. Tumigil din siya pag-aanalisa ng mga nakakainis pero nakakakabang kilos nito nang maisip na baka ganoon lang talaga ito. Baka pinipilit din lang nitong makipag-lapit sa kanya tutal boyfriend na ito ng kapatid niya. Kailangan niyang matutong makibagay dito dahil delikado na naman ang puso niya rito. Hindi nito pwedeng malaman na hindi pa nawawala ang parang teenager na reaksyion dito. Naisip niya na tama ang kasabihang old habits die hard. Malaking bagay talaga na matagal niya itong hindi nakita kaya ganoon ang reaksyion niya. Nagtataka ka pa talaga? Aminin mo na lagi mong naiisip iyang herodes na iyan. Okay, naiisip ko siya dahil nasaktan lang ako. Part din naman iyon ng healing process ko pero walang ibang kahulugan iyon. Ayusin mo muna ang sarili mo, Magnolia, kung ayaw mong malagot na naman sa lalaking mapang-akit. Nang mapatingin siya rito ay ngiting-ngiti pa rin ito sa kanya. Para itong batang mapang-asar. Bigla niyang naalala ang bully niyang kaklase noong elementary siya. Lagi siyang pinapaiyak nito kaya siguro naging loner o mukhang masungit siya. Marahil ay iyon ang naging defense mechanism niya para hindi na siya lapitan ng mga bata at kabataang walang gagawing mabuti sa kanya. Pero sa halip na mainis ay para bang gusto niyang kurutin ang pisngi nito, pupugin ito ng halik, at kilitiin hanggang sa tumawa ito. Napatigil siya sa pag-iisip. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil bumabalik siya sa dati. Pinapantasya niya na naman ang lalaki. Mas malala pa dahil kaharap niya ito mismo saka pa talaga siya nag-daydream. Tinalo niya pa ang sarili niya nang high school pa sila. You're in love with him, Magnolia. Admit it because you never stopped loving him. Nagulat na lamang siya nang may pumasok na hiwa ng carrots sa bibig niya. "Curry," pagmamayabang pa nito. Dahil nanatiling nakaawang ang bibig niya ay inulit pa nito iyon at may pumasok na naman sa bibig niya. "Durant," at isa pa, "Lebron." Tawa ito nang tawa sa kanya kaya hindi niya napigil ang sarili at dinampot ang table napkin bago ibinato rito. Tumama sa mukha nito. Lalo lang itong tumawa kaya napikon siya at tumayo na. "Daddy, Mommy, Lolo, Lola, mauuna na po ako sa office," napipikong sabi niya. "Ikaw na bata ka, ngayon ka pa napikon sa kaibigan mo." "Oo nga naman. Huy sorry na, biro lang," nahihiyang sabi nito bagaman nakangiti pa rin. "Bigla ka kasing ngumanganga eh." "Bwisit! Daddy oh!" "Naku, ano ba iyang batang iyan?" Napapailing ang Mommy niya sa kanya na parang gustong matawa. "Ikaw, Carlo, napipikon na iyang kaibigan mo. Hala, pumasok na nga kayo sa opisinang dalawa. Ikaw, mahal, hindi ka pa ba papasok? Malapit nang mag-rush hour." "Papasok na rin ako," sabi ng daddy niya at humalik sa mga labi nito. "Hija, coding ka ngayon, sumabay ka na sa akin." "Ako na lang po ang magsasabay sa kanya. May itatanong din kasi ako sa kanya." "Oh sige, hijo. Sigurado ka ba?" "Opo naman, Tito. On the way naman ang building niyo papunta sa amin. Tara na, Magnolia," anito at hinila ang braso niya palabas ng kusina. Pinakawalan lang siya nito nang makasakay na sila ng kotse. "Sandali nga," singhal niya. "Magpapaalam pa muna ako sa kanila." "Nagpaalam ka na kanina lang. Pikon na pikon ka sa akin kaya nakalimutan mo. Bati na tayo please," natatawang sabi nito at pinasibad na ang kotse. Hindi niya pinansin ito at tumingin lang sa bintana sa tabi niya. "Huy, my pretty hipag," sabi nito at kinalabit siya. "Ano ba? Diyan ka sa daan tumingin!" "Ang sungit mo talaga kaya lalo kang gumaganda." Bwisit na lalaking ito talaga! Kung hindi niya lang alam na pinagtitripan siya nito ay baka kinilig na siya. Tinandaan na niya na kapag duma-damoves ito ay inaasar lang siya nito o nalilito lang. Sa mga ganoon nito iyon dinadaan at hindi na siya magpapabiktima rito. "Ano ba kasing sasabihin mo?" "Wala lang. Gusto lang naman kitang kumustahin? Thank you pala doon sa painting mo ha. Suwerte ko pala at saktong nandoon ako. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng gawa mo. Maganda kasi talaga ang mga iyon eh lalo na iyung nasa exhibit mo dati sa Singapore. Kung may trabaho lang din kasi, ako na dapat ang bibili nun kaya lang mas malaki iyung offer ng isang art collector eh, iyung Japanese. Napatingin siya dito. Paano nito nalamang Japanese din ang nakabili ng gawa niya na tinutukoy nito. "Paanong-" "I was there. Matagal mo na kasi akong fan," simpleng sabi nito. "Wait magpapa-gas lang tayo," sabi nito at inihimpil na ang sasakyan. "Oh bakit nakatulala ka na naman diyan? Baka ngumanga ka na naman." "T-thank you," sinserong sabi niya rito bago may pumormang ngiti sa mga labi niya. "Wait!" Nagmamadali nitong inabot ang camera sa backseat. "Bakit?" "Smile ka na muna ulit please," seryosong sabi nito. "Para kang ewan," nakangiting sabi niya rito. "Thank you," sabi nito at muling tumingin sa camera. "Beautiful," wala na naman sa loob na sabi niya dito. "Tumigil ka diyan ha! Mas beautiful naman talaga si Rose," pagdidiin niya. Napatingin ito sa kanya nang ilang segundo bago parang natauhan. "Right," simpleng sabi nito at muli nang pinaandar ang sasakyan. Natulala na naman siya sa biyahe. Pinili na lamang niyang muling tumingin sa mga lugar na nadadaanan nila kahit na wala namang interesante doon. Muling na namang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Parang gusto niyang matuwa sa sinabi nito. Hindi niya makalimutan ang ekspresyon ng gwapong mukha nito at parang malambing na pagkakasabi nito na maganda raw siya. But, she must not let her guard down. He was bound to give her another heartbreak. Besides, he was set to marry her sister. She should not fall in for him again. For damn sake, it would never be right. Why did he have to say that? Was he doing it on purpose? It was as if she was the most beautiful in his eyes. But she knew better so she would never let herself give in to him again. She remembered her plan to stay away from him because she might not still her fragile heart if something stupid happened. "Carlo?" "Yes?" Hindi ito nakatingin sa kanya. "Humarap ka nga sa akin." "Why?" "Basta tumingin ka muna." Hindi siya pinansin nito at nanatiling sa daan nakatutok. "Hoy, lalaki!" "Bakit ba?" Tumingin na ito sa kanya pero agad na nagbawi ng tingin. "You love my sister." "Y-y-yes," nauutal na sabi nito. "You look funny, man. What's the matter?" "Nothing." "I just want you to promise that you will not make her cry." "Promise," simpleng sabi nito. "Thank you very much." Hindi na muling tumugon ito. Tahimik na tahimik lang sila pareho hanggang sa maibaba siya nito sa tapat ng building. "Thank you. Mag-ingat ka." Ayaw man niya ay naging malambing pa rin ang pagkakasabi niya rito. Napatingin ito sa kanya nang ilang ilang segundo bago simpleng tumango at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Wala sa sariling tinanaw ang papalayong sasakyan nito hanggang sa parang kasinlaki na lang din ito ng langgam. Nagulat pa siya nang lapitan siya ng security guard at patabihin dahil may sasakyang magbaba sa driveway. Mabilis siyang tumabi at mabagal na pinagmasdan ang paligid. Muli siyang tumingin sa sasakyan nang bumaba ang mga nakasakay doon. Nalaman niya na ding company shuttle pala iyon. Pumindot na siya sa elevator at sumabay sa mga empleyado. Wala pa din naman siyang access sa express elevator para sa mga executive. Okay din naman iyon sa kanya dahil para sa kanya ay simpleng empleyado pa siya roon saka maaga pa siya ng sampung minuto bago ang simula ng trabaho. Pagdating niya sa puwesto niya, natutop niya ang bibig. Parang may kung ano na namang humaplos sa kanya nang maalala ang mga tagpo sa kotse. Mahal niya pa rin si Carlo. She never stopped loving him, and maybe she would always stay in love with him. But the sad thing was he would never love her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD