Nakangiting nilapitan ni Carlo si Rose na nakasimangot sa likod-bahay. Weekend na naman noon and as usual kasama na naman siya ng lolo at lola niya para dumalaw sa kaibigan ng mga ito.
He has always found her cute and pretty. Rose was already his girlfriend. He was older than her by four years but they didn't mind. It was still a secret because she was only fourteen, a minor, a young lady.
Bigla niya tuloy naalala ang usapan nila ng kanyang daddy.
Five years ago...
Labindalawang taon siya noon at katatapos lang ng elementarya. Sa probinsiya na siya nagkaisip at lumaki sa kagustuhan na rin ng mga magulang niya. Naroon kasi ang main branch kanilang negosyo. Ang daddy niya at mga kapatid dito nito ang nagpapatakbo ng hacienda. Pero nakiusap ang lolo at lola niya na sa Maynila na siya mag-aral. Ang mga ito naman ay sa siyudad naglalagi dahil mas gusto raw ng mga ito doon. Isa pa, gusto ng mga itong maka-bonding ang matalik na kaibigan ng mga ito na mag-asawa rin. Tuwing Sabado daw dumadalaw ang mga ito sa bahay ng isa't isa.
Sa araw na iyon ay mga kaibigan ng mga ito naman ang dadalaw sa kanila. Dalawang beses pa lamang niya nakikita ang mga ito. May dalawang apo ang mga ito na parehong babae. Parehong mas bata sa kanya ang mga ito. Natutuwa siya sa bunsong babae na si Rose dahil bibo ito at malambing samantala ang ate naman nitong Magnolia ang pangalan ay parang laging may sariling mundo. Babatiin sila nitong may tipid na ngiti pagkatapos ay hindi na kikibo. Minsan ay lalabas ito at magtutungo lang sa hardin o hindi kaya ay sa likod-bahay nila. Lagi lang naman itong nakatingin sa malayo kaya parang gusto niyang isipin na hindi normal ito.
Pagdating ng mga ito ay bumati agad si Rose. "Good morning po," masayang bungad nito at nagmano sa lolo at lola at mga magulang niya. Ganoon din naman ang ginawa ng ate nito at naupo sa isang sulok. "Hello, Carlo," nakangiting sabi nito at tumabi sa kanya. "How are you?"
Napangiti siya rito. She was so cute and pretty. Hindi niya ma-imagine na pwede palang pagsamahin iyon gayong napakabata pa nito. "Hello, Rose, okay naman ako. Kumusta ka?"
"Okay din. Tara maglaro tayo," masiglang sabi nito at hinila siya palabas.
Tahimik lang niyang pinapanood ito. Nakangiti lang siya dito kahit wala namang kakaiba sa ginagawa nito. When she smiled at him, something warm enveloped him. "You're so pogi," humahagikgik na sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
Napapitlag siya pero lalo siyang napangiti. "You're so pretty rin."
"Totoo?"
"Oo."
"Yehey. When I grow up, you will be my prince charming," masayang sabi nito at isinuot sa isang tainga nito ang napitas na gumamela.
"Rose, Carlo, kakain na raw." Nang hanapin niya kung saan nanggaling ang magandang boses ay nakita niyang palapit si Magnolia.
"Nandiyan na pala si manang sungit," nakasimangot na sabi nito.
Tumayo na sila ni Rose at lumapit kay Magnolia. Ganoon pa din ito. Wala itong kangiti-ngiti sa kanila at tumango lang bago tumalikod. Habang kumakain na sila ay napatingin siya kay Magnolia at nahuling nakatingin ito sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito at yumuko. Nagtataka din talaga siya kung bakit ganoon ito. Kanina pa ito. Titingin ito sa kanya saka bigla lang namang yuyuko o magbabaling ng tingin sa ibang direksiyon kapag napansin niya.
Bandang hapon na nang magpasyang umuwi ang mga ito. Nanatili siyang nakatitig kay Rose nang may malapad na ngiti sa mga labi. "Maganda ang ngiti mo, anak." Pagtingin niya ay ang daddy niya pala ang nagsalita at inakbayan siya. "Crush mo ba ang bunso?"
"Opo," nahihiyang sabi niya at pinamulahan ng mukha. Kung makikita siya ng mga kaibigan niya ay baka pinagtawanan na siya. Binatilyo na siya saka siya nagka-crush sa isang walong taong gulang na bata. Pero anong magagawa niya kung maganda naman talaga ito.
"Binata na talaga ang anak ko. Paglaki mo pa, Carlo, pakakasalan mo ang isa sa kanila."
"Kayo po talaga, daddy."
"Seryoso naman talaga ako, anak."
"Tingnan po natin." Marrying Rose was not a bad idea after all. The idea was appealing to him. She even told him he would be her prince charming. Maybe when the right time comes, he would court her and make her his princess.
Nagbalik na ang isip niya sa kasalukuyan.
"Guess who," nakangiting sabi niya habang nakatakip ang mga kamay niya sa mga mata nito.
"My super duper handsome boyfriend," she giggled.
"You guessed it right," aniya at mabilis na kinintalan ito ng halik sa mga labi. "Why the long face, sweetie?"
"Si manang kasi," anito at itinirik ang mga mata.
"Sinong manang?"
"Si Ate Lia kasi eh."
"What did Magnolia do to you?" Kaklase niya ito at mas matanda siya rito ng dalawang taon. Dalawang beses itong na-accelerate dahil likas itong matalino.
Kaya lang total opposite ito ni Rose. Kung anong ikinabibo nito, ay sobra namang loner ang ate nito. Rose was like a ray of sunshine while Magnolia was like the moonlight. Ganoon pa din ito kaya bihira niyang makausap ito at parang ilang salita lang ang palitan nila.
Masayahin ang kanyang kasintahan. Palangiti ito at napakalambing sa kanya. Ang ate naman nito ay hindi pa yata niya nakitang ngumiti kahit kailan. The weird one ang bansag ng mga kaibigan niya rito dahil lagi itong nag-iisa sa klase nila. Naiintindihan naman niya iyon dahil mas bata ito sa karamihan. Pero nagtataka siya dahil si Rose naman ay nakakasundo niya sa maraming bagay.
It was either Magnolia was shy or just a snob. He didn't care anyway. After all, they have never talked since they met. Mga tipid na ngiti at tango lang ang palitan nila. Mabait naman ito kung tutuusin pero iba ang trip nito kaya hindi niya masakyan.
Muli niyang tinanong si Rose. "What did your Ate Magnolia do this time?"
"I hate her, my boyfriend! She always tries to get lolo and lola's attention. Lagi pa akong pinupuna. Palibhasa nagpapasikat dahil ako ang paborito dito."
"Oh iyon naman pala eh. Bakit nagseselos ka pa?"
"Wala," matamlay na sabi nito.
"Hey sweetie, please cheer up. I'm here. You're my favorite."
"R-really?"
"Of course. You're my girlfriend, my sweetheart," malambing na sabi niya rito at muling dinampian ng halik ang sentido nito.
"What if she tries to take you away from me?"
"Your Ate Magnolia?"
"Yes."
"Why?"
"I know she likes you so much."
"That's not true."
"It is! I saw how she looked at you. That's why I'm asking you."
"That will never happen, my lady. And if she does, she will not succeed because I'm yours and yours only."
"Totoo ba?"
"Oo."
"Yehey. Thanks," masayang wika nito at ito naman ang humalik sa mga labi niya. Hinila pa nito ang kuwelyo niya para lalo pang maglapat ang mga labi nila.
"W-what a-are you doing?"
"Magnolia!" Agad siyang humiwalay kay Rose at napatingin na lang dito.
NATAPOS na ni Magnolia ang mga assignment niya kaya excited siyang bumaba dala ang sketchpad at ilang gamit niya sa pagguhit at mga pangkulay. Masayang-masaya siya kapag weekend dahil mahaba ang oras niya para gumuhit ng kung anu-ano.
Pagdating sa living room ay naabutan niyang nagkuwentuhan ang lolo at lola niya kasama ang lolo at lola ni Carlo. Para siyang pinainom ng Isang litrong kape dahil bigla siyang sumigla kasabay ng pagdoble ng bilis ng t***k ng kanyang puso. Malakas ang kutob niyang naroon din si Carlo.
"Kumusta ka na, hija? You're getting even prettier," magiliw na sabi ng lola ni Carlo.
"Okay naman po. Thank you po," tipid ang ngiting sabi niya at nagmano sa mga ito. "Doon lang po muna ako sa likod-bahay."
"Sige hija, enjoy."
Lumabas siya sa bandang gilid ng bahay pero sa halip na likod na dumiretso, nagpasya siyang pumunta sa unahan para lang madismaya dahil wala room ang pakay.
Bumalik na siya at tumuloy sa likod-bahay. Nandoon na pala si Carlo. Pero sa halip na matuwa, natutop niya ang bibig sa naabutang tagpo. Hayun ito at si Rose, magkatabi at naghahalikan.
Kasabay ng parang batong bumagsak sa dibdib niya ay ang pag-aalala sa kapatid. Paano kapag may nakakita sa mga ito? Menor de edad pa lang ito kaya hindi magandang makitang nakikipaghalikan ito.
"Rose," naeeskandalo niyang tawag dito.
"Pasok muna ako, boyfriend. Nandito na si Manang," natatawang sabi nito at inirapan siya pagkatapos. Nanatiling nakatutop ang kaliwa niyang kamay sa bibig habang ang isa niyang kamay ay nanginginig at madiin ang pagkakahawak sa mga bitbit niya.
"Ahm Magnolia," bungad ni Carlo kaya muling nabaling ang atensiyon niya rito. As usual, he flashed his signature smile that never failed to take her breath away. Carlo Frederico Torillo or simply Carlo is the epitome of campus heartthrob. He had a pair of dark brown eyes, pointed nose, razor thin lips, and a prominent jaw. When combined, he looked like a demigod who went down from Mount Olympus. He was tall, and she was sure he had a well-toned body even if she had never seen him shirtless. After all, he was the captain of their school varsity team. And most of all, Carlo was intelligent. So to say he was a complete package was a huge understatement. But what made her drawn to him was his air of mystery.
He was nice and friendly to everyone but it seemed that no one had ever got close to him. He was like a can that when opened, another lid would easily appear. "Magnolia?"
"Huh?" Noon lang siya tila natauhan. Kinailangan pa nitong pumitik sa ere at itapat ang kamay nito malapit sa mukha niya.
"Ahm I would like to apologize for the you know, the kissing scene."
"I u-understand."
"I hope no one else will know about it. I mean, is it fine if it remains between us?"
"B-but R-Rose is still too young."
"Don't worry, we are serious about each other."
"That's not the point."
"I promise to take care of her. Nothing bad will happen."
"But Lolo and Lola have to know about this."
"Please, Magnolia. Please keep it as our secret. I really like your sister," malinaw ang pagsusumamo sa boses nito.
"Carlo..." She was lost for words. He liked her sister. Was he in love with her already? She didn't want to know. It felt like a thousand bees were stinging her chest. "D-do y-you promise that?"
"I promise."
For a moment, she wished he would say no or he was just kidding, but the words did not come out of his mouth. She felt wretched for being desperate and inconsiderate, knowing that the guy is already her sister's boyfriend. "I'll hold you to that."
"Sige, papasok na muna ako sa bahay," sagot nito na may matipid na ngiti.
"Alright," mahinang tugon niya at inilapag na ang mga gamit sa mesa. Paglingon niya sa pintuan papasok ng bahay ay nagulat pa siya dahil titig na titig sa kanya si Carlo. Gusto niyang kiligin sa tagpong iyon. But she knew better. He liked her sister, not her. Maybe he was just worried that she might tell what she saw to their parents and grandparents. Of course she would not do that.