Chapter 3: Feelings Almost Revealed

2258 Words
Tahimik na nakikinig si Magnolia sa kanilang guro. Malapit na ang kanilang periodical test kaya nangangahulugan iyon na maraming mga kung anu-anong proyekto ang kailangang ipasa kagaya ng research paper. Mas hectic dahil malapit na silang gumraduate sa senior high kaya kailangan niyang ayusin ang mga gagawin kung gusto niyang makapag-kolehiyo. So far, matataas naman ang grades niya sa first, second, and third grading. Kung tutuusin ay sigurado naman papasa na siya kahit maging mababa ang marka niya sa fourth grading. But she would not let that happen. She wanted to make her family happy. She wanted to be her sister’s role model. Rose was quite rebellious, so she was trying her best to guide her. But she did not know why her sister was always angry with her. Nang mapatingin siya sa dulo ng hilera ay nakita niya si Carlo na patagong gumagamit ng cellphone. May ka-text marahil ito o baka naglalaro ng mobile games. Kunwari pa itong nakikinig kahit halata namang iba ang pinagkakaabalahan nito. She could care less, but she couldn’t take her eyes off him. How could she? He was a sight to behold, and by just staring at him, she could imagine the beautiful tulip fields in the Netherlands. She could picture them out holding each other’s hand while walking along the path with the blossoming tulips on each side. Suddenly, her heart started to thump faster. She could very well remember the first time she felt it. It was the first day of school then. She was still a freshman, so she did not know anyone on the campus. She walked timidly toward the open quadrangle for their flag ceremony. Finally, she found her classmates, so she walked faster until she bumped with someone. Nang tingnan niya ito ay nakakunot ang nito habang nakantingin din sa kanya. And boy, he was so gorgeous. Para itong isang hero sa mga romance novels na lumabas sa libro para puntahan siya. “I’m s-sorry,” she said nervously. To her bewilderment, he just smiled at her and walked towards his classmates. It was Carlo, the campus heartthrob, her first crush. Ito na ang naging inspirasyon niya sa pagpasok araw-araw. She did well in all her subjects until she got accelerated twice. Ngayon tuloy ay sabay silang ga-graduate at bonus pang magkaklase sila. The problem was, Carlo never spoke with her. Wala naman kasing pagkakataon para makapag-usap sila dahil laging magkaiba sila ng grupo. Kahit magkahilera sila sa ibang subjects ay hindi naman sila naging magkagrupo sa mga reporting at projects. Natural doon ito sa mga kaibigan nitong kasama rin nito sa basketball team. Magkaiba rin ang mga trip nila sa buhay. Carlo was the campus Golden Boy, and she was an Average Jane. Worse, some people secretly called her weirdo. She was a loner, an idiosyncratic person. Ganoon naman talaga karamihan ng mga artist. Artists are introverted and different in nature, but she did not mind at all. Pero siguro malaking factor din ang age gap niya sa ka-batch kaya wala siyang gaanong kasundo, maliban na lang sa pinsan ng kanyang crush na si Liberty. Kalay ang pabirong tawag niya rito, Kalay short for Kalayaan, tinagalog na Liberty. At ito na rin ang nagpabalik sa kanyang alaala nang pasimple siyang sikuhin nito. “K-Kalay, bakit?” “Makinig ka nga kay Ms. Esguerra. Alam mo namang terror si ma’am. Mamaya makita ka pang nakatulala diyan sa pinsan ko, maparusahan pa tayo buong row.” “Ha? H-hindi-” “Hay naku, kanina pa kita inoobserbahan. Crush mo si Carlo noh?” “Ano ka ba?” Mabuti na lang at walang nakakarinig sa bulungan nila. “Ms. Magnolia Villarama and Ms. Liberty Ferrer, do you want to stand in front of the class? I assume you are talking about a very interesting subject. Do you want to share it with us?” “Ahh ma’am no-” “Ms. Villarama, kanina ka pa nakatitig diyan kay Mr. Torillo. Crush mo ba iyan?” Nag-init ang kanyang pisngi sa tinuran ng kanyang guro. Lalo siyang nahiya nang magtawanan ang kanyang mga kaklase “Uy namumula si Lia, Pareng Carlo. Napakakisig mo talaga pare. Pahalik nga muna,” natatawang sabi ng katabi nitong si Joseph. “Will you shut up?” Bahagyang nainis ito at parang nailang dahil sa sinabi nito. “Ms.Villarama and you, Mr. Reyes,” tukoy nito kay Joseph. “Exchange seats.” “Huh? Ma’am okay na po ako dito sa dulo. Maganda po kasi ang ambiance dito saka iyung tanawin dito sa labas,” pagpapalusot niya. “Sa labas ka ba nakatanaw? Eh kanina ka pa nakatanaw diyan kay Mr. Torillo. Exchange seats now,” naiinis na sabi nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi makipagpalit ng upuan. “That’s better.” Lalong nagtawanan tuloy ang mga kaklase niya habang namumula na ang mga pisngi niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na sa pagrereport ang mga kaklase niya. Siya naman ay nagmistulang robot na titig na titig lang sa unahan. Pasimple niyang iginalaw ang mga mata at muli na namang pinagmasdan si Carlo na abala sa pagtetext. Hindi niya sinasadyang mabasa ang mabilis na tinitipa nito sa cellphone. Si Rose pala ang ka-text nito. Nasa klase din malamang ang kanyang kapatid kaya nabahala siya na baka ito naman ang mahuli. “Ahm C-Carlo.” Natataranta nitong itinago ang cellphone bago humarap sa kaya. “Yes?” Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. “Nasa klase pa ang kapatid ko. Baka makumpiska pa ang cellphone niya, alam mo iyan,” naiinis na sabi niya. “F-fine,” simpleng sabi nito at muling tumingin sa unahan at hindi na siya pinansin. Ganoon lagi ito sa kanya, isang tanong at isang sagot. Para bang walang interesante sa kanya at hindi siya dapat pagtuunan ng pansin kaya bahagya siyang nainis dito. Bakit ganoon ito? Sa kapatid niyang hindi hamak na mas bata sa kanila ay akala mo, kasing-edad lang nito kung kausapin. Samantalang siya para bang outcast o hindi nito kakilala kung pakitunguhan. Kapag sa bahay naman nila, ngiti at kaway o simpleng tango lang ang ibinibigay nito sa kanya. Sa school naman, kahit simpleng rekognisyon bilang kaklase nito ay wala man lamang. Nainis siya dito lalo kaya nag-mental note siyang kakausapin ito pagkatapos ng klase. Hindi nga nagtagal ay natapos na ang pagrereport ng mga kaklase niya. Nagbigay lang ng assignment ang guro nila at muling tumingin sa gawi niya. Sa gulat niya ay pasimpleng tumaas ang isang sulok ng mga labi nito at nginitian siya. Para bang sinasabi nitong “Go and get him, girl” Gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil kung anu-anong ilusyon ang nabubuo niya. As if naman na ma-get niya nga ito samantalang tutok na tutok ito sa kapatid niyang mas maganda sa kanya ng limang paligo. Dati biruan nilang magkapatid iyon noong medyo magkasundo pa sila. Iyon pala, tinotoo talaga nito at ngayon para bang mortal enemy siya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang galit din ito sa kanya. Nang mapatingin siya kay Carlo ay nakita niyang nakatingin din sa kanya ito at nakakunot ang noo. Naiirita na din siya sa lalaki. Sino ba ito para umastang napakaimportanteng tao sa kanya? “Yes?” Tumaas ang isa niyang kilay at sa gulat niya ay biglang ngumiti ito at tumawa. “Ang sungit mo naman, Ms. Beautiful,” pang-aasar nito. “Huy pare, dinidigahan mo agad itong si Magnolia. Mamaya mamulaklak na agad iyan.” “Siraulo,” naaasar na sabi nito. “You want to talk to me, right?” Hindi ito nakangiti pero bakas pa rin ang kapilyuhan sa mga mata. Aba napakahambog pala ng lalaking ito. Hindi niya alam kung naiinis siya dahil parang ang yabang ng pagkakasabi nito o dahil nahulaan nitong iyon ang sasabihin niya. Wala na siyang itatago dito dahil na rin sa teacher nila na ibinuking siya. “Yes.” Lalong nagkatawanan sa loob ng classroom nila. Nakalimutan niyang marami pa silang audience. “Sa cafeteria na lang pala.” “Uy lunch date,” tukso ng mga babae. “Iyan ang kumpare namin, babae na mismo ang nagyayaya ng date.” “Mga abnormal,” naaasar na sabi niya sa mga ito. Tawa nang tawa ang mga ito dahil noon lang daw siya nakita ng mga itong naiinis. Normal na tao daw pala siya kaya mabilis niyang kinuha ang mga gamit at sinadyang sikuhin sa tagiliran si Joseph na kunwari pang nasaktan. Mukha ba siyang retardate o hindi kaya’y descendant ng Green Children of Woolpit para pagkaguluhan ng mga ito? “Get lost! Mga bwisit!” Inis na inis siya sa mga makukulit na kaklase paglabas ng classroom. Pagdating nga niya sa cafeteria, naghanap agad siya ng mauupuan dahil medyo marami na ring tao doon. Doon siya sa pinakadulo pumuwesto at inilagay ang mga gamit. Dahil sa inis ay umorder siya dalawang tapsilog at chocolate milkshake, Maya-maya’y dumating na si Carlo na may halos walang ekspresyon maliban na lang sa nakataas na sulok ng mga labi nito na halatang nang-aasar lang. “Why do you want to talk to me?” Naupo na agad ito sa tapat niya at kasabay nito ay dumating ang order niya. “So, this is really a date huh?” Tila aliw na alliw ang tingin nito sa kanya. “Date mo mukha mo,” nanggigigil na bulong niya rito. “Akin lahat iyan.” Iyon lang at nagsimula na siyang kumain. “So ano ba ang pag-uusapan natin bukod sa pagtitig mo sa akin kanina? Wait, kaya mo bang ubusin iyan?” “I was not staring at you! I mean I was looking at you. Don’t you dare get the wrong idea,” naiinis na sabi niya nang makitang nakangisi na ito. “I was observing you because I know you were texting or chatting with my little sister. Paano kapag nahuli ang kapatid ko? Mapapahamak siya! Hindi mo ba iyon naiisip?” “Will you please calm down? Baka may makarinig sa iyo.” “Oh hindi ba, nabahala ka rin? Mag-isip ka nga nang matino. Kung hindi lang magagalit sa akin si Rose, isinumbong ko na kayo. Ngayon lalong hindi ako pwedeng magsumbong dahil lalabas na kinukunsinti ko pa kayo.” “So?” “Anong so? Eh ‘di concerned lang din ako sa inyo. Paano kung hindi ako iyung nakakakita sa inyo?” “Fine, I will tell lolo and lola about me and Rose. I will court her.” “No!” “Why?” “She’s too young for you! You’re eighteen, fourteen pa lang si Rose. Mahiya ka naman sa balat mo!” “And why should I be ashamed of myself?” “Because you’re too old for her. M-maybe when she gets older, like eighteen, pwede na. Or just be with someone of your age, or someone not as young as my sister.” “Eh sino ba? Ikaw?” Napatingin siya dito at natigil ang pagsubo niya ng kanin. Nakipagtitigan lang din ito sa kanya habang ngumunguya. Was he serious? He looked so damn serious that she wanted to believe him. “Well.” “W-what?” “I knew it. So, Ms. Esguerra was right. You like me that much huh?” “S-she was wrong. S-sige l-ligawan mo ang kapatid ko. P-pero bago mo sabihin kina lolo at lola siguruhin mong papayag silang manliligaw ka ng minor. Better yet, ako na lang ang magtatanong. Don’t worry, hindi ko muna sasabihin na ikaw.” “Now, I’m wondering. I don’t know whether you are protective or jealous. Do you like me?” “N-no,” mahinang sabi niya at yumuko para kunwari ay ayusin ang pagkain. “You know your sister thinks otherwise.” “What?” “She knows you like me.” “Know? Baka she thinks! I don’t like you. Hindi nga kita nakakausap, ngayon lang. Bahala kayo sa buhay niyo. Magpakasaya kayong dalawa basta hindi ako madadamay kapag hindi pumayag sina lolo at lola.” Nagmamadali nang tinapos niya ang pagkain at iniwan ito. MALALAKAS na katok ang umistorbo kay Magnolia habang gumagawa siya ng assignment. Nang buksan niya iyon ay ang kapatid niya ang bumungad sa kanya at pumasok ng kuwarto. “Yes?” “Wala lang. So, how does it feel to have a lunch date with my boyfriend, Ate Lia?” “That was not a date!” “Hindi naman talaga, ate, because Carlo is already my boyfriend.” “I just talked with and warned him about your relationship. You were texting during class! Paano kapag nahuli kayo ng teachers? Kapag nakumpiska pa ang cellphone niyo baka malaman nila. Madadamay pa tuloy ako kapag nalaman.” “We already talked and I assume he told you he would court me again para alam nina lolo at lola.” “W-what?” “Sinabi niya na iyan sa ‘yo. Nagseselos ka ba ate?” “Of course not!” “I know you like Carlo. Alam kong nagseselos ka. Matagal ko na kasing napapansin kung paano ka tumingin sa kanya. That was how I looked at him the first time I saw him. So please back off.” “I don’t like him. Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Makakalabas ka na dahil marami pa rin akong assignments.” Tinawanan lang siya nito at sinabihang denial queen bago ito lumapit sa pinto at muling tumingin sa kanya. Ngumisi lang muli ito sa kanya saka lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD