Parang biglang may nag-rigodon sa puso ni Magnolia. Kahit nakapikit siya ay hindi mapapagkit sa kanya ang boses na iyon. Maaaring kumapal, lumaki, at parang nagkaroon pa iyon ng karakter pero sigurado siya kung kanino iyon.
“Good afternoon, handsome,” humahagikgik na sabi ni Rose. “Halika dito sa tabi ko.”
“Good afternoon din, hijo. How’s work?” Kaswal na kaswal ang pagtatanong ng Daddy niya rito.
“Okay naman po, Tito. Medyo busy lang dahil launching ng bagong product.”
“Well, that’s good. Pahingi ako ng free taste ha,” pagpapatawa nito.
“Siyempre naman, tito. Iinom tayo nina lolo,” pakikisakay nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang naglalakad na ito palapit sa hapag-kainan habang nakatitig din sa kanya. Her heart thumped that she could feel and hear it. Pakiramdam niya ay nanginginig ang mga kalamnan niya kaya ibinaba niya ang mga kubyertos. “Good afternoon, Magnolia. Welcome back,” seryosong sabi nito sa kanya.
“T-thank you.”
“It’s been twelve years. Nice to see you again.”
“Nice to see you again, too,” simpleng sabi niya at bumalik sa pagkain. Nabigla siya dahil alam nito kung gaano katagal siyang nanatili sa ibang bansa. Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso na agad niyang sinaway. Muli niyang pasimpleng sinilip ito at nakitang sinasandukan ito ng kanin ni Rose pero titig na titig naman ito sa kanya. Ilang segundo pang naghinanang ang kanilang tingin bago siya nakadama ng pagkailang.
Narinig niyang may tumikhim at napansin niyang nakatitig na sa kanya ang kanyang Daddy at Mommy. Sina Liberty at Joseph naman ay blangko ang ekspresyon pero kilalang-kilala na niya ang dalawa dahil kita sa mga ito ang pinipigil na ngiti sa kanya na para bang may alam ang mga ito hanggang sa sabay na natawa na ang mga ito. Humingi ito ng paumanhin sa mga naroon at sinabing may naalala lang ang mga itong nakakatawa bago muling tumingin sa gawi niya.
Muli na muna siyang bumalik sa pagkain pero maya-maya naman siyang sumusulyap sa lalaki na nahuhuli rin niyang sumusulyap din sa kanya. Bigla na namang parang may circus sa kanyang dibdib nang ngumiti din ito sa kanya at kumindat. Hindi maawat ni Magnolia ang dibdib sa malakas na pagkabog. Parang gustong kumawala ng puso niya sa sandaling ngumiti ang lalaki sa kanya bago siya kinindatan. Bakit ba ganoon na naman ito sa kanya? Hayun na naman ito, nagpapa-cute kahit alam naman nitong cute na ito. Nakalimutan na ba ang nangyari noong huli silang magkita? Siya kasi ay hindi na gusto pang maungkat iyon dahil hanggang sa mga oras na iyon ay sariwang-sariwa pa sa kanyang alaala ang tamis ng halik na pinagsaluhan nila. Nang marinig niya ang boses nito kahit hindi niya pa nakikita ito ay parang biglang nag-flashback ang paghalik nito sa kanya sa rooftop ng building sa paaralan nila pati ang tatlong beses na pagtatagpo ng kanilang mga labi isang gabi bago siya lumipad papuntang ibang bansa.
Kasabay ng mga ito ay muling nagdagsaan ang mga tanong sa kanya. Bakit naroon pa rin ang pamilyar na kabog ng dibdib niya? Pero agad niyang naisip na marahil ay dahil matagal niya itong hindi nakita at parang na-overwhelm siya sa presensiya nito. Mas lalo naman kasing gumwapo ito at parang mas nag-uupaw ang tinatawag na air of mystery nito. Kasabay ng pagiging misteryoso nito ay biglang ngumiti at kumindat ito sa pilyong paraan. Teka, pilyo? Bakit parang gusto kong maapektuhan? Naaasar na pinagalitan niya ang sarili. Dapat ay mapikon siya sa lalaki pero agad niyang sinaway ang sarili nang marealize na masyadong pambata ang asta niya. Baka nalimutan na rin nito ang mga nangyari sa pagitan nila. Maaaring naaala pa iyon nito pero hindi naman iyon big deal. Kumbaga isa na lang nakakatawang alaala dala ng kabataan. Lalo tuloy siyang napikon. Ano ako libangan? Nagmukha pa tuloy akong clown na maaalala nito para lang tawanan.
Nagsisintir ang kanyang kalooban. Bigla ang pagbalik ng matinding inis niya rito. Pagdating niya sa kuwarto ay umupo agad siya sa kama niya para lang tumayo ulit. Pagsilip niya sa bintana ay saktong pasakay na ito sa kotse nito. Gusto niya pang pagmasdan ito kaya huling-huli siya nito na nakatitig nang bigla itong magbaling ng tingin sa gawi niya. Narinig niya pang humalakhak ito bago kumaway sa kanya at pumasok na sa sasakyan. Muli niyang pinagalitan ang sarili. Damn, Magnolia, don't let him come near you again. Don't let him affect you the way he did twelve years ago. Napaismid siya bago nagsalita na naman kahit walang kausap. Well, he can never do that to me again. I've already changed a lot. Who does he think he is? Sorry to burst his bubble, but we can never ever be friends again. Now, I want to punch the face of that scumbag. Pagkatapos akong halikan, niyabangan pa ako na parang desperada ako at gusto siyang agawin sa kapatid ko! Kapal talaga! Ngayong pangiti-ngiti pa na akala mo kaibigan ko. Pakindat-kindat pa ang maharot na lalaki. Akala niya makukuha niya ulit ang mga labi ko. Hah! Nagkakamali siya! Mabuti na lang at kahit may jetlag siya ay naramdaman niyang namimigat na ang kanyang mga talukap dahil kung hindi ay buong araw siyang mapipikon at baka panggigilan niya ang ilang gamit niya at ihagis sa lalaki. Mabilis siyang hinila ng antok sa kabila ng labis na pagkaasar.
Paggising niya ay medyo maliwanag ang paligid. Pasado alas-sais na ng umaga. Labing-anim na oras pala siyang nakatulog. Pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa pagod at puyat sa biyahe. Mabilis talaga siyang makabawi ng tulog kahit pa magkaibang time zone na ikinagugulat ng marami niyang kakilala. Masigla siyang bumangon at parang may pakpak ang mga paang pumasok ng banyo para gawin ang kanyang morning rituals. Nagpalit lang siya ng damit at bumaba na. Naabutan niyang maghahanda pa lang ng almusal ang isang kawaksi.
“Manang, ano bang lulutuin niyo?”
“Hindi ko nga po alam, ma’am eh. Nagugutom na po ba kayo? Bibilisan ko na po dito.”
“Hindi, ayos lang po. Ako na lang po ang magluluto,” nakangiting sabi niya rito.
“Naku ma’am-”
“Ako na ang bahala. Tulungan niyo na lang ako para may kakuwentuhan ako dito habang nagluluto.” Damang-dama niya ang pagkailang nito sa kanya siguro dahil anak siya ng mga amo nito o baka hindi naman siya ganoon dati pero ayos lang. Masasanay din ang mga ito sa kanya. Dinampot niya ang isang balot ng tasty bread at pinabuksan sa kawaksi ang isang lata ng gatas at nagbati ng apat na itlog. Dinagdagan niya iyon ng vanilla, cinnamon powder, at kaunting asin. Nang maayos na ay binuksan niya ang kawali at naglagay ng mantikilya. Gagawa siya ng french toast. Sa loob lamang ng ilang minuto ay naluto niya na ang mga ito. Patapos na din ang kawaksi sa piniprito nitong bacon at itlog. Nagdesisyon na rin siya magluto ng fried rice.
“Ang bango naman niyan, Seling,” masiglang bungad ng lola niya.
“Good morning po, Lolo at Lola,” bati niya at nagmano sa mga ito. “Saglit na lamang po ang mga ito kaya maupo na kayo.”
“Naku senyora, si Ma’am Magnolia po ang nagluto ng mga iyan. Tagahalo lamang po ako,” nahihiyang sabi nito?”
“Good morning po,” bungad ng isang baritonong boses. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na spatula nang marinig ang boses ni Carlo. Bakit naman sobrang aga nitong dumating? Araw ng Lunes at may pasok kaya hindi na muna dapat ito pumunta sa kanila. Isa pa tulog pa ang kanyang kapatid.
“Oh hijo, you’re here,” magiliw na bati ng lola niya. "Tamang-tama kakain pa lang kami. Dito ka na mag-breakfast.”
“Okay lang po ba?”
“Oh nonsense.”
Muling bumaling sa kanya ang lola niya habang inililipat niya ang sinangag sa malaking bowl. “Really, hija?” Namangha ang lola niya sa kanya. “From palette and canvas, you’re now dealing with pan and spatula. Miguel, we need to find her a husband now!”
“Naku, kayo talaga. Hindi naman po mahalaga iyang pag-aasawa.”
“Anong hindi mahalaga? You’re twenty-eight hija, wala ka pa ring boyfriend,” sabad ng kanyang mommy na nandoon pa rin. Nakangiti lang ang daddy at lolo niya habang napapailing sa dalawang ginang na bigla siyang inilagay sa hot seat.
“Oh sige na po. Naku kayo talaga, kababalik ko lang dito. Gusto niyo na ba akong paalisin dito?” Nagbiro siya sa mga ito para malihis ang pinag-uusapan pero lalo lamang iginiit ng mga ito ang tungkol sa pag-aasawa.
“By the way, hijo, bakit ka pala napadaan dito?” Ang lolo niya ang nagtanong dito.
“May iiwan lang po sana akong documents dito. Ipapaabot ko na lang sana kaya lang may naamoy akong mabangong niluluto kaya pumasok na ako. Sakto hindi pa po ako nag-breakfast,” natatawang sabi nito. “This french toast is really good,” tumatango-tango pang sabi nito sabay tumingin sa kanya.
“Thank you,” nahihiyang sabi niya. “Oh kumuha ka pa. Baka sabihin mo, pinagdadamutan ka hihipagin mo ng pagkain,” biglang pagbibiro niya na ikinatawa ng mga matatanda.
Hindi tumawa sa biro niya si Carlo kaya bigla siyang nailang. Ngumiti na lang ito nang matipid sa kanya at kumuha. Maganang kumain ito panay papuri sa sinangag niya. “Masarap itong fried rice.”
“Mag-thank you ka kay Manang Seling,” siya ang nag-prito ng mga bacon at itlog.
“Thank you, Manang Seling,” nakangiting sabi nito na ikinapula ng mukha ng kawaksi nito.
“Naku mukhang type ka pa ni Manang,” biro ng Daddy niya na ikinatawa nilang lahat.
“Manang, pasado ba sa inyo si Carlo? Pwede na naman siguro iyan.” Sumali na din siya sa biruan ng mga ito. She guessed she could deal with him as long as he would not do something stupid again. She could become friends with him again. She had to because he was already part of their family.
Bahagyang nalukot ang mukha nito at parang bata pang napanguso pero mabilis ding nagbago ang ekspresyon nito, puno ng panunukso ang mga mata. “Pwede lang huh,” nakangising sabi nito sa kanya.
Mabilis niyang pinakalma ang nagwawalang puso niya dahil double meaning ang sinabi nito. Alam niyang ipinapaalala nito ang kissing scene nila. “Malay mo naman kung choosy si Manang Seling.” Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang pagkain at hindi na nakisali pa dahil mamaya biglang may sabihin na naman ang lukolukong boyfriend ng kapatid niya.