Chapter 7: First Kiss, First Heartbreak

1014 Words
Panay ang tawanan habang naiiyak sina Magnolia at Liberty. Graduation na nila iyon at bakas sa mukha ng mga estudyante ang kasiyahan kasabay ng lungkot dahil magkakaiba ang kolehiyong papasukan nila. Siya naman ay desidido nang sa MIT pumasok dahil sa mas magandang oportunidad doon para mas makatulong siya sa pagpapalago ng negosyo ng pamilya ng daddy niya. Pagkalipas pa naman ng dalawang buwan saka ang flight niya papuntang US. Tatlong buwan pa bago ang simula ng klase pero kailangan niyang makarating doon nang mas maaga para makapaglibot, maiayos ang lahat ng requirements, at makapag-adjust siya sa time zone. "Magnolia, let's talk," singit ni Carlo sa pag-uusap nila. Nakatitig na naman ito sa kanya kaya nailang na naman siya dito. "Ahm Carlo." "Just five minutes. Okay lang ba, Liberty?" "Of course," nakangiting sabi nito. "Wait for me, Kalay," sabi niya rito. "Kalay?" Nakakunot ang noo nito. "Kalay, short for kalayaan, kalayaan, Tagalog ng Liberty." "Very wise," nakangiting sabi nito sa kanya bago muling sumeryeso. Nang makarating sila sa building ng mga classrooms ay hinila siya nito at dinala sa rooftop. Hindi siya makapalag dahil mahigpit ang hawak nito sa braso niya habang umaakyat sila. "So you're leaving for the US?" "Yes," nagtaka siya dahil para itong hindi mapakali. Palakad-lakad pa ito habang parang malalim ang iniisip. "Why? How come I did not know? Why did you not tell me?" "Huh?" "Answer me," seryosong sabi nito. Hindi niya magets kung ano bang problema nito pero sinagot niya pa rin ito para makabalik na sila sa mga kaklase. "I will be taking up Architecture at MIT." "And?" "Anong and?" "Bakit hindi mo agadsinabi sa akin?" "Ha? Bakit, kailangan ba?" "Wala!" Inis na inis nitong sabi. "Tara na nga!" Hinila na siya nito pababa at bumalik sa mga kaklase. Nang makita niya si Liberty, bigla na lang itong umalis." "Anong problema niyo ni Carlo?" "Ha? Ewan ko nga ba eh. Mukhang may problema. Nagkibit-balikat lang din ito. Maya-maya ay bumalik si Carlo at muli siyang hinila pabalik sa pinuntahan nila. "Ano ba? Kanina pa tayo, nakakapagod na!" Naiinis siya dito. Ano bang kailangan nito at kung makaakto ay parang boss niya na kumbaga ay kailangan niyang magpaalam ng mga gagawin niya. Magulang niya ba ito? Hindi nga sila magkaibigan tapos magdedemand ito. "So have you made up your mind?" "Sa MIT? Yes." "Bakit hindi na sa UP? Nandoon din naman ako. Economics ang magiging course ko. Magkalapit naman tayo at pwede akong maglakad o mag-jeep papuntang building mo." "Ano bang problema mo?" "Wala," sabi nitong biglang nag-iwas ng tingin. "Ahh alam ko na. Sa surprise mo ba ito kay Rose? Promise ko naman iyon ahh. One week pagkatapos noon ang flight ko." Bigla itong napahinto at hindi na kumibo. Ilang minuto lang silang nakatanaw sa kawalan habang nakasandig sa pasimano ng rooftop. "Magnolia." "Y-yes?" Tumingin ito sa kanya na parang nagsusumamo. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?" "H-hindi na. Bakit ba?" "What if I kiss you right now, will you change your mind and stay?" Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito. Nasiraan na ba ito ng bait? Pilit siyang naghanap ng palatandaang nang-iinis lang ito pero hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. "No," she flatly said. "I'll still do it," anito at hinapit na siya. "Are you going to stay?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. "N-no," her mind has already gone haywire. Suddenly there was a massive rumbling inside her that she did not know how to think anymore. And when he claimed her lips, she knew she had to let go of all her doubts and forget everything. Boy, his lips were soft, but his kisses were rough and commanding. It was full of urgency as if she would vanish into thin air any moment. In the wink of an eye, all her defenses went down. His kisses melted the ice in her heart. It was pointless to fight the urge to kiss him back when everything around them glowed. So this was how it felt to receive her first kiss. It was even better than walking along the tulip fields in the Netherlands. At that moment, she didn't care anymore, so she threw away all her inhibitions and responded to him with equal passion. It became gentle afterward, and it was sweeter and more tender. Parehong habol ang hininga nang maghiwalay sila. Muli pa nitong ikinulong sa mga palad ang kanyang mukha kaya akala niya ay hahalikan siya nito. Pumikit siya pero hindi naman pala dadating ang halik na inaasahan niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang pagkalito sa mukha nito. "M-Magnolia," bulong nito bago muling tumitig sa kanya at mabilis siyang binitawan. Noon ito parang natauhan at umatras. "I'm sorry. That should not have happened." "W-why did you kiss me?" "I don't know," sabi nitong nakatingala at frustrated na inihilamos ang isang kamay. "I'm sorry, Magnolia. It will not happen again. I don't know what came over me. But believe me, I love your sister." Iyon lang at nagmamadali nang bumaba. Sa ilang salita lang ay nagawa pa nitong durugin ang kanyang puso. Hinalikan siya nito para lang sabihing mali iyon dahil mahal nito ang kapatid niya. That was so cruel to say the least. Bigla ang pag-ahon ng galit niya rito at sa sarili. Mabilis ang pangyayari at nagpadala naman siya. Paano kung may makakita sa kanila? Paano niya ba nakalimutan ang kapatid at pamilyang nagpalaki sa kanya? Hindi niya tuloy alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap. Pumatak ang mga luha niya. Hindi niya inaasahan na ang isa sana sa masasayang araw niya ay naging napakalungkot dahil sa sandaling kabaliwan niya. Tahimik naman dapat ang lahat. Hindi naman din siya lumalapit pero ito ang mapilit makipag-usap. Pagkatapos ay doon lang pala mauuwi ang lahat. Hindi naman siya umaasa ng kahit ano pero sana naman ay naging sensitive at considerate din ito. Iyon din marahil ang napala niya dahil kahit nagmamahalan na ang kapatid niya at ang lalaking lihim niyang sinisinta ay palihim pa siyang naghahanap ng kahit kaunti pang atensiyon mula rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD