Napapailing si Magnolia habang nangungulit sa kanya ang kaibigang si Liberty. Pumunta pa ito sa kanila pagkatapos ng tanghalian para yayain lang siyang lumabas at pumunta sa isang KTV bar sa kanilang lugar.
“Ano ka ba? Menor de edad pa tayo baka hindi pa tayo papasukin doon. Napakamahal pa ng presyo. Naku sayang ang pera. Bakit ba gusto mong lumabas?”
“Magnolia Valderama,” parang naiinis na sabi nito. “Haller? Sa isang araw na ang flight mo! Hindi ba pwedeng ibigay mo sa amin ang gabing ito?”
“Eh kasi naman, anong oras pa tayo alis saka nakakatamad nang lumabas.”
“Ganyan ka ba? Parang namang walang halaga ang pagkakaibigan natin. Eight years na tayong magkaibigan tapos tatanggihan mo pa ako.”
“Oh siya sige na. Tumigil ka na diyan.”
“Great,” nakangiting sabi nitong parang nanalo sa raffle. “It’s on me.”
“Dalawa lang ba tayo?”
“Of course, not. Kasama natin sina Joseph, Carlo, at iba pa nating classmates na nag-confirm.”
“Si C-Carlo?”
“Oo,” nakangising sabi nito. “Bakit ayaw mo ba?”
“O-okay lang naman.”
“Okay na okay kamo. Naku tumigil ka na sa pag-iinarte diyan since malapit na ang flight mo.” Pumunta sila sa likod–bahay nila. Pabulong pa talaga itong nagsalita na para silang mga character sa spy movies na may pinag-uusapang top secret. “Try mo kayang sabihin sa kanya iyang feelings mo.”
“You know I can’t do that! She’s the quasi-boyfriend of my sister. Magagalit pa sa akin lalo iyon at baka pati pamilya ko.”
“Ang akin lang, mas magandang pumunta ka sa ibang bansa na walang dalang what ifs at could have beens. Ewan ko kung paano ba kita makukubinsi pero magandang malaman niya.”
“This feeling will pass.”
“Are you sure?”
“Yes! I’m only sixteen for heaven’s sake, Liberty. Grabe ka talaga, nagka-boyfriend ka lang. Hindi na maganda iyang epekto sa ‘yo ni Joseph,” natatawang sabi niya.
“Joseph taught me to be honest with myself. He told me he loved me, so I did the same thing. We’re too young, but we know what we feel toward one another.”
“Oh siya sige na, in love na kung in love kayo.”
“Hindi kami topic dito, babae ka! Dapat malaman iyan ni Carlo. Malay mo marealize niya na ikaw pala ang gusto niya. Remember that one time during our flag ceremony? Remember when Ms. Esguerra caught him holding your hand?”
“That did not mean anything. Huwag kang makulit, Liberty, baka magbago desisyon kong sumama kapag kinulit mo pa ako.”
“Fine, fine,” nadidismayang sabi nito bago inirolyo ang mga mata at itinaas ang isang kamay sa ere.
Natawa na lang siya sa arte ng kaibigan at napailing. Napakakulit talaga nito at ipipilit ang gusto. Malamang na ito ang nangulit kay Joseph dahil matagal na niyang napapansing kulang na lang ay maghugis-puso ang mga mata nito kapag nanonood sila ng inter-school basketball league. Mas naging malapit sila dahil doon. Paano ay si Carlo ang captain ball ng team kaya siyempre ay nanonood din siya. Mabuti na lang at wala itong ideya na pinapanood niya ito at may dalawang beses silang nag-cutting class ni Liberty para manood ng laro ng mga ito. Malamang lalo siyang mabuko sa kanyang pagsintang kadramahan dito.
Pagkatapos nilang mag-usap ay ipinagpaalam pa siya nito sa mga magulang niya na agad namang pumayag. Nang malaman ni Rose na sasama sa kanila si Carlo ay natural na nagboluntaryo itong sasama ito. Bahagyang pang tumaas ang mataray na kilay ng kaibigan bago nagsabing hindi pwede dahil para sa kanilang magkakaklase lamang iyon. Pasimple naman siyang inirapan ng kapatid at nang umalis ang kaibigan ay nagsabi pa itong huwag na siyang gumawa ng paraan para maagaw ang boyfriend. Biglang napikon siya rito.
“Alam mo, Maria Rosario, napipikon na ako sa ‘yo! Isaksak mo sa baga mo iyang boyfriend mo. Wala akong pakialam sa inyo!”
Bahagyang napaatras ito na parang natakot sa outburst niya. “Damn you,” anito at nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.
Pagbaba niya ay nakita niyang nakangisi ito sa kanya. Nakakaloko pa itong nagkukuwento sa mga magulang kung gaano ka-sweet si Carlo rito at pasimpleng sumusulyap pa sa kanya. Wala siyang kiber. Sa totoo lang, nawalan na siya ng pakialam dahil abala siya sa pag-eempake ng iba pang gamit kahit pa bahagyang kumikirot ang dibdib niya sa pagkukuwento nito. Hindi na bale dahil makakalimutan niya pa ang nararamdaman kapag nagsimula na siyang mag-kolehiyo.
Kinagabihan ay pinababa na siya ng isa nilang kawaksi dahil naroon na sina Liberty at Joseph para isama siya sa KTV bar na pupuntahan nila. Naroon din ang mga magulang niya. “Daddy, Mommy, mauna na po kami. Ihahatid na lang po nila ako dito.”
“Anak, Liberty, and Joseph, pinapayagan ko kayo dahil may tiwala ako sa inyo at malapit na ang flight ni Lia. Pero huwag kayong magpaumaga,” seryosong sabi ng daddy niya.
“Opo. Daddy,” nakangiting sabi niya.
“Daddy, I want to go with Ate Lia. You know naman I want to be with her,” paglalambing ng kapatid niya sa daddy nito.
“Lia, isama na kaya ang kapatid mo.”
“Tito,” singit ni Liberty. “Kung okay lang po sana ay si Lia lang ang gusto naming makasama ngayon. Para po kasi sa amin itong magkakaklase. Please po.”
“Well, sige,” sabi ng Daddy niya sa mga ito. “Rose, baby, that’s for ‘adults’ only,” biro nito at gumuhit ng panipi sa ere.
“Fine,” nakasimangot na sabi nito at tiningnan nang matalim si Liberty bago inirapan.
“Thank you, Tito and Tita. Don’t worry we’ll take care of Lia,” nakangiting sabi pa ni Joseph sa mga ito.
Bago pa man sila matapos sa pag-uusap ay biglang dumating si Carlo. Tuwang-tuwang tumakbo si Rose palapit dito at hinila ito palapit sa kanila. “Daddy, Mommy, hey Carlo is here,” anitong nakangiti sa mga ito bago ngumisi sa kanya.
“Good evening, Tito and Tita. Susunduin ko po sana si Magnolia.” Ito lang ang tumatawag sa kanya sa buo niyang pangalan.
“Thank you very much, Carlo,” nakangiting sabi niya rito. “Hindi ka na sana nag-abala. Kaya nga pumunta sina Kalay at Joseph dito para sunduin ako. Pero paalis na rin naman kami. Mag-convoy na lang tayo papunta sa KTV bar.”
“Bar?” Doon pa lang nagsalita ang Mommy niya. “Are you even allowed to go there?”
“Tita, hindi po,” awat ni Liberty. KTV bar po, bale karaoke lounge lang po iyon. Kakanta lang po kami. Don’t worry, no beer or wine for me and Magnolia.”
“Daddy, okay ba iyon?” Tumingin pa muna ang Mommy niya sa Daddy nila na parang humihingi ng opinyon nito.
“Well, I guess that’s fine. Papasamahan na lang natin sila kay Jose at Erwin,” tukoy nito sa isang driver at bodyguard nila. “Ipapa-convoy na lang natin sila at magbabantay sa labas ng bar para siguradong ligtas pa sila.”
“Thank you, Daddy and Mommy. We will go ahead,” aniya at hinila na patayo si Liberty.
“Wait,” pigil ni Carlo. “Ako na ang magsasabay kay Magnolia. Mag-convoy na lang tayo.”
“Alright. Tara na Joseph,” mabilis na sagot ni Liberty at hinila na palabas ang nobyo.
“Hindi na, Carlo. Nakakahiya naman kina Liberty. Sinundo pa ako rito,” pagdadahilan niya.
“Okay lang iyon para makapag-usap din kami ni Joseph nang masinsinan,” pahabol na sabi ni Liberty na narinig pala ang sinabi niya.
“I guess there is no problem with them,” anito bago bumaling sa mga magulang niya. “Tita, Tita, I will take care of Magnolia. Ako din po ang maghahatid sa kanya dito.”
“You better take care of our princess, young man,” seryosong sabi ng Daddy niya.
Bago pa sila makalabas ay humirit na naman ang kapatid niya. “I want to go with you.”
“No buts, princess. This party is for our section only,” nakangiting sabi nito sa kapatid niya at pinisil pa ang pisngi bago muling nagpaalam sa mga ito. “Let’s go,” Tumingin ito sa kanya at nauna nang maglakad palabas.
Pagdating niya sa kotse nito ay nakaabang na ito at ipinagbukas pa siya ng pinto. Nang makaupo na siya nang maayos ay saka nito isinara ang pinto at lumigid papunta sa puwesto nito. “How are you?”
“I’m fine. You?”
“I feel so awesome now,” nakangiting sabi nito sa kanya at pinasibad na ang sasakyan.