Ilang minuto pa lang ang lumipas pagkatapos ng party ay ang pamilya na lamang nina Carlo ang natira. Ang lolo at lola, mommy at daddy nito ay kausap naman ng mga matatanda sa kanila habang ang lalaki panay naman ang pakikipaglambingan sa kanyang kapatid. She felt out of place. She has been feeling that way since she was a child. Maybe because she had a lot of questions that were left unanswered. Oh well, there was nothing she could do but to study and prove herself first. Pero hindi pa niya maiwasang mailang dahil napansin niyang maya't maya ay tumitingin sa kanya si Carlo. Para bang wala itong pakialam kahit ilang beses na niya itong nahuhuli. Tuwing magsasalubong ang tingin nila, hindi niya matagalan ang mga magagandang mata nitong itinatago ang misteryo ng katauhan nito. Palibhasa ay ilang taon niya na itong kakilala pero wala naman siyang alam tungkol sa personal na buhay nito maliban sa kasintahan ito ng kanyang nakababatang kapatid.
She went to the backyard, her favorite place in the house. She sat down and looked at the starless sky. Gayunpaman ay walang nagbabadyang ulan. Matagal na siyang nasa ganoong posisyon nang maramdamang may nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay nahigit niya ang kanyang hininga. Naroon lang sa malapit si Carlo. He looked more magnificent in his suit. To her bewilderment, it complemented his rugged look. For the life of her, he flashed the most beautiful smile she has ever seen, the smile that bothered her used to be a solitary life, the smile that she loved to imagine while she was painting on her canvas. Sinuklian niya lang ito ng isang tipid na ngiti at tango dahil hindi niya alam paano mag-react dito.
Lumapit at tumabi ito sa kanya. Tumingin ito sa kalangitan bago nagtanong sa kanya. “Kumusta ka?”
"M-mabuti naman. B-bakit ka nandito?"
Tiningnan lang siya nito nang mataman at nagkibit-balikat. Muli itong tumingala. Bigla itong tumuro paitaas. Maganda ang mga buwan at bituin na bahagyang itinatago ng makakapal na ulap. Napansin niya ang lumilipad na eroplano. "Nakita mo ba iyon?"
"Oo," aniya.
"Sa kamakalawa, pagtingala ko, nakasakay na sa eroplano," seryosong sabi nito.
"Ahh oo."
"Sayang, Lia."
"B-bakit naman sayang?"
"Hindi pala tayo nagkaroon ng pagkakataong makilala ang isa't isa at maging magkaibigan."
"Ayos lang," simpleng sabi niya.
"Babalik ka pa ba?"
"Oo naman. Mag-aaral lang ako doon, kukuha ng board at experience. Tutulungan ko sina daddy sa pagpapalago ng negosyo. I promised them I would help my sister."
"Mabuti naman. P-pasensya ka na pala noong nakaraan. Y-you know, the k-kiss," sabi nitong may bakas ng pagkailang bago tumitig muli sa kanya. "I couldn't help it. Y-you have the softest lips I have ever kissed. It was wonderful."
"P-please don't say that. M-my sister will hate me even more."
Ipinagkibit lamang nito ang mga balikat bago nagsalita. "You were never close with your sister."
"Dati, oo, medyo close naman kami. Ngayon, hindi na."
"Why?"
Hindi siya sumagot sa tanong nito. Hindi niya gustong maging unfair sa kapatid lalo na sa harap ng quasi-boyfriend nito. "Hindi ko alam. Hayaan mo na." Tumayo na siya at nagpaalam na pero hinila siya nito paupo sa tabi nito kaya nagtatakang napatingin siya rito.
"Let's talk for a while. Paalis ka na kaya pagbigyan mo na ako."
"What are we gonna talk about?"
"About stuff."
"What stuff?"
Hindi ito kumibo at muli lang tumitig sa kanya. "You have a very beautiful pair of eyes. Ngayon ko lang napansin," seryosong sabi nito bago muling bumaba ang tingin nito papunta sa mga labi niya. "C-can I kiss you again?"
Naiilang na siya sa ginagawa nito pero hindi siya makadama ng pagtutol. Tatango na sana siya. Mabuti na lang at naalala niya ang kapatid niya. Idinaan na lamang niya ito sa biro. "So magbobolahan pa tayo?" Bigla siyang natawa kaya natawa rin ito.
"Bolahin mo din kasi ako," pakikisakay din nito. Napansin niyang parang naging malikot ang mga mata nito at muling tumingin sa kawalan. Siguro ay natauhan din ito sa kalokohan nito na idadamay siya. Tumingin na ulit ito sa kanya. May nakapaskil na doong tipid na ngiti.
Sinuklian niya din iyon ng ngiti bago siya nagsalita. "You have a very beautiful pair of eyes, too. You have a pointed nose, razor blade thin lips, and prominent jaw. Oh ano pa ba?" Natawa na lang din siya ng makita niyang ngumiti ito nang may kapilyuhan.
"Tell me I'm handsome," natatawang sabi nito.
"Of course you are, and you know it. Otherwise, you would not have asked me to say it."
"Am I not your crush?" Bigla itong naging seryoso.
"Are we at it again?" Napabuntung-hininga siya at nagdesisyong sagutin ito nang may kaunting pagsisinungaling. "Ikaw ang first crush ko," nakangiting sabi niya pero sa loob niya ay nanginginig ang mga kalamnan niya.
"Really?" Bakas ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Yep. Crush na crush kita dati. Pero dati pa iyon. Ano ka ba? Napapahiya na tuloy ako," natatawang sabi niya.
"B-bakit hindi na." Lalo itong naging seryoso at tumitig sa kanya.
"Eh? Alangan namang meron pa rin. Teenage crush lang naman din iyon. Oh paano kung crush pa rin kita? Masagwa iyon dahil girlfriend mo na si Rose."
Biglang nanigas ang katawan nito. "Tama ka. Tara na. Past twelve midnight na," anito at tinulungan siyang tumayo. Pagdating sa sala ay nakauwi na pala ang pamilya nito. "Goodnight at mag-ingat ka sa flight mo. Galingan mo pa doon," seryosong sabi pa nito bago ito lumabas ng bahay.
"Ang hirap sa 'yo, bigla kang dumarating pero ang bilis mong mawala. Hindi mo pa ako mahal samantalang mahal na mahal kita," malungkot na sabi niya sa sarili habang nakatanaw dito na sumakay ng sasakyan. She would forget him and move on. She had to be motivated and grateful because she had a lot of obligations to meet and dreams to reach. Marami siyang plano para sa sarili at pamilya. Magiging arkitekto pa siya at magtatrabaho sa kumpanya. Susubukan niya pang hanapin ang kanyang totoong daddy para makumpleto ang pagkatao niya. Pipilitin niyang maging masaya sa kabila ng pagmamahal niyang hindi rin nito magawang suklian.