Now I've realized. Why don't I try to find someone in f*******:, chat chat lang naman. Walang seryosohan.
Gusto ko sanang si Dylan na lang pero ang gwapo non eh, halatang hindi ako pupulutin.
I pouted at pinindot ang pangalan na Justine Obena.
Riza Kate Wright:
Hi
Uminit ang pisngi ko sa ginawa ko.
Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na hindi ako mag f-first move dahil babae ako, dapat conservative! Dalagang Pilipina ganon pero dahil sa tanginang shokoy na yon, na nainsulto talaga ako, so here I am so desperate to find a lover.
I know what I am doing right now is not worth it! Pero bakit hindi ko subukan? Wala naman sigurong mawawala sa akin dahil chat lang naman ito.
Justin Obena:
Hi Ganda
My eyes widen nang nag replay ito.
I sigh heavily.
Paninindigan ko to! Ginusto ko to eh! Bahala na! Chat lang naman.
Napakamot ako ng ulo.
"Anong eh r-replay ko dyan?" Problemado kong sabi.
Nabuhayan ako nang loob ng nag typing ito.
Shit! Pati pag c-chat nahihirapan ako! Hindi kasi ako pala chat kaya hindi ko alam kung anong e c-chat para hindi maputol ang pag-uusapan.
Justin Obena:
Saan po kayo nakatira?
Napataas ang kilay ko sa message nya!
"Bakit nito tinanong?" I mumbled to myself!
Riza Kate Wright:
Bakit?
Ayokong magbigay ng mga information dahil baka puntahan ako o di kaya may balak na masama. Iba pa naman ang mga utak ng kabataan ngayon.
Justin Obena:
Wala lang...Ilang taon na po kayo?
"Walang patutunguhan to" iling iling kong sabi.
Ang boring eh tapos hindi pa ako comportable na mag replay. Bakit tinanong pa ang address?
Riza Kate Wright:
I'm 22 bakit?
Gusto ko na lang eh untog ang sarili ko. Tunog cold! Halatang ang boring kong kausap!
Bakit ba pumasok sa isip ko ang ganitong bagay? Nainsulto lang naman ako dapat nag r-reflect ako ngayon hindi naghahanap ng lalaki online.
Justin Obena:
Oy Ate!
I scoffed sa replay nya.
What the hell? Ate? Kapal ng mukha nya! Mas matanda pa nga ang mukha nya kaysa sa akin.
Dahil na discouraged, naghanap ako ulit. I don't know kung bakit ko pa pinagpatuloy kahit alam ko namang ayoko na dahil na c-cringe ako.
Alfred Sanches:
Girlfriend using! Kung sino ka mang malandi ka! Huwag ka ng mag chat sa boyfriend ko! Malandi!
Natikhim ako and block the user. May girlfriend na pala! Single pa kasi ang nakalagay sa status ng f*******: nya.
I tried to chat another pero seen lang or ignore ang message ko, may iba naman! Nag r-replay nga pero tinatanong kong saan ako nakatira, may jowa na ba at kung anu-ano pa.
I sigh.
Ang hirap nitong ginagawa ko!
Ako talaga ang naghanap huh! Dapat ako ang hinahanap dahil ako ang babae! Pero ilang taon na akong naghintay, anong napala ko? Hanggang ngayon wala pa ring boyfriend.
"Bwesit naman to!" Inis kong sabi.
Kung tinulog ko na lang to edi sana nakapagpahinga na ako ngayon! May klase pa bukas ng maaga and here I am, chatting a stranger.
Bangang akong pumasok kinabukasan! Sising sisi sa pinagagawang kalokohan kagabi!
I don't know kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yon!
May Dylan na akong target but halata namang hindi mapapasaakin! Ano lang ba naman ako?
Honestly, hindi pa talaga ako okay! Nasa damdamin ko pa rin yong narinig ko nong isang araw.
Ang hirap mag move on dahil tuwing titingin ako sa salamin, paulit-ulit kong tatanungin ang sarili ko na bakit parang nakakatawa sa ibang tao kapag nagustuhan ako ng isang lalaki?
Hindi naman ako p****k para pandidirian nila ng ganon.
"Jusko Riza! Ang aga-aga pa mukha ka ng zombie! Ang laki na ng eye bags mo! Ang putla mo pang babae ka! jusko!" Exaggerated na sabi ni Nelia.
I sigh, sisingsisi talaga kung bakit nag spend pa ako ng time mag chat ng kung sino-sino kagabi! Sana umaga ko yon ginawa.
"Isang oras lang ang tulog ko kaya please patulugin nyo muna ako" antok ko sabi at dumokdok sa arm chair.
Kung sana hindi nawala ang confidence ko, si Dylan na sana ang nilandi ko ngayon! Hindi ganitong nag t-trial and error ako sa paghahanap ng lalaki sa f*******:.
Bakit ba ang sensitive ko?
I don't care what people will think of me naman pero yong narinig ko nong isang araw, parang sinampal ako ng katotohanang, ang pangit pangit ko at walang karapatang mahalin ng kung sino.
"Hoy Riza! Atleast put some lipstick on your lips!" She hizzed. Napabuntong hininga ako.
"Mamaya, patulugin na muna nyo ako" inaantok kong sabi.
Wala akong paki sa hitsura ko ngayon! Inaantok talaga ako ngayon dahil ilang oras lang ang tulog ko.
"Riza! Sige na, maglagay ka na, promise hindi na kita guguluhin"
I sigh at ginawa ang gusto nya dahil hindi talaga nya ako titigilan.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit palagi silang nagpapaganda even though may mga jowa na sila.
Everyone will judge you base on what they see, at kung katawa-tawa ka sa paningin nila, sorry to you, wala ka ng magagawa doon at tatanggapin na lang ang insulto nila.
Not all people kasi will appreciate on who you really are, specially those people na una ka pa lang nakita. Kahit ako naman, mang huhusga ako, If makita ako ng estudyanteng madungis at may amoy, I will judge them eventually na ganito sya, ganyan, hindi man lang naligo, nakapagpabango, mga ganyan without knowing na baka galing pala sya sa trabaho, hindi namalayan ang oras kaya agad na dumirtiso sa paaralan.
Hindi naman kasi pare-pareho ang estado ng pamumuhay ng mga tao, we didn't know what they been through pero ang lahat ng tao ay agad kang e j-judge specially kapag nakakatawa ka sa paningin nila.
Now I fully understand why they wore a make up, buy expensive beauty products for their self para iwas sa mga taong pag c-chismisan ka at mapagtawanan.
I am in my darkness moment in my life know dahil sa narinig talaga nong isang araw. Pati ang pagka gusto ko kay Dylan, naapektuhan.
Maybe I will buy a lotion too? Maputi naman ako pero ang dry ng skin ko kaya kailangan na talagang mag lotion.
"There! Eye shadow..."
"Mamaya na yan! Patulugin mo muna ako!" Laylay ang balikat kong sabi. She giggle.
Every break time, tulog ang ginawa ko dahil kulang talaga, hindi pa ako makaka tulog mamayang gabi dahil may trabaho pa.
Wala na rin akong balak mag over time baka sa langit na ang punta ko. I need to take a break.
"Hoy saan ka pupunta? May last subject pa!" Tawag sa akin ni Kryistin.
"Matutulog! Hindi ko na talaga kaya" Ani ko.
Sumasakit na ang ulo ko at nawawalan pa ako ng energy kaya I decide to absent sa last subject, minor lang naman yon at wala akong problema sa subject na yon, matataas naman ang score ko at mabait ang subject teacher non, sure akong hindi ako mababagsak.
Instead umuwi sa bahay. Pumunta ulit ako sa burol for two reasons: ang sarap matulog doon, refreshing, makakahalanghap ka talaga ng sariwang hangin, ang tahimik pa ng paligid. Pangalawa, baka bumalik doon si Dylan! Hinding hindi ko na talaga sasayangin ang chance.
"This is life" I mumbled at nilatag ang jacket ko sa damuhan at natulog agad pagkarating. Pagkagising ko, nag-aagaw na ang dilim at liwanang.
"Wow" I mumbled when I saw the sun is setting already.
Nakakamangha, parang naglalahad ito na lahat ng bagay, lahat ng problema, lahat ng tao, may katapusan but it doesn't mean na ending na, it also symbolizes the start for a new beginning.
"You always here to sleep?"
"Palaka!" Gulat kong sabi nang may nagsalita sa gilid ko.
I look who is it.
Napahawak ako sa dibdib ko nang nakita si Dylan.
"I'm sorry, I thought alam mong nandito ako" he apologized.
Napapikit ako habang hawak ang dibdib ko.
Akala ko my kung anong ligaw na kaluluwa at kinaunsap ako! Wala pa namang katao-tao rito! At Si Dylan? Si Kier Dylan nandito?
Shit lang!
Ayoko ng magpakita sa kanya dahil ayoko ng mangarap pa na maging akin sya! I do trial and error in f*******: to find a lover already but I guess the universe will make it hard for me.
"Ugh....aalis na ako-"
"I came here everyday, hoping to see you and I always go in your work place to see you, why in a hurry now?"
Napatigil naman ako sa pagkilos at natulala sa sinabi nya.
Ano raw?
He hope to see me? Why?
The f**k! Nag h-hallucinate ba ako dahil kulang ako sa tulog? O resulta ito nong oplan Trial and error ko para makita ng jowa?
"A-ano kamo?" Utal kong sabi at mabagal na lumingon sa kanya. He nod.
"I really wanted to talk to you" aniya.
"Huh?"
"Yes...I've wanted to offer you something"
"Ako?" Parang tanga ko talagang sabi. He patiently nod.
"Yeah, I observe that you are very hard working and very determined to finish your school, I did some research about you, I hope you wouldn't mind" pormal nyang sabi.
I blink.
"B-bakit?" Lito kong sabi.
"I wanted to help! I offer you something that will help you, mas magaan ito kaysa trabaho mo at mas malaki ang sweldo" mahinahon nyang sabi.
Para namang napintig ang tainga ko. Sweldo! That one word! Tapos malaki pa.
"Ano po yon?" Interesado kong sabi. He smirked.
"If you want, please submit a resume and your schedule so that I can accept you as my secretary in my company" pormal nyang sabi.
Nalaglaga naman ang panga ko. Hindi makapaniwala sa narinig.
He offer me a work dahil nakita nyang hard working ako?
Oh my goodness!
Hindi ko tatanggihan yan! Pero paano yong trabaho ko tapos pag-aaral kapag tatanggapin ko?
Secretary! It means whole day ako mag d-duty, hindi pwede yon dahil may klase ako. Kung pang gabi ako, okay lang pero kapag umaga, hindi talaga ako pwede.
"Pero po..."
"Don't use a po to me, I'm not that old, I'm just 24" aniya. Napatikhim naman ako.
Oh my! 2 years lang ang tanda nya sa akin! Okay na yon! And age doesn't matter naman! Tapos ang gwapo gwapo nya.
Titigilan ko na yong Oplan trial and error ko sa paghahanap sa f*******:! Pinaglalapit talaga kami ng tadhana.
Napakamot ako ng ulo.
"Ano kasi...nag-aaral pa ako kaya...Mukhang malabo kong-"
"Every weekend, my secretary is only for weekdays so I guess wala kang klase sa weekend? Or kung meron we can arranged your schedule so that's why you need to pass your schedule" seryoso nyang sabi.
"Talaga po?" Hindi makapaniwala nyang sabi. He nod.
"Yeah, I hope it can help you" aniya.
Napangiti naman ako.
"Opo! Malaking malaking tulong na po yan! Salamat po, salamat" malaking pasasalamat kong sabi.
"Don't use po to me, please, I felt like, I'm very old" kunot noo nyang sabi. I nod happily.
"Sige po...I mean sige" naiilang kong sabi.
"After your class tomorrow dumiritso ka sa R.E.Y Building! To passwhat I've said to you"
Agad kong binalita nina mama ang pagkaroon ko ng trabaho. Tuwang-tuwa rin sila dahil sa wakas raw, makakapagpahinga na ako kahit papaano.
"Pero ma! Wala akong attire!" Probelmado kong sabi.
Puro hiram lang ako ng mga suit or coat sa mga kaibigan ko kapag kailangan! Now that I have a work, anong susuotin ko?
"Wag mo ng alalahanin yan! Pumunta tayo sa ukay ukay ngayon"
Dahil sa sobrang tuwa nina Mama kahit gabi na, namili kami sa ukay ukay ng pang duty ko. Kailangan pormal ako dahil according to Dylan, companya yon! Kaya dapat pormal ako!
I don't know what's with him kung bakit sya nag offer, gusto kong mang usisa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil pabor na pabor sa akin ang offer nya!
Siguro nakita nyang pagod na pagod ako, tapos kapag naabutan nya ako sa burol na tulog... I don't know kunga nong hitsura ko kapag tulog, siguro bakas ang hirap kaya naawa sya!
Pero kung ano man ang dahilan nya, malaki na ang pasasalamat ko! Dahil sa wakas hindi na ako araw-araw puyat! Every weekend lang naman daw tapos malaki ang sweldo kaya okay na yon.
"Paano ang sapatos mo?" Ani ni mama.
She buy me three pair of coat and skirt! 3 for 100 lang naman! Kaya binili ni mama.
Bago kami umalis, nagpaalam muna ako sa manager ng fast food chain.
"Iiwan muna kami Riza?"
"Wala to si Riza! Nangiiwan! Akala ko pamilya tayo rito?"
"Dadalaw pa rin ako rito guys! Hindi ko na kasi talaga kaya" Ani ko.
"Sos! Kapag kinasal ka na sa lalaking kinababaliwan mo huwag mo kaming kalimutan!"
"Kapag kakain yon dito! T-text kita Riza!"
"Gunggong! Mga diskarte mo bulok"
"Pero seryoso! Ma m-miss ka namin Riza! Balik ka dito pag may time ka!"
Maluha luha akong lumabas sa fast food chain. Tatlong taon na rin akong nag t-trabago roon, napamahal na ako roon.
Kinabukasan, hindi na ako mapakali sa skwela, excited nang gumabi dahil first day ko ngayon at sa crush ko pa ako mag t-trabaho.
"Hoy! Anong nangyari sayo? Bakit bagsak ka sa quizz?" Tanong ni Iveth.
I shrug! Hindi naman ako babagasak sa sem natoh! Isang quizz lang naman yon.
"Luh? Nabaliw ka naman ba Riza?"
I just shook my head.
"May bago na kasi akong trabaho" masaya kong sabi. They rolled their eyes.
"Trabaho na namam? Riza! Mag enjoy ka naman sa buhay mo" ani nila.
"Soon kapag mayaman na ako" masaya kong sabi.
Kinagabihan, halo-halo ang nararamdaman ko; kaba, takot, hiya! Hindi na nga ako kumain dahil parang isusuka ko lang.
"Luh? ate! Naging tao ka ngayon!" Walang kwentang sabi ng kapatid ko. I rolled my eyes.
"Mag-aral ka na lang dyan" nakangiwi kong sani.
I'm wearing a simple attire, skirt lang, pinarisan ng white sleeves at pinatungan ng coat! Tapos naka flat shoes na black, ayokong mag heels dahil ang sakit sa paa.
"Totoo nga ate! Para kang-"
"Oo na! oo na!" Tamad kong sabi.
I ponytail my hair, naglagay ng kaunting vetress,
Para hindi magulo, naglagay rin ako ng make up, buti na lang naturan ako nina Nelia.
I am well prepared, kailangang maging presentable para naman hindi husgahan.
Hiyang hiya ako nang lumabas ako sa bahay dahil pinupuri ako ng mga kapit bahay namin! Mag p-part time lang naman ako.
"Ma! Huwag ng taxi! Trycle na lang" Ani ko kay Mama nang pumara ng taxi.
Ang mahal mahal ng pamasahe dyan! Maluyo-layo yong building na pupuntahan ko.
"Huh? Baka madumihan yang damit mo"
"Naku ma! Mahal ang pamasahe dyan! Mag j-jeep na lang ako o di kaya trycle"
Hindi ko pa alam kong magkano sweldo ko! Ang sabi nya lang malaki! Tapos part time pa ako! Kung makaasta to si Mama parang regular na ako sa trabaho.
"Sigurado ka ba?" Nag-aalala nyang sabi. Tumawa ako at tumango.
Pagkarating ko sa companya. Hindi ko maiwasang kabahan, hindi ko alam kung saan pupunta, sinong lalapitan.
"Excuse me ma'am, saan po kayo?" Magalang na sabi ng kung sino. But base sa suot nyang suot, mukhang nag t-trabaho sya rito.
"Ugh, pinapunta ako ni Mr. Dylan dito ma'am" magalang kong sabi.
"Ano pong pangalan nila?...Dito na muna tayo" malumanay nyang sabi at pinaupo sa upuan.
"Riza Kate Wright po"
Napaisip naman sya.
"Tatawagan ko lang saglit huh? Maghintay ka muna"
Nakanguso ako habang tinitignan ang mga taong naglalakad paritot, paroon.
Everyone act so professionally, malinis na malinis ang damitan, naka fix ang buhok parang hindi magagalaw! Ang iba naman may dala dalang mga papels! Everyone is so busy.
"Ma'am, Tara na po, Mr. De Lara is waiting"
Agad naman akong napatayo at sumunod sa kanya.
So he's the bost here?
Nakaka bilib! 24 pa lang sya pero may ganito na syang companya!
"You must be his weekend secretary?" The lady asked.
"Opo ma'am" I politely replied.
"Take note, he's very strict, dapat on time, hindi palpak sa trabaho, he's very perfectionist...Kaya you know ayusin mo trabaho mo" aniya.
I nod.
"Opo ma'am...Strict po ba talaga si Dylan?...I mean si Mr. De Lara?" I asked habang nasa elevator kami.
"Yes! He's so ruthless that's way lahat ng impleyado rito are working so hard dahil takot kay Sir! Pressure na pressure kasi kaya napakamainitin ang ulo kaya ikaw, baguhan ka pa, sana hindi ka mag give up agad"
Give up? Wala yan sa vocabulary ko! Sa hirap ng buhay namin, ngayon pa ako susuko? Oh no! Paglilinis nga ng kanal nagawa ko, ito pa kaya na nasa opisina lang?
Pagbukas ng elevator, agad bumungad sa akin ang opisina, na occupied lahat ng isang floor. Nakakamangha lang.
"Hanggang dito na lang ako" the lady said.
"Salamat po" magalang kong sabi. She smile.
"Good luck" she said with a meaning.
I sigh at umayos ng tayo.
"Welcome to my company my new secretary" a baritone voice said.
"Lord God!" Gulat kong sabi kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"I'm sorry..." a man said kaya napakurap ako at umayos. Si Dylan pala.
"I'm sorry po...Mr...ughmmm..."
Ano itatawag ko sa kanya? Dylan? Mr. De Lara?
"Dylan will do...come here" Aniya at ginaya ako sa pagkakaupo.
Hindi ako mapakali habang tinitignan syang umuupo sa swivel chair. He then put his hand on the table, looking at me with authority kaya kumalabog ang puso ko. He's like a king on that position, looking down his servant.
"Ugh...I-ito po yong resume ko po, application letter and Ugh..."
Wala na pala! Gaga! Kinakabahan ako.
"Hmmm...actually sa weekend ka pa talaga magsisimula but since your here, someone will orient you what to do, is it okay with you?" aniya habang tinitignan ang papelis ko.
"Yes po" mahina kong sabi.
"Hmmm...Everything's good...and..." He pushed and look at me.
I looked away. Ang gwapo nya tignan, his wearing a suit that makes him more attractive! At mas lalo ko syang nagustuhan.
"You look beautiful today my secretary"